「CH6 ◆ Maybe?」

6.3K 162 15
                                    

"Ma andito na po ko." Sabi ko pagpasok ko sa bahay namin. Di ko dapat ipahalatang natatakot ako.

"Oh andito na pala si Kengkeng. May sasabihin kami sayo--oh bakit ganyan ang itsura mo?" Biglang tanong ni mama nang makalapit sakin. May hawak pa siyang sandok. Malamang nagluluto ng tinola. Naamoy ko eh.

"H-Huh? Ah eh baka pagod lang Ma." Patay malisya ko nalang. Dumiretso ako sa sofa at inilapag ang bag ko. Umupo muna ako at nagpahinga. Si Papa naman ay nakaupo sa kaharap kong sofa at nanunuod ng TV.

"Ma, anong yung sasabihin nyo?" Sabi ko habang nakapikit at minamasahe ang ulo ko.

"May pumunta kasing gwapong lalaki rito kanina.." Napatigil ako sa pagmasahe at napatingin kay Mama. "..napansin kong nakatayo lang siya riyan sa tapat at parang sinusuri ang bahay natin. Kaya ayun nilapitan ko at tinanong kung anong kelangan niya. Sabi niya ikaw raw. Tapos may pinabibigay siya sayo. Andun nilagay ko na sa kwarto mo." Siya ba yun? Kasi kilala naman nila sila Jimmy, Pau at Ian.

"Ano po yung binigay mama?" Kunut-noong tanong ko.

"Di ko alam. Nakalagay sa box eh." Ano naman kayang pakulo non?

"Ano pong pangalan?" Curious ako. Malay mo sinabi niya pangalan nya kay mama.

"Di ko rin alam anak eh. Napakatahimik kasi at saglit lang naman kaming nag-usap tas umalis agad siya." Huminto siya saglit, "Manliligaw mo rin ba yun anak?" Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya at biglang ngumisi si Papa.

"Hahaha ganyan talaga ang lahi natin anak. Habulin." Biglang singit ni Papa.

"N-Naku hindi po! Di ko po kilala yun!" Tanggi ko naman at napatayo na ako.

"Wag ka nang mahiya anak. Uy wag ka! Mas gwapo ata iyon kay Ian! Mayaman pa at ang bango! Kung nakita mo lang ang kotse niya Kanina." Kumikinang pa ang mga mata ni Mama. Tsk kung alam nyo lang.

ESCAPE: ObsessionWhere stories live. Discover now