5 ----False Hope---

34 3 0
                                    

 "Joke lang!" Agad kong sinunod yon. Idinahilan ko na ganti ko yon kasi noong nakaraan ginawa niya rin yon sa akin. Sinabi niya rin na ako ang gusto niya.

"Haha. Pasaway yon." Iyon ang naging sagot niya. Pasaway daw siya.

"Okey lang... kahit pasaway, gwapo naman," sabi ko na lang.

"Kung gwapo ako, maganda ka rin," sabi niya.

"Awww," reply ko.

Tinawag niya akong maganda.

"Kasi anak tayo ng Diyos," dugtong ko.

"Feeling safe ah." Siya.

"Ano?" Ako.

"Wala. Sige na... may work na ako."

Sa huli, hindi ko rin nasabi sa kanya na gusto ko siya.

Ang yabang ko... akala ko sanay na ako... akala ko madaling magtapat... hindi pala.

Nakakatakot din pala.

***

"Lian... anong sinabi mo sa kanya?"

Naalala kong tanungin si Lian. Sinabi niya kasi sa akin noon na ichachat niya si crush.

"Wala... ini-refer lang kita sa kanya," sagot niya.

Nagkaroon ng malaking question mark sa utak ko.

"Paano mo naman yon ginawa? Paano mo ko ini-refer?"

"Diskarte ko na yon!" reply ni Lian. "Pero sabi niya gusto ka niya... "

G-Gusto niya ko??? Bigla atang kumabog ang dibdib ko. *DOKI DOKI! DOKIDOKI!

"...Kaso ayaw niya raw ng long distance relationship."

AYAW NIYA NG LONG DISTANCE RELATIONSHIP.

Yung puso kong biglang tumibok... parang lobo na nawalan ng hangin.

Sabi ko na nga ba... katulad din lang siya ni Zedd.

"Bakit mo nga pala tinatanong kung kilala ko si Lian?" naisip kong itanong uli iyon kay crush. Siguro dahil sa kagustuhan ko na marinig mula sa kanya yung sinabi niya kay Lian. Kung ano man yon...

"Just checking, sabi niya kasi bestfriend kayo," sagot ni crush.

"Oo. Bestfriend kami," sabi ko. "Pwede bang ako naman ang magtanong?" May bigla akong naisip itanong. Tungkol lang naman sa naging usapan nila ni Lian. Gusto ko kasing malaman ang nasa isip niya tungkol sa akin. Kahit ayaw niya ng long distance... gusto ko pa rin malaman kung talagang gusto niya ko tulad ng sinabi ni Lian.

"May tanong ako..." ulit ko.

"Sige. Shoot."

Ahh... "Marunong ka bang mag drawing?" Iyon ang itinanong ko.

Fail!

Waah! Ang duwag ko talaga!

Akala ko kaya ko nang itanong ang tungkol sa feelings niya para sa akin. Hindi pala. Hindi pala ako ganoon katapang para gawin yon. U__U

"Oo." Sagot niya Marunong daw siya mag-drawing.

"Pagdrawing mo naman ako."

At tungkol na sa drawing ang pinag-usapan namin.

...

Ipinagdrawing niya ako... at ginawa ko iyong profile picture.

����*=

Hi, Crush! (RFL #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon