Sssh.47

37.1K 395 38
                                    

[VENICE's POV]

Hindi ko alam kung bakit nagkakaganun si Rave. Pero mas gusto ko yung 'RAVE' ngayon. Sana ganun na lang sya palagi.

Pero ang ipinagtataka ko... yung huli nyang sinabi saakin nung nasa may Restaurant kami.

"Saakin ka lang MANINIWALA. Only ME. Okay?"

Ano ba yan naalala ko nanaman.

Iniling iling ko ang ulo ko at tumagilid ng higa sa kama. Wala pa rin si Rave. Napaupo ako at tiningnan ang cellphone ko.

"Psh, bakit wala man lang text or miscalls? Masyado naman syang busy." bulong na sabi ko.

Kasi after nya akong maihatid dito sa Condo nya ay may importante syang natanggap na tawag kaya pinuntahan nya muna. Ewan ko kung sino yun, pero mukhang importante talaga kaya hinayaan ko na lang. May mga bodyguards naman na naiwan sa labas ng Main Door eh kaya hindi ako natatakot.

Humiga na lang ulit ako at kinuha yung unan ni Rave sabay niyakap ito. Ewan ko ba, ang bilis ko syang mamiss ngayon. Mawala lang sya sa paningin ko namimiss ko na kagad. Hays!

Pumikit na lang ako at pinilit na makatulog. Maaga pa ang pasok ko bukas eh.

***

"Hello little angel, how are you?" nakangiting tanong sakin nung lalaking kasama ni Mama. Pero hindi ako sumagot.

"She's shy around people she doesn't know yet. Nadine, from now on he is now your Papa." sabi sakin ni Mama. Nakatitig lang ako dun sa lalaki.

'Papa?' sabi ko sa isip.

"Stay here okay? May pupuntahan lang ako. You're Kuya is here to play with you."

"Yes Mama."

Pagkapasok nila sa kwarto ay biglang may nagsalita...

"What are you doing here again?"

Tiningnan ko lang siya. Nakita ko nanaman siya. Nakakatakot talaga. Mama natatakot ako!

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt