Kabanata 31

785K 18.8K 7.2K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 31 

Ilang nakakabinging segundo ang lumipas bago sumagot si Shiloah. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba habang hinihintay ko ang sagot niya. Alam ko na kasama niya si Candy dahil naririnig ko ang boses niya mula sa kabilang linya...

I knew it was dead wrong to feel this rush but I just can't help but feel it.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang makukuha kong sagot kay Shiloah. Hindi ko alam kung papayag siya sa gusto ko... pero sinabi niya naman sa akin dati na ayos lang sa kanya na gamitin ko siya... I knew I was wrong. Ako mismo ang galit sa mga tao na gumagamit kay Shiloah pero ako pa 'to mismo ang gumagawa sa kanya.

A bit hypocritical.

"Okay," he said.

My heart fluttered with what he said. But I stopped the thought immediately. Kailangan ko lang talaga ng kasama ngayon... iyon lang 'yun.

"Okay?"

I heard his breathing from the other line. "Saan kita pupuntahan?" he asked me.

"Ako na lang ang pupunta sa 'yo," I replied.

"Hindi pwede," sabi niya.

"Bakit?"

"I'm with Candy's parents."

Agad na kumunot ang noo ko dahil sa narinig ko. Nasaan daw siya? Kasama niya ang parents ni Candy? At bakit? Ano'ng meron? Sa dami ng tanong ko, hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Hindi ko rin alam kung tama ba na alamin ko pa ang sagot sa mga tanong ko... Para kasing hindi ko na gusto na malaman pa.

"Oh," ang tanging nasabi ko. "Enjoy ka d'yan. Maghahanap na lang ako ng iba kong makakasama," I said and immediately ended the call.

Kahit na ayaw ko kay Candy dahil sa panloloko niya kay Shiloah, pakiramdam ko kasi wala akong karapatan na sirain ang kasiyahan nilang dalawa. Ano naman kung nagpapakatanga si Shiloah sa kanya? It's his choice, not mine... At hindi naman siguro siya tanga para malaman na niloloko siya ni Candy. If despite that he still chose to be with her, then by all means be my guest.

But still... sana hindi siya pumayag na ginaganon siya. He deserves so much more—not some half-assed love and commitment.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman nagfocus na lang ako sa paggawa ng paper namin. I was trying so damn hard to not think of anything else but it was just failure after failure. Para akong mababaliw. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.

I was trying to take a break when I decided to browse the net instead. Agad akong nag log-in sa facebook.

"You've got to be kidding me," nasabi ko nung makita ko kung sino ang nagsend ng friend request sa akin. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin—ang i-reject ba ang request niya o ang i-block siya.

She's so freaking delusional! Mas tumatagal na nakikilala ko si Bianca, mas lalo lang akong nabibigla sa mga kaya niyang gawin! Hindi ko na talaga siya maintindihan! One second, she's so keen on keeping me away from Parker. Ngayon naman, gusto niya na maging friends kami sa facebook?!

Bianca Yapchengco

Accept || Decline

Para akong baliw na biglang natawa. Kaya naman pala hindi ko siya mahanap noon sa facebook ay dahil apelido ni Parker ang gamit niya. Minsan, gusto ko na lang maniwala na kasal nga silang dalawa. It would make things easier for me... Mas madali kong makakalimutan si Parker kung alam ko na may ibang nagmamay-ari sa kanya.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon