Chapter 13: Friends?

3.8M 78.4K 26.1K
                                    



Bumalik na rin ako agad sa bahay after akong hulaan ni Lola. Totoo kaya 'yon?

Ayokong maniwala kasi ayokong umasa, pero wala naman sigurong masama, 'di ba? Iniligtas naman talaga ako ng Prince Charming ko, e. Isa pang weird, kapag naiisip ko siya, bumibilis 'yong tibok ng puso ko.

Tumahol bigla si Cholo.

"Gutom ka na ba, Cholo?"

Nakita ko si Troy sa tapat ng gate, nag-aalangan kung magdo-doorbell ba siya o hindi.

"Huy!"

Lumingon siya sa 'kin, gulat na gulat. Nakakatawa siya! "Bakit hindi ka pa pumapasok, ha?"

"Ah... tinatamad kasi akong gumawa ng project, e."

Binatukan ko nga.

"Aray! Bakit?"

"Anong tinatamad? Hindi pwede! Gagawa ka o gagawa ka, 'yon lang ang pagpipilian mo."

Nagkamot-ulo na lang siya. Pagpasok namin sa bahay, dinala ko muna si Cholo sa kusina at pinakain ko ng dog food. Si Mama naman, nag-iwan ng note na aalis daw siya kasi may business meeting.

Bumalik na ako sa sala. Baka mainip pa 'yong si Troy at umalis bigla.

"Pwede bang tapusin na natin agad 'yong project? May pupuntahan kasi ako mamaya, e."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Saan ka pupunta?"

Pagkasabi ko pa lang noon, parang nagsisi akong itanong. Ano namang pakialam ko kung saan siya pupunta? Kasi naman, may feeling akong pupuntahan niya 'yong babaeng malapit sa 'min.

"Bakit naman inaalam mo?" Tinaas din niya 'yong kilay niya tapos ngumisi siya.

"Huy! Anong iniisip mo? Na may gusto ako sa 'yo? Natanong ko lang, 'no?"

"Oo, alam ko namang wala kang gusto sa 'kin kasi si Jeydon ang gusto mo, 'di ba? Uy! Ayiee!"

"Huwag mo ngang sirain ang araw ko. Yuck! Wala akong gusto ro'n. Saan ka nga pupunta?" Umakyat agad ako sa kwarto ko, nangangati na 'yong bibig kong itanong sa kanya kung sino ba talaga 'yong babaeng hinalikan niya. Hindi ako tsismosa, curiosity kills kaya.

Sinilip ko si Kuya sa loob ng kwarto niya, tulog pa rin. Amoy alak 'yong kwarto niya. Bakit kaya si Troy, hindi naman nalasing? Tsaka 'yong Jeydon na 'yon? Yuck! Bakit ko ba siya iniisip?

"Tapusin na natin 'to nang maaga, may sasabihin kasi ako sa 'yo, e," sabi ko agad pagkababa ko. Napatingin siya sa 'kin na parang nagtataka and at the same time, kinakabahan. Inisip kong baka alam na niya 'yong ibig kong sabihin.

"Kinakabahan naman ako riyan, Betty."

"Huwag mo akong tawaging Betty! Hindi ko bibilisan 'tong project, e!"

"Oo na! Sorry na."

Mabilis lang kaming natapos kaya nagtanong na agad ako kay Troy.

"Troy, may girlfriend ka ba?"

Hindi niya ko tiningnan, niligpit lang niya 'yong mga ginamit namin, tapos tumawa siya. "Marami akong chicks, sa gwapo kong 'to? Pero wala akong girlfriend, ayoko kasi ng commitment, e."

"So hindi mo girlfriend 'yong babaeng hinalikan mo kahapon?"

Natigilan siya, kita sa mukha niyang parang galit siya. Hindi ko alam kung sa 'kin o dahil sa alam ko 'yong tungkol sa hinalikan niyang babae. Nakita ko 'yong kamay niyang nag-form into a fist. Galit nga siya. Ang tanga ko naman kasi para makialam, pero gusto ko talagang malaman, e. Sorry naman.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon