Kabanata 27

6.9K 190 23
                                    

Announcement!!

   I may be making a story about Drei, Kath and Daniel's parents. It will be the second book of The More You Hate, The More You Love entitled, "I Do, Always and Forever". Katulad po ng nasabi sa previous chapters, ang parents ni Drei ay sila Chandria at John (Kathryn Santos and Daniel Reyes, TMYHTMYL's protagonists.) KathNiel pa rin naman po siya and here are the list of characters!

Janella Salvador as Tita Min

Enrique Gil as Tito Julio (Min's husband)

Angelo Cinco as Daniel's father, Tito Rommel

Liza Soberano as Tita Karla

   So far, yan pa lang po yung naiisip kong characters. Pwede pa naman pong mapalitan 'yan. May suggestion po ba kayo? I'comment niyo ha?

--------

DANIEL'S POV

"Popoy? Teka, pano mo nalaman 'yan?" tanong ko kay Drei. Pero, hindi ako napansin ni Drei.

"Kath! Naaalala mo ba 'tong necklace na 'to?" tanong ni Drei kay Kath. Pero, nakatingin lang si Kath sa kanya.

"Drei, tingin ko, wag muna nating masyadong biglain si Kath. Baka mapano 'yan," sabi ni Miel.

"Oo nga nh? Kasi naman e! Gusto ko nang maalala niya! Gusto ko nang bumalik ang super tropa natin, Yeye," sabi ni Drei.

Miel. Yeye.

Andreana. Yanyan.

Tingin ko, alam ko na kung anong meron.

"Yanyan? Yeye? Kayo na 'yan?!" tanong ko.

"Popoy! Welcome back!" sabi ni Miel tapos yinakap ako.

"Teka, wala akong naiintindihan. Anong meron? Bakit niyo pinapakita sa akin 'to? Popoy? Yeye? Yanyan?! Ano ba?!" tanong ni Kath habang umiiyak.

"Kath, 11 years ago, sa lugar na ito, apat na bata ang masayang naglalaro nang mga larong kalye," sabi ni Miel.

"Tapos?"

"Ung mga bata na iyon. Sobrang lapit sa isa't isa. Super close nila. Gumawa pa nga sila ng pangalan ng grupo nila e, ang super tropa. Tapos, isang araw, may dumaan na nagtitinda ng pipichuging necklace. Inisip nung mga batang yun na bumili ng isang peace necklace para raw kung sakaling magkahiwa-hiwalay sila, merong isang bagay na magpapaalala sa pagkakaibigan nila."

The Super FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon