First Day, First Friend

18 6 2
                                        

First day of school, bagong mukha, bagong guro, bagong magiging kaibigan, at mga bagong pagsubok.

At exactly 5 in the morning, gising na. Naligo, nagbihis, nagluto, kumain, at nag iimagine kung anong posibleng mangyari ngayung araw.

Me: Bag, Check. ID, Check. Uniform, Check. Snack and lunch, Check. Lastly perfume, check na check! Ready na ang lahat! Makaalis na nga. Ma! Alis napo ako.

"Cge anak. Ingat ka."— sagot ni mama.

°°°°°°°°°°
At school

Nasa harapan ako ng gate. Bago pumasok, napapansin ko ang mga estudyanteng parang wala lang. May mga kasama sila sa pagpasok.

Me: Exhale, inhale! — saad ko sa aking sarili.

Pumasok na ako sa gate. My jaw dropped nang makita ang sobrang malalaking buildings. Litong lito ako rito.

Tingin sa harap, tingin sa likod, kaliwa at kanan. Naghahanap ako ng mataganungan. Anong building ba kaya ako nabibilang. Nakita ko ang babaeng papalapit sa akin. May kasama itong mga kaibigan. Ngumiti ako dito at tatanungin siya kung asaan ang room 204.

Me: Hi miss. Pwede bang magpaturo kung nasaan ang building ng 1st year room 204?

"Shut up! Do it by yourself."

Grabi naman tong si ate. Habang tinitignan sila papalayo, may tumatakbo patungo sa akin.

" Hi miss. I'm Pat. Pasensiya kana dun ni Mae ha? Mainitin kasi ulo non."

Me: Good morning, Pat. Okay lang iyon. Ako nga pala si Athena.

"Hey Athena. Narinig ko sa room 204 ka 1st year?"
— tanong nito sa akin na syang ikinatango ko.

Me: Oo. Pwede moba akong idala doon?

"Of course ! Tutal same room tayo. "

Me: wow! Di nga?

Hinawakan ni Pat ang aking kanang kamay at hinatak ako sa isang room. May mga estudyante na doon at pumasok kami.

Nakatingin lahat sa amin. Tinitignan kami ng masama napayuko akong nagtungo sa napili na upuan ni Pat. Tabi kami at saktong nasa pinakaharapan kami naka upo.

Niliko-liko ko ang aking ulo para pagmasdan ang mga kaklase ko. Doon ko napagtantung classmate kopala yung nag minaldita saakin.

She raised her right eyebrow at me. Nangiginig ako pero ilang minuto ang lumipas, may isang babaeng pumasok. Tumahimik ang lahat. Strikta ang datingan nito.

" Good day class! I'm your adviser, Mrs. Melanie Mariz! How's your first day of school."

She introduced herself joyfully. Kala ko naman strikta. Ang gaan ng boses niya. Mukhang mabait naman.

" Good."— Everybody answered.

" So ngayon, imbis na mag attendance, mag i-introduce nalang kayo mula harapan hanggang sa dulo. Kasi baka ma mispronounce ko names niyo."

Hala patay na. Bakit sa harapan pa? Nako po. Si Mrs. Melanie ay itinuro ako. Napalunok ako ng ilang beses. Tsaka nagtungo sa harapan na nanginginig.

Me: H-hi? I'm Athena Tue Seveto, 14 yrs. O-old.

"That's all?? " — Mrs. Melanie asked at tumango tango ako.

" You may now go back to your seat."— she coldly said.

Naunahan na naman ako ng kaba. Hayst. Sobrang ikli lang nang introduction ko. Ngayon tinatawanan na nila ako.

// Pero simula ng araw na iyon, kahit na may nagalit sa akin, nagkamali man, puno man ng takot, okay lang. Dahil may naging kaibigan naman ako. At si Pat iyon. Sabay pa kaming umuwi ni Pat sa first day of school na para bang walang nangyari.

•~ Photo From Pinterest
•~Fb Page: Athena Writes

First Day of School (1 shots)Stories to obsess over. Discover now