Ilang araw na lang ang natitira at mawawala na ko sa mundo , sa tuwing naaalala ko yung mga nangyare sa min ni Moks , yung unang araw kung paano kami parang asot pusa , yung unang beses na hinalikan ko sya , yung mga moment na nakakaasar , at yung mga moment na nakakakilig ..
Mga bagay na mamimiss ko pag wala na ko. Ang hirap hirap tanggapin ang katutuhanan pero wala akong magawa , ramdam na ramdam ko na hindi na ko mag tatagal. Nasasaktan din ako sa tuwing nakikita ko sila Mama at Papa na nahihirapan para sa kin , gustong gusto ko ng sumuko pero lumalakas ang loob ko pag nakikita ko silang nahihirapan ..
Lalo kong nararamdaman yung mga symptoms ng sakit ko , lagi lagi at oras oras akong sinusumpong kaya hindi na ko pumapasok ngayun , minsan umiiyak na lang sila Mama sa tuwing nakikita nila akong inaatake , lalo na sa tuwing hindi ko sila naaalala , ang sakit sakit sa dibdib , wala akong magawa kung hindi ang umiyak , dahil sa tuwing hindi ko sila naaalala nasasaktan ko sila ng hindi ko alam , para akong baliw , I'm sorry Mama kung hindi ko na kaya .
Nasa bahay lang ako ngayun , pinapahinga na lang ako ni Mama wag na daw akong umalis dahil baka lalo pang sumama ang nararamdaman ko ..
Nakaupo ako sa may sofa kasama ko si Insan , buti na lang talaga , kahit paano may makakausap ako , pero hindi ko maitatanggi sa mukha nya ang labis na pag aalala ..
"Insan , wala ba kayung lakad ni Edward ngayun ?? " Josh
"Wala naman, " Bakit mo natanung ?? " sabi ko
"Baka kasi nakalimutan mo na naman " Josh
"Wala naman syang sinabi sa kin " sabi ko
Naramdaman ko na naman na sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako .
"Okay ka lang ba ?? Gusto mo kunin ko yung gamot mo ?? " Josh
Tumingin ako sa kanya
"Wag na insan , kaya ko pa naman " sabi ko
"Sigurado ka ?? " Josh
"Oo " sabi ko
Hinawakan nya yung kamay ko at tumabi sya sa kin .
"Insan , alam ko kung anung nararamdaman mo " tumingin ako sa kanya, kitang kita ko sa mata nya ang labis na pag aalala sa kin " Insan wag na wag kang susuko ha " Josh
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya
"Insan , alam ko hindi na ko mag tatagal , ikaw na sana ang bahala kay Moks mag paliwanag kung bakit ko inilihim " sabi ko
"Wag ka ngang mag salita ng ganyan , naiiyak ako eh " Josh
"Kahit anung gawin ko na lumaban insan , sa huli talo pa rin ako , talo , minsan gusto kong sisihin ang diyos kung bakit ako pa ??? " tumingin ako sa kanya " kung oras na talaga natin wala na tayung magagawa " Sabi ko
Nakita ko na umiyak si Insan kaya naman bumagsak na yung mga luha ko na pinipigil kanina ..
"Insan " mangiyak ngiyak na sabi ni Insan
"Pag nawala ako , wag kang iiyak ha , ayukong makita kang umiiyak , gusto ko , sana maging totoong lalaki kana , mag iingat ka lagi ha " Sabi ko
"Wag ka naman mag salita ng ganyan para kasing ----- " Josh
Pinutol ko yung sasabihin nya .
"Hindi natin alam Insan, baka mamaya o bukas wala na ko " tuluyan ng dumaloy ang luha ko , pareho na kaming umiiyak , ang lungkot lungkot , ang hirap hirap tanggapin " basta insan. Just promise me " tumango si Insan " kaw na bahala kay Moks ha , lagi mo syang ichecheck para sa kin " Sabi ko
BINABASA MO ANG
My Freaking Girlfriend ( Complete )
Romance" Hindi kita iiwan dahil hindi ko kaya kapag nawala ka , lagi mong tatandaan na ikaw ang dahilan kung bakit nag mamahal ako " - Moks Hanggang san ang kaya mong gawin para sa pag mamahal ?? Paano kung wala ng dahilan ang lahat ?? Hanggang kailan mo...