CHAPTER FIVE: SUPER HERO

15.5K 300 23
                                    

Malaki ang pinagbago ni Heski mula nuong huli kaming mag usap. Mas naging bibo ito at pala kaibigan. Sumali siya sa Dance club namin sa school kung saan nakilala niya si Carol. Lagi ko silang nakikitang magkasama at ayon sa iba naming mga kaklase ay may relasyon na nga daw sila. Nakakainis para akong pinag lalaruan ng tadhana biruin mo yung dalawang taong gusto – gusto ko ay may relasyon at ang nakakainis pa ay parang hindi ako nag eexist sa kanila. Nag umpisang manlamig din ako kay Jade nuon sapagkat unti – unti kong hindi nagugustuan ang ugali nito.

Minsan ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na puntahan si Heski sa kanila ngunit sadyang hindi sumasangayon ang tadhana sa akin. Ayon sa kanilang katulong ay umalis daw ito at umatend ng graduation party ni Carol.

----------------------------------------------------

Hindi na kami magka klase ni Heski nuong senior year namin sa High school. Dahil dito ay bihirang bihira na kung makita ko siya kaya tuluyan narin akong nawalan ng pag asa na maibabalik ko pa ang dati naming samahan.

Isang araw habang nililigpit ko ang aking mga gamit ay nakita ko yung lumang libro namin sa Filipino na naiwan ata ni Heski sa bahay ng minsang matulog ito sa amin. Nakaipit sa libro ang isang theme paper na pinagawa sa amin nuong nasa 2nd year kami.

Ang topic na pinagawa sa amin nuon ay isulat kung sino ang “Favorite Superhero” mo at bakit ito ang napili mo. Naalala ko pa ang sagot ko nuon ay walang iba kung di si Superman at dahil sa sagot kung yun ay nakakuha ako ng 91 hehe. Ibabalik ko na sana yung papel nya sa loob ng libro ng makita ko ang score nito na 100. Dahil dito ay na curious akong basahin ay kanyang sinulat.

“Ang paborito kong super hero ay walang iba kung hindi ang best friend ko, si Paul Red Reynoso. Kahit na wala siyang super powers na katulad ni Spiderman ay kayang kaya nya parin akong protektahan sa kahit kanino. Kahit na hindi siya kasing bilis ni Superman ay sinisigurado naman nyang hindi kami male late sa school. Daig pa nga nya si Batman laging nandiyan, kahit na mabigat ako hinding hindi iyon nagsasawa na i angkas ako sa kanyang bike   ”

Hindi ko na nagawang tapusin pang basahin ang kanyang sinulat sapagkat tuluyan na akong nilamon ng kalungkutan at hiya sa aking sarili. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lamang ako dahil sa katok mula pinto. 

“Sir Paul mag di diner na daw po” tawag sa akin ng aming katulong.

“Sige bababa na ako”

------------------------------------

Pagbaba ko ay nagulat ako ng makita ko siya sa aming hapag kainan, nakatingin sa akin at nakangiti. Muli kong kinuskos ang aking mga mata at baka ako’y nag iilusyon lamang ngunit totoo ang lahat andun siya at nakaupo kasama ng aking ama.

“Kain na” tawag sa akin ni Daddy. Agad naman akong umupo sa kabilang side ng table.

“Kamusta?” nakangiting bati ni Heski sa akin

“Huh ayus lang” wala sa sarili kong naisagot

“Bihira ka na yatang dumalaw dito ha. Bakit nag away ba kayo?” Biglang tanong ni Daddy sa amin

BE BOYS: (BROMANCE)Where stories live. Discover now