「CH5 ◆ Sorry」

6.8K 180 10
                                    

Jimmy's POV

I think wala na talaga akong pag-asa kay Yuri.

Inaamin ko sa sarili kong gusto ko siya. Or maybe mahal ko na siya.

The feeling that, I want to protect her, make her smile, always beside her, wanna see her everyday.

But, I think she doesn't feel the same way as I do.

I saw it. She kissed Ian in his lips.. lalapitan ko sana siya noon pero nakita ko ang pangyayaring iyon kaya umalis nalang ako. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. And now, in his cheek. Inakbayan pa niya si Yuri at umaastang boyfriend so I want to punch his face! I'm just controlling my temper. Or maybe, sila na.

Di ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit umiiwas ako sa mga kaibigan ko. Si Yuri lang ang gusto kong iwasan dahil masasaktan lang ako. Pero makakasama ko rin siya dahil she's also my friend aside from Claire and Paulo.

Nung nakaraan naman, okay lang para sakin ang panliligaw ni Ian. Pero habang tumatagal ay naiirita na ako sa paglapit niya. Na para bang gusto ko nang hilahin si Yuri palayo sa kanya. Gusto ko ring ako nalang ang maghahatid sa kanya. Pero parang huli na ang lahat. Parang tuluyan nang nahulog si Yuri kay Ian.. At hindi sakin.

Andito ako ngayon sa loob ng bahay at nakatanga sa sofa. Bukas ang TV but my attention is not there. Nabalik ako sa realidad nang tumunog ang phone ko na nasa ibabaw ng mini table sa harap ko.

From: Xander

Hey bro. Sama ka samin mamayang 8pm sa Consola Bar. Mag-eenjoy tayo. Ano game?

Napabuntong hininga ako. Sasama ba ako? Maybe I need some relaxation and get out of stress. Para makalimutan ko rin si Yuri kahit ngayon lang.

To: Xander

Ge. Punta ko.

From: Xander

Alright pare! See you later Jimmy boy.

Miyembro si Xander ng isang grupo ng gangsters sa school namin. Di man sila pumapatay pero nananakit sila. Mantitrip pag gusto nila. Their age are above 18 at umuulit nalang sila sa highschool dahil sa mga bagsak. Mahilig din silang mambabae. Pero kahit ganun ay mabait naman sila at nakikisama.

Sinali nila ako dahil sa pamilya namin. Yung pinakaleader nila na si Kris ay natulungan pala dati ni dad. Malaki raw ang utang na loob niya kay dad. Di raw siya buhay kung di dahil sa kanya. Di ko pa siya nakikita. I hope makilala ko rin siya, soon.

Sinubukan kong sumama sa kanila para madaling iwasan si Yuri. Natuto akong uminom at magpunta sa bar. May ari ng isang bar ang isang miyembro nila kaya nakakapasok ako kahit 16 palang ako. Hanggang inom lang ako. Yun muna ang kaya at pwede kong gawin.

Tumayo na ako at nagsimulang mag-ayos para pumasok.

--

Yuri's POV

Napatakip kami ng bibig ni Claire nang malamang nakita narin ang bangkay ng dalawang kasama ni Mara. Yung Faye at Iya ata yun.

"Put*ngina sino kayang pumapatay?" Biglang sabi ng kaklase naming si Josh.

ESCAPE: ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon