4 ----Confession----

26 4 0
                                    

"Kilala mo ba si Lian?" message niya sa akin.

Bakit niya tinatanong?

Sandali.
Oo nga pala, noong nakaraan sabi ni Lian icha-chat niya si crush.

Ano bang sinabi ni Lian? ALARMING naman!

Minessage ko agad si Lian, pero di nagreply.

Nagkachat na uli kami ni Crush. Isang usapan na masasabi kong napaka familiar.

Bakit bigla kong naalala iypng mga panahon na nagde-date pa kami ni Zedd?

Umiling ako.

Ayokong buksan ang puso ko.

Ayokong maniwala na possible kami kasi alam ko na imposible talaga.

Pero kung pagbabasehan ko ang totoong nasa puso ko, alam ko na kahit papano may maliit na pag-asa ako na nararamdaman, pero alam ko ang limitasyon ko. Nalaman ko iyon dahil sa nangyari sa amin ni Zedd.

Alam na alam ko na hanggang dito lang ako.

Hanggang dito lang ako.

"Eh di sabihin mo sa kanya... sabihin mo ang feeling mo sa kanya."

Bigla kong naalala ang payong iyon ng kapatid ko.

Okey lang nga kaya na sabihin ko sa kanya na gusto ko siya?

Minsan na akong nakapagtapat ng pag-ibig kaya hindi na ako natatakot. Isa pa lagi akong inspired sa mga anime na napapanood ko. Marami roon, babae ang nagtatapat.

"Ang totoo, pinagmamasdan kita. Kasi kamukha mo 'yung bestfriend ko. Mahilig din 'yon sa anime," simula ko.

Isiningit ko iyon sa isang conversation namin.

"Talaga. Eh di magpapakasal kayo?"

What?

Ano ba naman itong tao na to." nabanggit ko lang yung tungkol sa besfriend ko inisip niya agad na gusto ko na yon?

Ah! Nagbago na ang isip ko... ayoko nang sabihin na crush ko siya.

Pano ko ba kasi magugustuhan ang baliw na tulad niya?

Oo, baliw siya. Pinaka baliw sa lahat. >.<

"Si Lian ang gusto niya," reply ko kay crush—este ex crush na pala. >.<

"Wag... kayo na lang." Aba't talagang ipinipilit niya ko kay bestfriend? Kung alam mo lang... mas gusto kita.

"Mahirap turuan ang puso, at isa pa may iba akong gusto." Final na sagot ko.

"Talaga, sino?"

Nagtatanong na siya. Sasabihin ko na ba?

O sige. Sasabihin ko!

"Si...******" Sinabi ko ang pangalan niya.

��H6��Q�):

Hi, Crush! (RFL #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon