***

[THIRD]

Tulala lang si Venice sa isang sulok ng living room ni Rave. Nagiisip. Masyado syang nasaktan sa mga sinabi sakanya ni Law. Paulit ulit lang nyang tinitingnan yung bago nyang cellphone kung tatawagan ba nya si Rave o hindi. Pero di nagtagal nagdial na sya ng number. Hindi kay Rave yun kundi kay Ava. Tinawagan nya ito para papuntahin doon. Parang natrauma nanaman kasi sya sa nangyari at kailangan nya ng makakasama ngayon.

After 30 minutes ay nakarating na doon si Ava. Sa una ay galit ito sa nangyari lalo na kay Venice pero di nagtagal ay naawa ito sa kaibigan nya dahil na rin sa mga nangyayari dito.

"Tama na Venice, wag ka na umiyak. Gago talaga yung loko-lokong yun! Anong karapatan nya para pagsalitaan ka ng ganun? Tch! Tsaka bakit ba hindi ka kasi lumaban? Yan ang pangit sayo friend eh ang weak mo! Naku kung ako lang yung nandito kanina di lang sapak ang maabot nun sakin, baka mapatay ko pa yun!" nanggigigil na sabi ni Ava habang palakad lakad lang doon.

Hindi lang sumagot si Venice. Patuloy pa rin ito sa pagiyak.

"Aish! Nakakainis talaga! Napakawalanghiya talaga ni gago! Bakit ka ba nagsosorry dun friend? Eh sya nga yung unang nagloko diba? Magsama sila ni malanding Ole---" biglang naputol yung sasabihin ni Ava at biglang napatakip ng bibig nya. Napatingin naman sakanya si Venice.

"Uh-oh! Ang engot mo Ava nadulas ka!" bulong na sabi ni Ava sa sarili nya.

"A-ahh.. w-wala kang narinig friend! Joke lang yun he-heheh..." nagpilit lang ngumiti si Ava sabay tinabihan nya si Venice sa may sofa.

Nakita nyang tumigil sa pagiyak si Venice at pinunasan nito ang luha nya sabay humarap sakanya.

"Alam ko naman yun..." sabi ni Venice. Medyo garalgal pa rin ang boses nito.

Nanlaki ang dalawang mata ni Ava at hinawakan nya si Venice sa magkabilang balikat nito.

"A-alam mo na? P-Paano?"

Ngumiti lang ng mapait si Venice at pinunasan ulit ang luhang pumatak nanaman sa mata nya.

"Matagal na. Noong lamay ni Mama."

Biglang nalungkot si Ava. Naaawa na kasi sya sa kaibigan nya. Buti nga nakakaya pa nito ang lahat eh. Kaya niyakap nya si Venice at hinagod nya ang likod nito.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon