Chapter 54 : His Proposal

616 8 0
                                    

Hindi na ko mag tatagal at ang mga alaala na naiwan ko ay mag sisilbing alaala na lang na minsan dumating ang isang tulad ko , ang hirap tanggapin ang katutuhanan na iiwan ko na yung mga taong naging bahagi ng buhay ko .

Tama nga ang sabi nila na maiksi lang ang buhay , hindi natin alam kung kailan tayu kukunin kaya habang humihinga tayu wag nating sasayangin ang pag kakataon na makasama sila at sabihin kung gaano natin sila kamahal ..

Minsan kahit mahirap , wala kang choice kung hindi ang tanggapin ang katutuhanan , tanggap ko na , na mawawala na ko , na iiwan ko na sila lalo na si Moks , si Moks na nag paramdaman sa kin kung gaano ako ka importante sa kanya , kung pwede nga lang akong mabuhay muli gusto ko sya din ang makasama ko hanggang sa huli ..

Nasa kwarto ako , tinitingnan ko yung mga albums namin ni Moks , nakakamiss , nakakalungkot pag naaalala ko lang yung mga araw na naging masaya kami, lalo na kung paano sya ngumiti , at higit sa lahat kung paano ko sya nakilala ..

Sabi nya sa kin dati ..

"Kung kinakailangan kong mag drama para paniwalaan mo ko. Gagawin ko "

Yan ang lagi nyang sinasabi sa kin , pag naaalala ko yun hindi ko na lang maiwasan na mapangiti kasi naman sya lang ang nag iisang dahilan kung bakit ako masaya ..

Bumuntong hininga ako

"Sana wag mo kung kalimutan Moks " sabi ko habang hawak hawak ko yung picture naming dalawa

Bumukas yung pinto at nakita kong pumasok si Insan .

"May ginagawa ka ba ?? " Insan

"Wala naman bakit ?? " sabi ko

Agad kong niligpit yung mga album at ang diary ko , tumingin ako sa kanya at nakita ko syang may dala na kung anu ..

Iniabot nya sa kin yung dala nyang paper bag .

"Isuot mo daw yan , aalis tayu " Insan

"Sino nag sabi at san naman tayu pupunta ?? " sabi ko

"Lumabas daw tayu sabi ni Mama mo. Sa labas tayu mag didinner , baka daw kasi hindi ka na namin makasama " Insan

Naramdaman kong nalungkot sya kaya naman hinawakan ko sya sa balikat ..

"Diba sabi ko wag kang malulungkot pag wala na ko " sabi ko

"Kasi naman Insan , para kasing ang hirap eh " Josh

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya .

"Sige na susuot ko na to " Pag iiba ko ng usapan .

Ayuko lang kasi na nakikita silang nahihirapan ng dahil sa kin , alam ko hindi magiging madali ang lahat , lumabas na si Insan at naiwan akong mag isa ..

Kinuha ko yung laman ng paper bag at nagulat ako ng makita ko ang isang dress , maganda sya pero simple lang , nakita ko yung notes sa may paper bag at binasa ko ..

"I can't wait to see you " Moks

Ngumiti na lang ako , hindi ko alam kung san kami pupunta , kasi naman sa labas kami mag didinner kasama sila Mama .

Sinuot ko yung dress , hindi ko alam pero bagay sa kin yung damit , hindi ko tuloy maiwasang mag isip kung san kami pupunta kasi naman akala ko hindi na to mangyayare , yung makasama ko sila sa isang gabi ..

Lumabas na ko ng kwarto ko , habang nag lalakad ako hindi ko mapigilang kabahan para kasing hindi maganda ang condition ko , para akong matutumba na hindi ko alam..

Nakita ko sila Mama at Papa , nakangiti sila pero hindi ko maitatanggi na nalulungkot sila kahit pa nakikita ko silang nakangiti ..

Masyadong formal ang mga suot nila ..

My Freaking Girlfriend ( Complete )Where stories live. Discover now