Number 6

852 11 1
                                    

"Tara na dali!" Tapos hinihila ko sya patayo sa kama.

"Ayoko nga kasi. Hindi ka pa ba pagod?"

"Hindi pa. Kaya halika na. Dali. Mawawala ang pagod mo dun sa gagawin natin."

"Ayoko. Pagod na nga ako. Napagod ako kanina."

"Kaya nga aalisin natin yang pagod mo. Mag-eenjoy ka. Promise."

"Kapag ako hindi nag-enjoy at sinakitan lang ng katawan, sisipain kita." Inaaya ko kasi sya gumala sa labas. Sayang din ang view ng Palawan noh!

"Oo na. Oo na. Tara na. Dami pang sinasabi eh." Tapos tumayo na sya at kinuha ang bag nya.

"Tara na." Tapos naglakad sya palabas ng kwarto.

"Magrubber shoes ka. Mananakit ang paa mo kung naka-heels ka." Pagkasabi ko nun, sinimangutan nya ako at parang batang inagawan ng kendi na bumalik sa loob at nagrubber shoes.

"Tara na." ^____^ sabi ko. Tapos umalis na kami.

Pinuntahan muna namin yung venue ng debut nya tapos nagfood tasting kami ng mga pagkain na iseserve dun. Nagshopping din kami ng mga kung ano ano at nagpamasahe.

"Saan tayo next?" Tanong nya habang nagdadrive ako. Oo, nagrent ako ng sasakyan. Yung kasama ko kasi ayaw maglakad. =__=

"Dun tayo sa nakita kong magandang lugar kanina." sagot ko.

"Okay, sige." Tapos kinuha nya yung phone nya at nagbasa ata ng text. Nagfocus na lang ako sa pagdadrive.

"Anong problema?" Napansin ko kasing naging uneasy sya bigla at parang bothered.

"H-ha? Wala. Si Damon kasi, papunta na daw dito. Akala ko kasi wala ka ngayon." Sabi nya. Napa sigh na lang ako. Wala naman na akong magagawa eh. Andyan na yan.

"Ah. Okay. Edi kilig ka nanaman?" Inasar ko na lang sya pero hindi sya sumagot. Baka ma-third wheel lang ako ngayon.

"Ayan andito na pala tayo eh. Tara na." Tapos bumaba ako sa sasakyan.

"Anong ginagawa natin dito? Wala namang makikita dito eh. Isang madamong bakanteng lote lang 'to eh."

"Basta tara na. Wag ka na matanong. Kelan ka ba hindi nag-enjoy na kasama ako?" Tapos hinila ko na sya papunta sa isang special na lugar.

"Number 6. Ride a hot air balloon." Sabi ko habang nakalagay yung kamay ko sa bulsa ko at nakatingin ng diretso.

"Wooow! Ano pang ginagawa mo dyan? Tara na!" Tapos sya na ang humila sakin papunta sa malawak na area kung saan may nagseset up ng hot air balloon. May nag-abot kasi ng flyer kanina tungkol dito kaya nagpareserve ako kaagad.

"Good afternoon, Ma'am, Sir! Reservation po?" Bati ng lalaki.

"Under the name of Ian Salvatore."

"This way po." Tapos sinamahan nya kami at pumasok na kami sa parang basket ng hot air balloon.

"Waaaaah! Excited na ko, Ian! Ang galing." Tuwang tuwa nyang sabi habang dahan dahan kaming umaangat.

"Hoy mag-ingat ka! Baka mahulog ka." Sagot ko na lang. Tapos hindi nagtagal, nasa sobrang taas na namin na lugar.

"Ian, Ian! Look! I am the Queen of the world. Ay hindi. Dyosa ako. Ako ang dyosa ng mamaganda."

"Ako naman ang dyos ng mga gwapo!"

"Maganda ako!"

"Gwapo ako!" Paulit ulit na sigaw namin habang nasa hot air balloon kami.

"Alam mo ba kung bakit gusto ko sumakay dito?" Umiling lang ako at tinignan sya. "Kasi masarap yung pakiramdam na nasa ere ka. Parang pwede mong abutin yung lahat. Gusto ko kasi makita ang lahat, kung gano kaganda 'tong mundo. Gusto ko makita at i-appreciate yung meron ako." Sinabi nya yun ng nakapikit at nakingiti na parang dinadama nya yung hangin.

"Riesa.."

"Hmm?"

"Anong kamusta kayo?"

"Ha?"

"Kamusta kayo ni Damon?" Para alam ko kung itutuloy ko pa ba 'to.

"Si Damon?"

"Oo."

"Diba tinanong mo na yan nung nagpicnic tayo?"

"Matagal na yun eh. Aba, malay ko ba kung may improvement kayong dalawa. Baka naglevel up ka na from being a stalker to being his girlfriend." Nakatingin lang ako sa ibang direksyon.

"Sige na nga. Sasagutin ko pero promise me one thing. Don't ask me that question again." Tumango ako. "Si Damon, magkaibigan lang kami. Hindi magiging kami ni Damon kasi hin-----"

"Nandito na po tayo. Welcome sa Freesky Air Gliding area." Naputol yung sasabihin nya sakin ng biglang may nagsalita. Nakababa na pala yung hot air balloon ng hindi namin namamalayan.

Hinawakan nya yung kamay ko at ngumiti sya tapos hinatak ako pababa sa hot air balloon.

"I know what we're going to do. Number 7. Let's go, I'm excited."

-------

Author's note:

Malapit na 'to matapos. Whooo! Mga tatlo or apat na chapters na lang siguro. :>

Dedicated to her. =)))

10 Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon