Three

10.4K 430 108
                                    

Point of View: Rain

NO.WAY!

Siya, yang manyak nayan? Makakasama ko dito sa bahay hindi pwede!

Napatingin naman ako kay Tita nang hawakan niya ang kamay ko "Please iha, Pumayag kana. Tatlong buwan lang naman tsaka hindi mo naman alagain na iyang pinsan mo. Basta kapag may ginawang kalokohan yan isumbong mo saakin, Akong bahalang mag-parusa sakanya kahit nasa Korea pa ako" pagmamakaawa saakin ni Tita

Napahawak naman ako sa aking noo, Makakatangi paba ako? Hindi ko kayang makatangi kay Tita lalo na't siya ang nag-alaga saakin simula ng mawala ang mga magulang ko, Malaki ang utang na loob ko sakanya.

Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa manyak, Inirapan ko siya at muling humarap kay Tita "Okay po" sabi ko

Agad naman akong niyakap ni Tita "Salamat iha"

"So, Saan ang magiging kwarto ko?" napatingin naman ako sa lalaking nasa harap ko. Kapal ng mukha.

"Sa Tapat ng kwarto ko. Linisin mo nalang kasi medyo madumi ilang taon nang hindi nalilinis" sabi ko sakanya

"Oh iha, Eto muna ang maibibigay ko sayo, Ikaw nang bahalang gumastos sa pang-araw araw niyo. Aalis na kami ng Tito mo" sabi niya, Humalik naman siya sa aking pisngi at lumapit sakanyang Ampon na Anak "Wag kang pasaway sa pinsan mo ah" paalala niya rito at saka humalik din sa pisngi "Aalis na kami ng Papa mo, Iha ikaw nang bahala salamat ah"

"Sige po tita, Ingat po kayo sa flight niyo" sabi ko at hinatid siya palabas ng gate

Nang makaalis na si Tita ay pumasok na ako ng bahay dahil malamig na, Sipunin pa naman ako. Pagkapasok ko sa bahay ko ay agad akong nakarinig ng malakas na bagsak mula sa taas at galing sa kwarto ni Ilong, Agad ko siyang inakyat.

Nang makarating ako ay naabutan ko siyang nasa sahig "Anong nangyari sayo?" tanong ko sakanya

"Tss. Napakadumi naman pala nitong kwarto, Baka hindi ko ito matulugan ngayong gabi" inis niyang sabi at tumayo

"Tinatanong ko kung anong nangyari sayo?" pag-uulit ko ng aking tanong, Ang layo kasi ng sinabi niya sa tanong ko diba? Mga supot talaga!

"Nadulas ako pag-kapasok ko dito, Masaya kana?" inis niyang sabi "Doon muna ako sa kwarto mo matutulog" sabi niya at lumabas

"Hoy anong sa kwarto ko, Bawal ang supot diyan" sabi ko sakanya at hinarangan ang pinto para hindi siya makapasok

Inis naman siyang napasabunot sa kanyang buhok "Pagod na ako pwede ba? Gusto ko nang magpahinga" yamot niyang sabi

"Hindi! Bawal nga ang supot dito, Tsaka saan mo ako papatulugin kung dito ka sa kwarto ko matutulog?" sabi ko habang nakaharang padin sa pintuan ko

"Tabi tayo, Magpinsan naman tayo diba?" sabi niya

"Ayoko padin, Mamaya baka pagsamantalahan mo ako habang natutulog ako. Manyak ka pa naman" sabi ko sakanya "Gusto mo doon ka sa sopa matulog"

"Ayoko masyadong maliit ang sopa para sa kagaya ko, Tsaka hindi kita pagsasamantalahan, Wala naman akong mahihipo sayo panay flat" sabi niya

"Wala akong pake, Kung flat ako supot ka naman" inis kong sabi sakanya

Hinubad naman niya ang kanyang sinturon at hinawakan ang zipper ng pantalon niya "Aalis ka diyan o ipapakita ko sayo si Junjun? Para naman malaman mong hindi talaga ako supot" nakangisi niyang sabi

Nanlaki naman ang mata ko ng unti unti niyang buksan pababa ang zipper kaya naman napatakip ako ng aking mata, Ang gago talaga! "Supot! Supot! Gago!" inis kong sabi habang nakatakip sa aking mga mata. Tinulak naman niya ako ng bahagya dahilan para mapa-usod ako sa aking pwesto.

"Flat, Magugutom ako mamaya siguraduhin mong may pagkain kang iluluto para saakin ah" sabi niya at pumasok sa aking kwarto

Sinundan ko naman siya papasok sa aking kwarto, Hinubad niya ang t-shirt niya at ibinato ito saakin, Agad ko naman iyong iniwasan "Gago kang supot ka, Ang kapal talaga ng mukha mo! Tumayo ka diyan sa kama ko!" inis kong sabi habang pinapalo siya ng unan

Inis naman siyang napa-upo at hinawakan ang magkabilang braso ko "Titigil kaba o huhubaran kita ngayon din dito?" seryoso niyang sabi

Ohmyghad! Nagalit ang supot, Magsusupot saiyan na siya! Lalo namang humigpit ang hawak niya sa braso ko kaya naman napangiwi ako dahil sa sakit "A-aray! M-masakit" sabi ko

Agad naman siyang bumitaw at napasabunot sa kanyang sarili "Sorry, Hayaan mo muna sana akong makapag-pahinga dahil pagod talaga ako" matamlay niyang sabi

"Ano bang nangyari at napagod ka? Nakipag-bugbugan na naman ba kaya ng tropa mo?" tanong ko sakanya

Umiling iling naman siya "Hindi, Basta pagod ako" sabi niya at humiga

Sandali akong napatitig sakanya habang siya ay nakapikit, Aish! Sayang ang isang ito, Gwapo sana hindi nga lang tuli. Haha. Joke lang. Sa totoo lang gwapo naman talaga siya at tuli na siya kasama pa nga ako noon nung nagpatuli siya at rinig na rinig ko ang irit at iyak niya habang tunutuli siya, Buhay pa noon ang mga magulang niya na bestfriend naman ni Tita kaso sa kasamaang palad agad din silang kinuha ni Lord kaya ayon sila Tita na ang umampon sakanya.

Napangiti naman ako ng maalala ang pagkabata namin, Simula kasi kinder ay kami na ang mag-kasama niyan, Bestfriend kaya kami niyan siya ang tagapag-tanggol ko sa mga salbaheng bata noon, Taga pagpatahan ko at tagapag-patawa ko. Kaso bigla nalang iyon nagbago simula ng naging High School kami, Paano napasama doon sa mga katropa niyang supot kaya ayan naging manyakis.

Tumayo na naman ako sa kama ngunit napa-upo akong muli ng higitin niya ako gamit ang mainit niyang kamay "Dito ka lang muna, Samahan mo ako" nakapikit niyang sabi

Napahawak naman ako sa kanyang noo dahil mukha siyang may sakit "Ang init mo, Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ko sakanya

Tumango lang naman siya bilang sagot tatayo sana ako ngunit nakahawak parin siya saakin "Jungkook, Kukuha lang ako ng bimpo at tubig para mailagay diyan sa noo mo" sabi ko

Hindi parin naman niya ako binibitawan "W-wag na, Okay lang naman ako. Basta wag ka nalang umalis sa tabi ko" sabi niya at lalong hinigpitan ang hawak saakin

"Pero lalong lala yang lagnat mo, Kukuha nadin ako ng makakain mo para makainom ka ng gamot" sabi ko sakanya.

Umusod naman siya papalapit saakin at yumakap "Dito ka lang, Wag mo akong iwan" sabi niya. Jusko! Ang hot ng feeling ko!

"Ano ba, Wag ka ngang yumakap saakin baka mahawa pa ako ng lagnat mo. Tsaka wag ka ngang pasaway, Kailangan mong uminom ng gamot kaya sa ayaw at sa gusto mo aalis ako babalik din naman ako agad" sabi ko sakanya, Inalis ko na naman ang pagkakayakap niya saakin dahil nakaka-ilang nadin naman. Kahit sabihin nilang pinsan ko siya iba padin ang pakiramdam ko dahil nga hindi ko naman talaga siya tunay na pinsan.

"Basta babalik ka ah" parang batang sabi niya

Tumango naman ako sakanya "Oo, Babalik ako"

Hindi na naman siya nagsalita pa at hinayaan nalang ako. Jusko! Wala pa ngang isang araw ko siyang nakakasama sa bahay na ito, Panay problema na ang nararanasan ko. At ngayon balak niya pa akong gawing nurse niya.


Manyak Next Door || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon