3 --- I Heart You----

35 4 2
                                    

Pinapasakit ng bago kong kaibigan na dati kong crush ang ulo ko. Nakakainis siya!

"Biro lang," reply niya.

"Baliw ka!" reply ko. Hindi kasi magandang biro iyon. Pinabilis niya ang tibok ng puso ko nang sabihin niya na AM ang initial ng gusto niya. Biro lang pala.

"Ang initial niya ay A.G."

"Okay. Eh di, A.G."

Ang mga lalaki talaga. Ang hilig magbiro. Obvious na obvious na pinagt-tripan ako ng taong ito.

Isip bata!

Pero infairness natutuwa akong makipag-usap sa kanya.

Nawawala na kasi sa isip ko ang tungkol kay Zedd.

Nakalimutan ko na rin ang tungkol sa pagbago sa hilig ko.

Sa katunayan na-enjoy ko uli ang anime.

"Gusto mo ba ang Gundam?" tanong niya. "Ang Sword Art Online?" tanong niya pa.

Madalas umiikot sa anime ang usapan namin. Minsan may mga random stuff din. Kung anu-ano, pero madalas puro siya kalokohan.

Hindi ko tuloy maiwasan isipin na may gusto na rin siya sa akin.

"Ganon, nakalimutan mo agad si Zedd?"

Bigla akong pinagsabihan ng kapatid ko. Naikwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa bago kong kaibigan.

Sa totoo lang, malungkot ako dahil next month ikakasal na si Zedd, pero nang makausap ko itong dati kong crush parang natuwa ako.

Ang babaw ko, pero totoong nawawala na sa isip ko ang tungkol sa pag-iwan sa akin ni Zedd. Napapansin ko rin na hindi ko na hinahangad baguhin ang hilig ko. Katunayan pakiramdam ko malaya na uli ako panoorin ang mga anime na gustong-gusto ko.

It feels like this is the place where I should be.

***

"Crush mo iyon?" tanong sa akin ni Lian nang magkausap kami. Nabanggit ko kasi sa kanya 'yung tungkol kay crush.

"Sinabi ko 'yon sayo, dati," sabi ko sa kanya.

"Hindi ko maalala na sinabi mo 'yon, pero magkakilala kami. I-cha-chat ko pala siya."

"Ano namang sasabihin mo?"

"Basta. Ako ang magiging tulay n'yo."

"Ano ka ba, wag na. Malabo kami. Taga malayo siya. At bata pa. "

"Okey lang 'yon."

"Baka katulad din siya ni Zedd."

Katulad din nga ba siya ni Zedd?

Alam ko magkaiba ang personality nila, pero pareho pa rin silang taga malayo at mas bata sa akin.

Isa pa may AG na siya.

Tama.

May AG na siya.

***

Lumipas ang ilang mga araw at hindi na kami nagka-usap.

Nalungkot ako, pero sa tingin ko mas mabuti na ito para hindi na lumalim ang pagkagusto ko sa kanya.

Mahirap na kasi. Paano kung magpatuloy ang pag-uusap namin tapos biglang nagustuhan niya rin ako. Kahit magustuhan niya ko, malabong magkatuluyan kami kasi malayo siya.

Baka matulad din siya kay Zedd. Makakalimutan niya rin ako kasi marami siyang makikilala na mas maganda at mas malapit.

Sabi ko hindi na kami mag-uusap ulit, pero bigla akong napa-message sa kanya nang may makita akong picture niya sa facebbok.

"Japanese ka?" tanong ko. Nakita ko kasi sa picture niya na may hashtag na Japanese . Anime fan ako kaya syempre gusto ko ang Japanese.

May isa pa akong tinanong sa kanya... "Naging companion mo pala si J?" Ang tinutukoy kong J ay isa sa mga naging kaibigan ko sa Volunteer mission.

Okey lang naman sigurong magtanong ako kasi magkaibigan na kami.

Nag-reply naman siya, pero ganito ang naging reply niya. "Oo, naging companion kami at namimiss ko siya, at Japanese ako at gwapo ako at single at buff! Gusto mo bang makita ang katawan ko? joke hahaha"

Medyo uminit ang dibdib ko sa nabasa ko.

Anong ibig niyang sabihin? Oo, sinabi niya na joke lang iyon, pero parang may laman iyon, ah.

Nagsimula na akong gumawa ng eksena sa utak ko.

Parang ganito.

Tanong ako nang tanong sa kanya.

Nakulitan na siya kaya ganito na ang sinabi niya sa akin na parang ang ibig sabihin ay Oo. Oo na. Ano, gusto mo ko? Gusto mo ang katawan ko?

Ang sama niya.
Paano niya nagawa sakin ito?!

"Praning!" sabi ng kapatid ko pagkatapos kong sabihin ang saloobin ko. "Eh diba nga sabi mo parang close friend na kayo. Ganyan naman ang mga kaibigan, di ba? mahilig sa mga jokes."

Napaisip ako roon.

Kung sabagay, may mga kaibigan ako na ganoon kung magbiro. Pero... paano kung tama 'yung pagkakaintindi ko? Paano pala kung naiirita na siya sa akin dahil ang dami kong tanong?

"Eh di sabihin mo sa kanya," payo ni kapatid. "Sabihin mo ang feeling mo sa kanya."

Sabihin?

Pinag-isipan ko iyon.
Sa tingin ko tama naman iyon.

Ganoon nga siguro ang dapat kong gawin---ang sabihin ang nararamdaman ko.

"Galit ka ba? Irritated o joke lang talaga 'yon? Kasi you scare me."

At nag-reply siya.

"Ohhh, im so sorry Joke lahat talaga. Sorry po talaga." First message.

"Im so sorry i would never get mad at you." Second message.

Tapos gumaan na ang loob ko.

"Sorry din," sabi ko. "Pero ano ba 'yung buff?"

"Ummm... I am Japanese and Hawaian and Native American from N Tribe..." Bigla siyang naging siryoso at sinabi yung race niya. "Oh buff is like malaki! Big muscles haha," dagdag niya.

"So you are Japanese? That's unfair. Ah big muscles pala. Sige gusto kong makita." To make the usapan lighter, naisip kong sakyan na lang ang joke niya.

"Unfair? Paano? Haha sige mamaya Makikita mo."

"Unfair kasi Japanese ang anime. Im jealous."

"Hehehe tama yen. Anime in my blood. Sige How do you want me to show it?" Ang sinasabi niya ay yung muscles niya.

Awww... seryoso ba siya? Ipapakita niya?

"Paano ba?"

"Depende sayo," tuloy lang siya.

Hahaha! Flirting na ba to? O kabaliwan lang? Ang baliw- baliw niya.

Nababatukan ko tuloy ang sarili ko.

Kasi naman.
Please lang.
Don't give me false hope.

Hi, Crush! (RFL #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon