Chapter 42 : Serious Condition

418 7 0
                                    

Nagising ako sa isang hindi familiar na lugar , nagising din ako dahil sa iyak mula sa isang kwarto , hindi ko alam kung nasan ako , dinilat ko yung mata ko at iginaya ko ang tingin ko at nakita ko si Mama na umiiyak , hindi ko alam kung bat sila umiiyak , nakatingin lang ako sa kanila , ang lungkot lungkot ng mukha nila , hindi ko alam kung anung nangyare kagabi , basta nagising na lang ako na nasa kwarto na to ..

Tumingin sa kin si Insan ..

"Tita " Josh

Tumingin sa kin si Mama at lumapit sila kung san ako nakahiga ..

"Mama bakit ??? Anung nangyare ?? " sabi ko

Pinunas ni Mama yung luha nya at nag lakad palapit sa kin , kasunod nya si Papa na nakahawak sa balikat nya, kitang kita ko sa mga mata ni Mama na pinipigil nya yung pag iyak .

"Salamat naman at nagising kana " Mama

"Bakit Mama anu pong nangyare ?? Bakit wala akong natandaan ?? " sabi ko

"Anak , nakita ka ni Josh sa kwarto mo na wala kang malay , akala namin kung anung nangyare sayu " Mama

"Anu ba kasing nangyare insan ?? " Josh

"Hindi ko alam basta sumasakit yung ulo ko tapos hindi ko na alam kung anung sumunod na nangyare " sabi ko

Kitang kita ko sa mga mata nila yung sobrang pag aalala sa kin, hindi ko alam pero naramdaman ko na lang na ganun ko pala sila pinag alala .

"I'm sorry ma kung pinag alala ko kayu " tumingin ako sa kanila " anung ginagawa natin dito ?? " sabi ko

"Masyado kaming nag aalala sayo kaya dinala ka na namin sa hospital para na rin ma check kung anu yang nararamdaman mo " Papa

"Alam na ba to ni Edward ?? Anung sabi ng doctor ?? " Sabi ko

"Hindi nya pa alam , hindi muna namin sinabi baka mag alala lang yun " Mama

Tumango na lang ako habang nakatingin sila , sumandal ako sa higaan at maya maya bumukas yung pinto at pumasok yung lalaking naka uniform na puti , sya yata yung doctor ..

"Doc , anung lagay ng anak ko is she okay ?? " Mama

Tumingin sa kin yung doctor tapos kila Mama

"Mas mabuti pa Mam , Sir , sa labas na lang tayu mag usap " Doctor

"Pero bakit ?? " Papa

"Oo nga Dok, gusto ko din naman malaman kung anung kalagayan ko "sabi ko

Bumuntong hininga muna yung doctor , hindi ko alam pero ang lakas ng kaba ko , hindi ko alam kung bakit ..

"Wala ba syang nasasabi sa inyu kung anu ang kalagayan nya ?? " Doctor

"Wala naman doc , bakit may mali ba sa kundisyun nya ?? " Mama

Napahawak ako sa kamay ni insan , bakit ako natatakot kung anu ang nararamdaman ko ??

"Dederetsuhin ko na kayu " hindi ko alam kung kaya kung marinig yung sasabihin ng doctor , hinigpitan ko yung kapit kay Insan . " She have ...... A stage four Cancer " Doc

"Anu ?? " gulat na sabi ni Mama

Nang marinig ko yung sinabi ng doctor parang tumigil ang ikot ng mundo , bigla na lang ako nanghina , hindi ko kinaya yung nalaman ko , Hindi ako makapaniwala na may sakit ako ..

"Papa-nong nangyare yun ?? Bakit sya pa ?? " Mama

"Base on his condition , matagal ng nararamdaman ng patient yung mga symptoms , nararamdaman nya kadalasan ang masakit na pag kahilo at pag sakit ng ulo " Doctor

My Freaking Girlfriend ( Complete )Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα