Chapter 10: First date part 2

Start from the beginning
                                        

"Maraming nagkalat na water fountain dito." He said, sabay padyak ng isang paa niya.

Na nag-trigger para lumabas ang mga water fountain sa paligid.

"Aah! I forgot!" Sigaw ni Gab habang nagtatago sa likod ni Enzo para hindi mabasa ng tubig.

"Mababasa tayo!" Pilit kong iniiwasan ang mga fountain. Kaya lang kahit saan ako pumunta meron.

"Asar! Basa na tayo." Inis na reklamo ni Enzo.

Basang-basa na kami pero nakuha pa na tumawa ni Caleb.

"Hey! Natutuwa ka pa?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Eucha, in 1...2..." Hinawakan niya ang kamay ko. "3! Takbo!" Hinila niya ako patakbo.

"Hey! Saan kayo pupunta?" Hahabulin sana kami ni Enzo pero...

"Aah! Enzo, don't leave me! Basang-basa na ako." Sigaw ng basang-basa ng si Gab.

Kaya walang nagawa si Enzo, but to stay with Gab at tulungan itong makalayo sa mga water fountain.

Habang kami naman ni Caleb...

Caleb

"Ang saya! Basang-basa sila." Hindi ko mapigilang tumawa ng malakas. Para silang basang sisiw.

Effective ang plano ko. Sinadya ko silang dalhin doon to get rid of them.

Kaya ngayon kami na lang ni Eucha ang magkasama.

"Hello! Eh, basa rin kaya tayo." Nakasimangot na sabi ni Eucha.

"Oo nga, no? Okay lang 'yan. Atleast nadispatsa natin sila. Tara?" aya ko sa kaniya.

"So, sinadya mo 'yon? Saan naman tayo pupunta?" Kunot ang noong tanong ni Eucha.

"Sa favorite place ko," I replied to her, smiling.

"Na ganito ang itsura natin?" Sabay tingin nito sa sarili niya. Nabasa rin pala ang damit niya tulad ko.

"Walang problema. Let's go." Hindi na siya nakapalag nang hilahin ko ang kamay niya paalis sa lugar na iyon papunta sa lugar na gustong-gusto kong puntahan.

Pero bago 'yun dumaan muna kami sa isang boutigue para bumili ng pamalit sa nabàsa naming damit.

Pagkatapos kong bayaran 'yung mga damit...

"Here, magpalit ka na sa fitting room." Inabot ko sa kaniya 'yung isang shirt.

"Thanks." Kinuha niya 'yung damit at pumasok na sa fitting room.

Pumasok na rin ako sa isa pang-fitting room para magpalit din ng shirt.

Paglabas ko naghihintay na siya sa akin. At nang makita niya ang suot ko...

"P-Parehas tayo?" Sabay turo ni Eucha sa suot kong shirt.

I smiled at her. "Yeah. Ang cute, ano? Let's go." Hinila ko na siya palabas ng boutigue na 'yon.

I bought two white shirt na may naka-print na,
"I love California."

Couple shirt lang ang datingan.

Sumakay kami ng cab para magpahatid sa lugar na 'yon.

And that place is the Old Loma Light House.

Mula sa taas tanaw mo ang magandang tanawin sa ibaba.

"Wow! This is amazing! Ang ganda naman dito. Matagal mo na bang alam ang lugar na 'to?" Amazed na tanong ni Eucha.

"Recently ko lang din 'to nalaman. Tapos naging favorite ko na. Relaxing dito, eh." I response, smiling at her.

"Tama ka. Relaxing talaga. Ang ganda ba naman, eh. Sulit ang biyahe at ang inakyat natin," Eucha said. It seems na nagustuhan niya talaga ang lugar. Mabuti naman.

I really like her smile.

After naming pagsawain ang mga mata namin sa tanawin, we decided to go back. Pero kumain muna kami sa paborito ko ring restaurant malapit dito sa lighthouse.

"Hmmm... Infairness masarap ang pagkain nila dito, ha. Madalas ka rin ba rito? Siguro dito mo dinadala ang mga date mo kaya kilala ka na dito." She said while eating. Ang daldal nya talaga.

"Hindi ako mahilig makipag-date." I said. Totoo naman.

"Weh? Maniwala ako saiyo. 'Yang mukhang 'yan?" 'Di makapaniwalang react niya.

"Mukhang guwapo?" Nakangiting biro ko naman.

"Hindi. Mukhang babaero," she said. Na ikinasimangot ko.

"So, mukha pala akong babaero para saiyo? Now, I know. Kaya siguro kasama mo silang dalawa kanina. Kasi wala kang tiwala sa akin." Nakasimangot pa rin na saad ko.

"Ay, ang sensitive? Hindi pwedeng mag-joke? At saka silang dalawa ang nag-insist na sumama, no." Sabay tusok nito sa karne at isinubo. Ang cute niyang ngumuya.

"Hindi ikaw ang nag-aya sa kanila?" I asked while looking at her.

"Hindi, no! Alam ko naman na asungot ang mga 'yon, eh. Kaya lang wala akong choice. Kesa hindi nila ako paalisin," Eucha explained.

"Okay sabi mo, eh. Pero payagan ka pa kaya nila next time?" Nag-aalalang tanong ko.

Balak ko kasi siyang ayain ulit, eh.

"So, may next time pa?" Eucha asked.

"Oo. Bakit ayaw mo?" Balik tanong ko sa kaniya.

"Hindi naman sa ganoon. Kaya lang mukhang mahihirapan na akong makalusot. Tinakasan natin sila ngayon, eh. Bahala na. Pero, I really enjoy this day. Salamat, ha." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Buti naman nag-enjoy ka. Ako rin nag-enjoy today. At sana may next time pa." I said to her, really hoping.

"Let see." Eucha said, smiling.

After that inihatid ko na siya sa bahay ng girlfriend ng bestfriend niya.



Started with a ChatWhere stories live. Discover now