Chapter One

39.6K 732 38
                                    

Samantha's POV

Nanlulumong ibinagsak ko ang hood ng kotse ko.

Malas talaga! Nasiraan ako ng sasakyan sa isang lugar na wala akong kakilala.

Kinuha ko ang phone ko na nasa bulsa ko and dialed my secretary's number.

"Walang signal? Oh gosh! Am I still on the map?"

Hindi ko alam ang eksaktong patutunguhan. May hinahanap akong lugar. I'm a registered nurse by profession but a writer by heart.

May nakita akong puno ng mangga. I decided to rest while waiting for help. Baka naman mamaya may dumaang sasakyan. Siguro makakahingi ako ng tulong.

A few minutes has passed at eto nga may nakikita akong red pickup na paparating. Pumagitna ako sa kalsada bigla kahit medyo mabilis ang pagpatakbo nito sa kotse.

Huminto naman ang pickup at bumaba ang driver nito. I was stunned with what I'm seeing.

A tall girl, probably 5'10 by height, wearing a blue long sleeves and a tattered black jeans. Also she's wearing rubber shoes to complete the getup.

"Uhm, excuse me? Bingi ka ba?" Narinig kong sabi ng babae.

Umakyat ang dugo ko sa pagtataray nito. Grrr!

Dominique's POV

"Yeah yeah papunta na ko. And can you please lower your voice Shay? Para kang nakaloudspeak eh! Bye na. Hintayin mo na lang ako diyan".

Inoff ko na ang phone at hinagis sa back seat sa sobrang inis. I'm heading to town para sunduin ang best friend kong si Shay.

And yes, best friend ko. Nag usap naman kagabi pero wala siyang sinabi na pupunta siya ngayon sa amin.

Worse is, ako pa talaga ang susundo.

Napabagal ang takbo ko nang may makita akong babae sa gitna ng kalsada.

What the? Magpapakamatay ba to?

Bumaba ako sa kotse at lumapit dito.

"Ano ba miss, pwede ba wag mo ko idamay sa problema mo kung gusto mong magpakamatay?" Sigaw ko sa kanya

Pero parang baliw na nakatingin lang siya saken.

Gusto kong magsmirk.
"Done checking me out?"Tanong ko sa kanya.

Again, parang nakikipag usap ako sa baliw na bingi. She's pretty, bingi nga lang. Tss.

"Uhm, excuse me? Bingi ka ba?" Hindi ko naiwasan ang irita sa boses ko. She's wasting my time.

"Do I look like a deaf to you?!"

Pagmamaldita ni miss-bingi-na-hindi-naman-pala.

"Oh, ang tagal mo kasi magrespond. And hello? Nakaharang ka sa daan. What do you want?" sagot ko naman sa kanya.

"Drive me to town. Nasiraan ata ako ng kotse. Wala din akong signal."

"Excuse me? You are not a god, so please don't boss me around. I need to go, good luck."

Pero sadyang makulit lang ata ng isang to, she grabbed my arm.

"Alright I'm sorry. I really need to go to town. Wala akong mahingan ng tulong dito."

Napataas ang kilay ko. Marunong din naman pala siya magsorry e.

"Tss. Are you sure you're not a carnapper or what? Anyway, hindi ka din naman uubra saken. Okay, get in. I'm in hurry."

Sumakay na ko sa kotse. Nakita kong nag aalangan pa siyang sumakay.

"Ano ba? Sasama ka ba or what? Hindi kita pagbubuksan ng pintuan if that's what you're waiting. Bukas na yan."

Nakakainis. Ambagal niyang kumilos.

Sa wakas, pumasok na din siya sa kotse. Buti naman at sa tabi ko siya umupo.

Wala akong planong magmukhang driver niya.I started the engine and started to drive.

Aabot din ng isang oras ang papuntang bayan. Nilingon ko ang katabi ko and found out she's looking at me too.

"I'm Samantha. Call me Sam instead. I'm a writer. How about you?"

"I'm Dominique. And please stop talking. Ang ingay mo."

Nakikisakay lang, ang ingay pa. I heaved a sigh and focused in driving. Mukhang sasakit ang ulo ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

My Haciendera Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon