CHAPTER FOUR: TRUTH OR DARE

17.1K 331 38
                                    

Third year High school student ako nuong tuluyang maging kami ni Jade. Noong fiesta sa aming bayan ay nagkaroon ng liga ng basketball para sa ibat ibang high school sa aming lugar. Naipanalo namin ang unang dalawang laban nuon. Ang pangatlong team na nakalaban naming ay ang St. Peter School kung saan kabilang sina Kevin at J.V, si JV ay pinsan ko na ex ni Jade. Umpisa palang ng laban ay halatang mainit na ang dugo ng dalawang yun sa akin. Napakarumi nilang maglaro nuong araw na iyon, hindi nila ako tinantanan.

Nagising na lamang ako na nasa hospital na, may pilay at namimilipit sa sakit dahilan ng hindi magandang pagkakatumba ko sa court. Dahil sa nangyari ay pinagbawalan muna ako ng Doctor na maglaro ng Basketball at kinakailangan ko ng bed rest ng mga limang araw. Inis na inis ako nuon lalo na’t dalawang araw nalang ay fieldtrip na namin.

Ayun nga at tulad ng aking inaasahan ay hindi ako nakasama sa field trip. Kainis naman oh, lahat ng mga kaibigan ko nagsasaya ngayon samantalang ako nandito at nakahiga. Nagulat ako ng maya - maya ay may dumalaw sa akin.

“Kamusta?” nakangiti nitong bati, naka school P.E uniform pa ang mokong.

“Oh, anong ginagawa mo dito?”

“Ah Dinadalaw ko yung nurse”

“Ah ganun ba? Mali yung room na pinasukan mo” pagsakay ko sa biro nito

“Ah pasensya na po, sige alis na po ako” ang saya ng itsura ng loko. Ang lakas ng trip. Kinuha ko yung unan ko at ibinato sa kanya, pinulot naman nya agad ito at lumapit sa akin.

“Di ba fieldtrip natin ngayon? Anong ginagawa mo dito? Tanong ko sa kanya

“Eh…hindi na ako sumama. Dito nalang ako. Boring naman yun eh”

“Sira ka talaga, tingnan mo kung makahabol ka pa, masaya yun” utos ko sa kanya

 “Ayaw!” para itong bata na tumanggi at umupo sa tabi ko

“Sayang naman yun. Kaw din”

“Eh mas maganda dito. May T.V na pwede ka pang humilata mag hapon, maglalaro tayo ng chess, kakain, saka tingnan mo nga na ka aircon pa tayo o diba masmasaya yun?”

Tiningnan ko na lamang siya at umuling ngunit di nya ako pinansin.

“Tingnan mo nga ang ganda, ganda pala nitong kwartong pinaglagyan sayo, puting puti!”

Hindi parin ako umiimik. Natutuwa akong pagmasdan siya.

“Bakit Red ayaw mo ba akong nandito?” Seryoso nitong tanong

“Gusto. kaso ayaw ko naman na hindi ka sumama sa field trip dahil lang sa akin”

“Eh basta hayaan mo na pare parehas lang naman yung pinupuntahan natin tuwing fieldtrip”

“Heski salamat”

Nginitian lamang nya ako

“Ay sya nga pala may dala akong chocolates” masayang sabi nito sabay labas ng isang malaking plastic na punong puno ng tsokolate.

“Na naman? Alam mo siguro sira na lahat ng ngipin ko bago pa ako tumungtong ng 20 kapapakain mo ng chocolate sa akin” reklamo ko sa kanya. Pero sa totoo lang na appreciate ko lahat ng ginagawa ng best friend ko.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Tulad ng dati ay kasakasama ko parin si Heski tuwing Lunch at recess pero ang kinaiba ngayon ay kasama na rin naming si Jade at ang kanyang tropa. Mabilis kong napansin na hindi masyadong magkasundo ang dalawa, hindi ko sila nakikitang nag uusap at bihira ko silang makitang mag pansinan.

BE BOYS: (BROMANCE)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz