Kabanata BenteQuatro

7.3K 175 24
                                    

KATH'S POV


"Busog pa ako," sabi ko tapos nilagay na naman ung unan sa mukha ko.

Haaaaay. Bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Bakit ganun? Simpleng fan lang naman ako dati a. Bakit nagkaganito lahat?

Dati, gusto kong maging close sila. Gusto ko silang maging kaibigan. Gusto kong maging kami ni DeeJ.

Ngayon, parang gusto ko nang bumalik sa pagiging simpleng fan na lang. Ung tipong, hindi ko sila maabot. Ung hindi ko sila makakausap ng matagalan. Ung hanggang mall shows, magazines at teleserye lang. Ung inaabangan mo pa sila.

Bakit ganun? Bakit nagsisisi ako? Eto naman ung pangarap ko e. Naabot ko na e. Sa wakas! Gusto na ako ng gusto ko! Ng Super Idol ko!

Pero, bakit ganun? BAKIT? BAKIT? BAKIT?

Bakit ang sakit? Bakit sobrang sakit? Talaga bang hindi kami pwede para sa isa't isa? Talaga bang hindi kami MTB? Haaaay buhay, parang life.

flashback

"Hala, Julia, buntis ka ata," ulit ko.



"Alam ko! Wag mo na ulitin!" sabi niya.



"Pero, sinong tatay?" tanong ko.



"Si...."



"Si?"



"Si Daniel," sabi niya.



"A-Ahh. G-ganun ba? Congrats a-a? S-Sige, una muna a-ako," sabi ko sabay takbo palabas ng CR.



Pinunasan ko ung luha ko habang tumatakbo. So, sila talaga? Akala ko pa naman, gusto na ako ni Daniel. Ano ung mga pinapakita niya sa akin? Charity? Paasa? Pa-fall? Kasi naman, Kathryn e. Tanga tanga mo. Bakit kasi masyado kang nagswimming sa feelings mo? Nalunod ka na tuloy. Makakaahon pa ba ako?



"KATH! Okay ka lang?" tanong ni DeeJ sabay hila sa akin.

The Super FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon