6 ----Si Crush---

56 2 1
                                    

"Amai Yume!" Message ko iyon kay crush nung sabi niya matutulog na siya.

"Ano yen? Amai Yume?"

"Japanese yon ng sweet dreams."

"Marunong ka mag-japanese?"

"Dati... Ngayon hindi na masyado kasi I stop studying." Totoo yon. Noong high school ako marunong ako magsulat ng Japanese, pero dahil hindi ko nagagamit... nakalimutan ko na.

"Mag-aral ka ulit," sabi niya. Akala ko ba sabi niya tutulog na siya. Oh well... sabi naman niya kapag di na raw siya naka reply ibig sabihin tulog na siya.

"English na muna ang pag-aaralan ko," sagot ko.

"Wag na English. Magaling ka na diyan. Japansese na lang."

"Hindi ako marunong mag-english."

"Marunong ka. You understand me, diba?"

"Oo... pero hindi ako fluent sa speaking at minsan sa grammar.

"Ganun ba. Sige tatawarin kita."

"Tatawarin? You mean tuturuan diba?" Last message ko... pero hindi na siya nag-reply.

Siguro nakatulog na.

Ibinaba ko na yung cellphone ko. Yung cellphone na tanging paraan ng communication namin.

Ilang araw na ba kami laging magkausap? Hmmm... may buwan na rin pala. Sandali lang yon, pero pakiramdam ko ang tagal na namin magka-usap. At napaka komportable ng pakiramdam ko sa kanya. Yung tipong... okey lang magbaliw-baliwan ako...

Siguro dahil parehas kaming mahilig sa anime... kaya may lukso ng dugo.

Hay... kung malapit lang siya. Siguro possible kami.

Iyon din daw kasi yung sinabi niya kay Lian.

Pero hindi kami malapit kaya malabo.

Sabi ko na nga ba... katulad na naman ito ng kay Zedd.

1 new message.

Galing kay crush.

"Oh... I mean... call... tatawagan."

CALL?

Sinabi niya bang call?

Tatawagan niya ko?

Napangiti ako nang mabasa ko yon. Hindi ko nga alam kung ano ang mararamdaman ko.

Pero... naisip ko!

Baka hindi niya rin iyon tuparin.

Katulad ng ginawa ni Zedd.

Maraming pangako noon sa akin si Zedd, pero di niya natupad kasi naisip niya raw na ayaw niyang maging mas malapit sa akin dahil alam niya, imposible kami.

Baka ganon din si crush. Baka ganoon din ang naisip niya... o baka may iba pang dahilan...

May iba siyang gusto. Ayaw talaga niya sa akin... hindi ko alam... basta hindi na uli siya nag-message.

Namalayan ko na lang na may tubig na tumutulo sa mga mata ko.

May tulo pala yung bubong namin... napatakan ang mata ko.

Hahaha! Joke lang... talagang naiiyak ako at naiinis sa sarili ko dahil napagku-kumpara ko sina Zedd at si crush.

Alam ko naman na magkaiba sila... pero dahil pareho silang taga America... di ko maiwasang paghambingin sila.

Kung si Zedd na nagsabing sobrang gusto niya ako bigla akong iniwan... what more pa si Crush na hindi naman ako sigurado kung totoong gusto ako?

Siguro mas mabuti kung tanggapin ko na lang na kahit kailan ang labanos ay mananatiling labanos.

(Narinig ko lang yan sa anime na pinanood ko. Meaning non... kahit kailan hindi mo na mababago ang isang bagay.)

...

Sinasabi ko sa sarili ko hanggang magkaibigan lang kami... pero habang iniisip ko yon, mas lalo ko siyang nagugustuhan. At habang mas nagugustuhan ko siya... pakiramdam ko mas lumalayo siya.

Para na siyang bituin na ang hirap maabot.

"Ganyan ka na... kahit seen zone wala?" Naisip kong i-message yon sa kanya dahil may message ako na hindi niya binabasa.

"Kiss emoticon" Ang reply niya na sinundan ng "Hehehe."

Doon ako napanatag.

Hindi ko alam kung paano... pero finally natanggap ko sa sarili ko na si Crush ay forever friend ko lang.

Napangiti ako... bago binuksan ang computer at nagsimulang mag-type ng kwento. Ito mismong istorya na ito ang isinulat ko.

Siguro hanggang dito na lang ang kabanata tungkol sa amin ni crush.

Mas mabuti na iyon para walang sad memories. Puro masaya lang.

Habang iniisip ko kung paano ko siya nakilala, naging crush at naging kaibigan... napapangiti ako. Ang saya ng experience na iyon!

Actually, napatunayan ko na masaya talaga magkaroon ng crush.

Bukod doon... nalaman ko na hindi naman pala masama ang maging anime fan.

Hindi ito ang makakapigil para may magkagusto sa akin.

In short... di mo kailangang baguhin ang sarili mo para lang may magmahal sayo. Well... dati ko nang alam yon... pero ngayon ko lang mas naunawaan dahil na-experience ko... At utang ko iyon kay Crush.

Kaya nga gusto ko siyang pasalamatan.

Salamat Crush.

Salamat Nikko.


THE END

Second Part of this story will be posted soon entitled THE BOY WHO SAID I LIKE YOU.
It will be a textserye.

Hi, Crush! (RFL #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon