「CH4 ◆ Mine」

7.6K 187 4
                                    

Napahawak nalang ako sa ilong nang bumungad samin ang maalingasaw na bangkay ni Mara. Totoong siya nga ito. Ito ang postura niya nang huling magkita kami.

Mga nagsuka ang iba at makikita ang pandidiri sa mukha nila. May ibang naiyak at umalis nalang. Hinaharang din kami ng mga pulis at pilit na pinababalik sa classrooms.

Grabe.

Kaawa-awa ang nangyari sa kanya. Tadtad siya ng saksak sa iba't ibang parte ng katawan. Pinagpuputol din ang kanyang mga daliri hanggang sa braso. Ganun din sa binti niya. Di mo na talaga siya makikilala.

Teka.. May bigla akong naalala..

Hindi kaya...

"Aaacckkk.." Napalingon ako kay Claire na nagsuka na sa isang gilid.

Pinuntahan ko siya at hinagod ang likod niya.

"MARA! Anak!!" Napalingon ako sa isang babaeng may katandaan na tumatakbo papalapit sa dalagang nakahandusay sa damuhan at duguan.

"Ma'am hanggang dito lang po tayo." Hinarang siya ng pulis. Patuloy lang sa pag-iyak ang ginang.

"Anak ko!"

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at tinuon nalang ang atensyon kay Claire. Binigyan naman siya ng tubig ni Pau.

Ewan ko pero meron sa loob ko na pinaghihinalaan kong pumatay kay Mara ay yung dark guy. Nung huli ko siyang makita ay may nilabas siyang kutsilyo habang sinusundan sila Mara. Pero.. ano namang motibo niya?

"Yuri!" Nabalik ako sa realidad nang may tumawag sakin.. Si Ian pala. Nakapang-basketball siya at tumatakbo palapit sakin. Hinawakan niya ko sa magkabila kong balikat, "Okay ka lang?"

"Oo." Tipid kong sagot. Nakita ko naman sa likod ni Ian si Jimmy na nakatingin samin. Napansin niya ata ako kaya iniwas din niya ang tingin niya.

"Nag-alala ako sayo.." Sabi niya pa. Di ako nakatingin sa kanya dahil tinitignan ko ang pagyakap at pag-iyak ni Hana kay Jimmy. PSH, masyadong pabebe.

Tinuon ko nalang ang tingin ko kay Ian na nasa harap ko. Bakit ba hindi nalang siya ang pansinin ko?? Ang gustuhin ko?! Ang mahalin ko?

I smiled at him and gave him a kiss on his cheek. Kita ko naman ang pamumula niya.

Pareho kaming napalingon sa babaeng patuloy parin sa pag-iyak sa pagkawala ng anak niya. Inakbayan ako ni Ian at mas nilapit sa kanya.

Nakaramdam nanaman ako ng wirdong feeling na may naka-mata sakin. Inilibot ko ang paningin ko and shoot!

I saw him again!

Nasa room namin siya at nakasilip sa bintana habang naka-crossed arms at nakatingin.. sakin. Teka anong ginagawa niya dun?

Kahit nasa 3rd floor ang room namin ay kitang kita ko siya. Di ko yata makakalimutan ang mukha niya. Pati sa panaginip ko ay bumibisita siya.

Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at bumuntong hininga.

Naalala ko ang tinext niya dati,

I can do anything just to make you mine. Even if killing is the only way.

Pinipilit kong di maniwala kaso lang.. Natatakot parin ako.

--

"Yuri tawag lang ako ni coach ah. Pero sabay tayo uuwi mamaya. Bye, I love you!" Napalaki ang mga mata ko sa pagsigaw niya sa huli niyang sinabi at nagform pa ang mga kamay niya ng heart shape habang nakangiti sakin.

ESCAPE: ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon