Kabanata 03

1.5K 66 8
                                    

Amelia

"Paano kung sabihin ko sa 'yo na..." Gumapang ang mga daliri n'ya sa pisngi ko at marahang hinaplos ang ilong ko pababa sa panga at huminto sa labi. Matagal kaming nagtitigan dalawa, bago n'ya sabihin ang mga salitang, "Ikaw ang gusto kong kainin, Amelia."

Mabilis na nanlaki ang aking mga mata sa sinabi n'ya. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko napigilang itulak s'ya.

Eww—I won't let her eat me!

Pero bakit sobrang bilis ng kabog ng puso ko?

Umayos ako ng upo, habang pilit kong pinapakalma ang oa kong puso. Ang manyak ko naman na Ate ay patawa-tawang naupo sa dulo ng kama. Lihim na napairap lang ako.

Leche! Papatayin niya yata ako sa kaba.

"I was just joking, Amelia," she said with a chuckle. "You should have seen your expression earlier. It was priceless, you looked so funny!" I let out a dismissive scoff, not amused by her comment.

"Ang panget mo ka bonding, Ate," inis na usal ko nang makabawi sa ginawa n'ya. Pinagkrus ko ang braso sa dibdib at binaling ang tingin sa ibang bagay.

Nakakainis talaga s'ya! Ginagawa n'ya akong katatawanan.

Nakabusangot akong nakatingin sa ceiling. Kaya hindi ko napansin ang mabilis na paglapit sa akin ni Ate Aurora. Naramdaman ko na lang bigla ang pag halik n'ya sa pisngi ko, para tuloy akong naging tuod dito sa kinauupan ko.

Mas naging oa ang kabog ng puso ko. Hinahalikan n'ya rin naman ako sa pisngi dati, pero bakit iba ang epekto nito sa akin ngayon?

"Sorry na, Amelia, ang cute mo lang kasi," sweet na aniya, sabay kurot sa nananahimik kong pisngi.

Nagwala ulit ang malandi kong puso.

Tigilan mo ko, heart, please lang!

Inayos ko ang nagusot na damit, bago ako tumayo. "Kakain ka ba, o hindi?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

"I'm full, sorry," walang gana n'yang sagot.

Salubong ang kilay kong hinarap s'ya. "Nagda-diet ka ba, Ate?" puno ng kuryosidad na tanong ko.

Nagtataka na talaga ako kung bakit sa tuwing niyayaya ko s'yang kumain ay laging busog ako ang sagot n'ya. Hindi naman s'ya ganiyan noon.

Isang tango lang ang nakuha kong sagot mula sa kaniya.

"Nagda-diet ka pa, ang payat payat mo na nga, e!" asik ko.

Mas pumayat nga s'ya ngayon, tho sexy pa rin naman s'yang tingnan.

Sumeryoso ang mukha ni Ate. "Umalis ka na, Amelia. Matutulog na ako." Pagtaboy n'ya sa 'kin, sabay hagis ng unan sa mukha ko.

Humiga s'ya sa kama at hindi na ako muling tiningnan.

Aba't! Kanina tuwang-tuwa s'yang asarin ako, tapos ngayon tinataboy na n'ya ako?

"Fine!" Hindi naman ako ang magugutom, kundi s'ya.

Padabog na naglakad ako papunta sa pinto. Nang makalabas ako'y isasara ko na sana 'yon pero bigla s'yang nagsalita.

Aurora's BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon