II Part - Chapter 11 - Love & Forgiveness (Part 2)

Start from the beginning
                                    

...
"How are you feeling?" Nabigla naman ako ng maramdaman ko si Matt na niyakap ako sa likod ko habang nagluluto ng agahan.

"I'm happy but--" Natigilan ako ng maramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko.

"Daddy...Daddy..." Napatingin naman ako sa umiiyak na si Sammy na nagkukusot ng mata. Kakagising lang nito. Inalis na ni Matt ang pagkakayakap niya at kaagad kong iniwan ang niluluto ko at lumapit sa anak ko.

"Good morning, baby!" Ngiti ko rito. Tiningnan ako nitong mabuti. Kinarga ko naman ito at nagpakarga ito sa akin. "Anong gustong breakfast ng baby namin?"

Lumapit ako sa lutuan na ngayon naman ay si Matt na ang nagpatuloy.

"Ahm...ahm..." Nag-isip pa ito pero sa huli ay yumupyop na ito sa leeg ko at pumikit. Mukhang inaantok pa ito at wala pa sa mood.

"You want Mommy to cook pancakes for you?" Natigilan naman ako sa sinabi ko.

"Mommy..." Narinig ko naman salita nito. Tumingin ako rito at nakapikit pa rin siya. "Mommy...I want pancakes."

Napatingin naman ako kay Matt dahil sa sinabi ni Sammy. Ngiting-ngiti ito sa akin. Ito na naman ang luha ko. Kahit na alam kong subconciously ang pagtawag sa akin ni Sammy ng Mommy pero ang saya-saya ko.

"Okay, baby, Mommy will make pancakes for you."

Matapos magluto ni Matt ng hotdogs, eggs, at bacon ay ako naman nagsalang ng kawali at gumawa ng pancakes. Laking pasasalamat ko na bumili ako ng mold ng mga cartoon characters in hope na magagawa ko ito kay Sammy at ngayon nga ay nagagawa ko na.

"Teo, sa akin ka na muna magluluto si Mommy." Napangiti ako. Pinangatawanan na talaga ni Matt ang pagtawag ng Mommy.

"No!" Lalong yumakap ito sa akin ng mahigpit gaya noon baby pa ito. Nagkatinginan kami ni Matt sa ginawa ni Sammy. Tinulungan na lang ako ni Matt na maghalo ng ingredients at ilagay sa mold. Hindi na rin ako masyado makagalaw. Ang laki na kasi ni Sammy at mabigat na.

"Daddy, pihitin mo na sa kabilang side po." Pinihit naman ni Matt iyon pancake at matapos ang ilang segundo ay luto na ito.

"Look, baby, tingnan mo iyon shape ng pancake. Sino iyon?" Dumilat naman ito at sumilip sa pancake.

"Stuart." Salita ni Sammy.

"Si Mommy hindi kilala kung sino yon." Natawa ako sa sinabi ni Matt.

"Hindi nga. Sorry. Siya ba si Stuart, baby?" Tanong ko kay Sammy at tumango ito. "Akala ko minions lang pangalan nila eh.

"Hindi po Mommy. Meroon din Larry at Dave at Phil at Tim."

"Wow! Kilala mo sila?"

"Opo." Nagpababa na si Sammy sa akin at pumunta sa bag niya at naghalungkay. Matapos ay bumalik sa akin dala ang minions niya.

"Oh! Ito pala sila." Tumango naman si Sammy.

"O sige tama na muna 'yan. Kain na tayo Mommy, gutom na ako." Kinuha naman ni Matt si Sammy at inupo sa silya sa dining table habang tinatapos ko naman ang pancake ni Sammy.

Naging madaldal na si Sammy at kwento ng kwento na sa minions niya. Nakakatuwa na napagaling magmemorya ni Sammy ng pangalan at iyon mga napanuod niya.

"Baby, what do you call the very, very, very pretty lady?" Napatingin naman ako kay Matt sa tanong niya kay Sammy. Tumingin naman sa akin si Sammy.

"Mommy." Salita nito. Tumingin naman ako kay Matt at ngumiti ito sa akin. "Mo-Mommy, Daddy said last night that you are my Mommy. Ca-can I call you Mommy and not Tita Sam?" Napatingin ako kay Matt sa hindi ko pagkapaniwala. Hindi ako makapagsalita agad dahil parang natabunan ng kung ano ang lalamunan ko.

Journey of ForgivenessWhere stories live. Discover now