Chapter 3 : Closing to him

1.3K 38 1
                                    

Minsan kung sino pa yung taong kinaiinisan natin, yun pa yung taong pwedeng maging kaibigan natin , as if naman may choice ako , kaw  ba naman araw araw mong makikita yung taong sumisira ng araw mo , pag naka sanayan mo na yung isang bagay normal na lang yun...

Paano kung isang araw ,  yung taong sumisira ng araw mo ang syang dahilan kung bakit nagagawa mong ngumiti , paano kung isang araw yung taong laging nandyan para asarin ay ang taong magustuhan mo , mga tanung na ayaw kung mangyare sa ming dalawa , ayukong mag isip dahil kahit kailan hindi mangyayare yun , dahil hindi ko pinangarap na maging friend ang isang gaya nya ..

Ang bilis ng araw  hindi ko namalayan na malapit na pala ang finals , marami ng nagbagu, si mokong ganun pa din lagi parin akong pinagtitripan , para nga kaming asot pusa sa loob ng room , Ewan ko ba kung bakit nag cross ang landas namin , at Ewan ko ba na parang normal na lang sa kin na inaasar nya ko , kung dati inis na inis ako pag pinagtitripan nya ko pero bakit ngayun , feeling ko hindi kumpleto ang araw ko pag hindi nya ko inaasar ...ang masaklap pa dito lagi syang gumugulo sa isip ko , ayuko naman bigyan ng meaning ang lahat ng yun , basta ang alam ko masaya na ko sa kung anung meron sa min ...

Nasa loob na ko ng Campos ,naaalala ko pa dati yung unang beses kung paano kami nag cross ng landas ng mokong na yun .. Hindi pa rin ako makapaniwala na yung lalaking nabunggo ko ay ang syang dahilan kung bakit masaya ako ...

"Miss tulungan na kita " sabi ko dun sa babae ..

Ang dami naman kasi nyang dala .. Ewan ko ba kung anu to .. Basta ang importante matulungan ko sya .. Kinuha ko yung ibang dala nya ..

"Thank you " sabi nya ..

Ngumiti lang ako , to be honest , maganda sya , matangkad mukha syang Brazilian model .

Nasa loob kami ng elevator ... Nakangiti lang ako habang sya super duper tahimik ..

"By the I'm Charlene , you just call me Cha " sabi ko sabay lahad ng kamay ko

Ngumiti sya " Samantha " iniabot nya yung kamay nya " Sam for short " Sam

"Nice meeting you " sabi ko

"Thanks you too " Sam

Ang bait nya naman , pwede ko syang maging friend , dahil parehas kaming magaling sa fashion , ang ganda nga ng suot nya ngayun eh , mukha talaga syang nag momodel , eh ako frustrated model ... Bumukas na yung elevator , at lumabas na sya .. Ngumiti lang ako at ngumiti din sya ..

Ayukong masira ang araw ko ngayun , gusto ko good vibes ngayun , ayuko ng panira sa araw na to , gusto ko maging free kaya ang sino mang sisira ng araw ko makakatikim sa kin ...

Pumasok na ko sa loob ng room , medyu napaaga na naman ako wala pa kasi yung prof , nakangiti pa din ako habang papunta sa loob ko , nakita ko si mokong , anung nginingiti ngiti nya tssss gaya gaya , nginiwian ko sya , naaasar talaga ako sa pagmumukha nya, alam mo yung mukha na Hindi seryuso sarap batuhin ng sapatos eh , hindi ko sya pinansin dahil nga diba ayukong masira ang araw ko ng dahil sa kanya , ayukong masira ang precious day ko ...

Tiningnan ko si mokong , aba nag pa cute pa , tinarayan ko sya , panigurado may balak na naman syang hindi maganda , subukan nya lang , dahil hindi ko sya uurungan  .. Iniwas ko yung tingin ko sa kanya dahil na aasiwa lang ako sa expression nya, nakaka asar tssss ... Umupo na ko at

BLAGgggggggggg!!!!!

Sumalampak ako sa sahig

"Haha " nagtawanan sila

"Ang tanga mo sabel " girl 1

"Anung hinuli mo ?? " girl 2

"Haha " nagtawanan sila

My Freaking Girlfriend ( Complete )Where stories live. Discover now