Chapter 15: Spy

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang makaalis sila, bumili rin ako ng ticket. Bakit? Matagal pa naman akong maghihintay, e. Mas mabuti nang manood na lang ako ng movie, 'di ba? At least, hindi ako maiinip. Tama! Saan kaya sila nagpa-reserve? Dapat sa likod ako.

"Ah, miss, pwede bang malaman kung saang upuan nakaupo 'yong dalawang nauna kanina?"

"Dito po." Tinuro niya sa 'kin 'yong bandang likod na.

"Ah, doon po ako sa pangalawa sa likod nila."

"Okay, ma'am."

"Thank you." Ang saya ko! Yes. Buti na lang, may upuan pa roon.

Bumuli agad ako ng popcorn tsaka soda, magsisimula na kasi 'yong movie, e. Buti, wala na masyadong tao sa bilihan kaya nakaabot ako.

Wala pang tao sa loob noong nasa pinto na ako ng sinehan pero nagmadali na akong pumasok para hindi nila ako makita mamaya. Hinanap ko agad 'yong upuan ako. Hindi naman masamang manood ng movie, 'di ba? Nagkataon lang na nandoon din sila, hehe.

Padami na nang padami 'yong mga tao. Maya-maya, nakita ko na rin 'yong babae tsaka si Marky.

Nakangiti pa si Marky. Hays, mukhang masaya siya roon sa babae. Sino ba namang hindi? Sa ganda at sexy ba naman ng kasama niya.

Nagsimula na 'yong movie. Nakaakbay si Marky roon sa girl, ouch naman. Ang lungkot, napahawak tuloy ako sa dibdib ko. Ewan, parang nasaktan akong makita sila. Ang tanga ko kasi, e.

Nagpunta pa ko roon. Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni Kuya, walang magkakagusto sa 'kin na gwapong lalaki, kaya dapat hindi na ako umasa. Dapat, mag-move on na ako. As if naman magiging kami ni Marky? Natawa tuloy ako.

"Hi, Betty!"

Huwag mo sabihing... please huwag. "Anong ginagawa mo rito?!" Napalakas yata 'yong boses ko kaya lahat ng nasa paligid, napatingin sa 'kin. Buti na lang, sina Marky, hindi napatingin.

"Sige, ipahiya mo ang sarili mo."

"Sinusundan mo ba ko, ha, unggoy?" pabulong na angil ko.

"Bakit masama bang manood ng movie?"

"Oo, masama! Alam mo kung bakit? Kasi katabi kita. Hindi naman siguro ito coincidence, 'di ba? Tsk."

Kumain lang siya ng popcorn, patay-malisya pa. Nakakainis talaga ang lalaking 'yon, halatang gusto talaga akong inisin, e. Kahit saan ako magpunta, nandoon lagi.

Hindi na tuloy ako makapag-concentrate sa panonood. Paano ba naman kasi, si Marky tsaka 'yong chick niya, ang sweet sa harap ko. Lakas maka-PDA sa sinehan.

Tapos may epal pa sa tabi ko.

Maya-maya biglang bed scene na 'yong nakita ko sa screen. Ay, ano ba 'yan? Hindi ako sanay sa ganyan. Nakita ko si Marky tsaka 'yong babae, naghahalikan. Ouch na naman. Huhu, hindi ko na yata kaya 'to, wrong move talaga 'to! Tinakpan ko na lang 'yong mga mata ko, hindi ko sila kayang makita, e.

Tumawa si Jeydon.

"Arte, ah! Patakip-takip ka pa ng mata. Bakit, sobrang inosente mo ba?"

Tinanggal ko 'yong kamay ko sa mata ko at nilingon siya na halatang nagpipigil ng tawa. Buwiset talaga 'tong unggoy na 'to!

Ah, alam ko na! Tumayo ako sa harap niya tapos...

"Ouch!"

"Buti nga sa 'yo! Haha!" Sinipa ko nga 'yong ano niya... 'yong paa niya.

Umalis agad ako. Pababa na ako at noong nadaanan ko sina Marky, naghahalikan pa rin sila. Napatingin ako kay Marky. Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko noong nakita niya ako. Muntik pa nga akong mahulog sa hagdan, buti na lang ay napakapit ako sa upuan. Siguro mga two seconds din kaming nagkatinginan habang naghahalikan sila ng babaeng 'yon.

Pumunta na ako sa shop ng tita ko at kinuha na 'yong damit ni Mama.

Tama... Dapat tigilan ko na 'yong matagal na pagpapantasya ko kay Marky, sarili ko lang ang pinapahirapan ko, e. Umaasa lang ako sa wala.
Paglabas ko ng shop, may humila sa 'kin. Hindi ko makita kung sino. Saan ba ako dadalhin nito?

"Ouch! Saan mo ako dadalhin? Bitawan mo ako!"

Dinala niya ako sa may parking lot. Walang tao roon.
Noong nakita ko na 'yong mukha niya, bumilis nang sobra 'yong tibok ng puso ko. Tinulak niya ako sa may pader. Ang lapit-lapit na ng mukha niya sa 'kin.

Anong gagawin niya? Pati 'yong paghinga niya, ramdam ko na sa sobrang lapit niya sa mukha ko.

Napapapikit na ako. Ano ba kasing gagawin niya? Nakatingin lang siya sa 'kin. 'Yong sexy niyang mga mata na parang kinakausap ka. Hinawakan ko 'yong dibdib ko, sobrang lakas kasi ng tibok ng puso ko na baka marinig na niya.

Gusto kong magsalita. Gusto kong sabihing bitawan niya ako pero hindi ko nagawa. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Alam mo 'yong pakiramdam na parang matutunaw ka na sa tingin niya. Iyon 'yon, e. 'Yong pakiramdam ko, masaya na kinakabahan na natatakot.

"Candice..."

Ang sexy ng boses niya. Husky.

Totoo ba 'to o panaginip? Nilagay ko sa likod ko 'yong kamay ko tapos kinurot ko iyon. Ouch, ha? Ang sakit. Nahalata kaya niya? Naguluhan na ako. Hindi pa rin tumigil 'yong malakas na pagtibok ng puso ko.

Nilapit na niya talaga 'yong mukha niya. Hahalikan ba niya ako?

Pinikit ko na lang 'yong mga mata ko.

"Marky!"

'Yong boses na 'yon...

Binuksan ko 'yong mga mata ko. Nakita ko si Marky, nakatingin sa sahig, nakangiti tapos tumingin sa 'kin tapos kay–

"Jeydon?"

Bakit ngayon pa?

➖➖➖

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon