CHAPTER SEVENTEEN: ROADTRIP

16.2K 294 63
                                    

“Hi kamusta ka na?”

Nakatitig lamang siya sa akin

“Uy”

“Si-sino ka?”

“Huh? Okey ka din ah”

“Sino ka”

“Heski di ka nakakatawa”

“Heski? Hindi ako si Heski”

“Sige na aaminin ko na miss kita”

“Hindi talaga kita kilala”

Pinagpapawisan akong nagising mula sa isang hindi magandang panaginip. Si Heski ang matalik kong kaibigan ay hindi na daw ako nakikilala. Halos mang lamig ang buong katawan ko sa ideya na totoo iyon buti nalang at isa lamang itong panaginip.

Maramil ay isa itong panaginip ngunit ang reyalidad ay wala na siya, malayo na siya. Pag katapos ko silang ihatid sa airport kahapon ay para akong sinakluban ng langit. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong kalungkutan. Ngayon nalang ulit ko naramdaman na mag isa ako.

Tuloy tuloy ako sa aking kwarto sapagkat parang walang buhay ang bahay mula ng umalis ito. Alam kong wala pang 24 hours mula ng iwan nya ako ngunit parang 24 years na agad ang nakalipas. Upang maibsan ang aking pangungulila at kalungkutan ay nilulong ko ang aking sarili sa alak nuong gabing iyon hanggang sa akoy makatulog.

Eto ngayon ako mag aalas otso na ngunit nakahiga parin sa aking kama, masakit ang ulo at tinatamad na pumasok. Tinawagan ko ang aking secretary at sinabihan na hindi muna ako papasok.

Maya-maya pa ay napagdesisyonan kong bumangon narin mula sa pagkakahiga. Pag labas ko ng aking kwarto ay nanibago ako sa aking kapaligiran. Sobrang tahimik, namimiss ko yung ingay, namimiss ko yung tawa, namimiss ko yung kalokohan, namimiss ko si Heski.

Syet eto na naman ako, para na akong hindi lalake nito eh ilang beses na akong lumuha dahil sa mokong na yun. Napagdesisyonan kong pumunta sa kanyang kwarto upang mapagmasdan ito umaasang muli kong masariwa ang alala naming dalawa.

Pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko ng mayroong lalaking nakahiga sa kanya kama. Sa takot ay kumuha ako ng pamalo at unti unti itong nilapitan ngunit nabigla ako sa aking nakita.

Kinuskos ko ang aking mga mata sa pagaakalang nanaginip pa ako o di kaya ay namamalik mata, ngunit totoo nga, andito siya. Hindi nya ako iniwan. Andito siya nakahiga sa kanyang kama parang batang natutulog.

“Heski!!!!!!!!!!!” magiliw na bati ko sa kanya sabay dagan rito

“Mmmmmmm ano ba....Inaantok pa ako”

“Heski gising na” pangungulit ko

“Ano ba mamaya na 30 minutes pa” asar nyang sabi

BE BOYS: (BROMANCE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora