Babe Series 193rd

299 4 0
                                    

#BabeCouple: 193rd Parts


Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan natin ng tulong ng iba. Minsan, kailangan din nating kumilos mag-isa at tumayo sa sariling mga paa. Kahit na ako ay hirap na hirap, ginawa ko ang lahat ng aking makakaya, inubos ang lahat ng lakas, makababa lang sa hagdang sobrang taas.

Nang ako ay makababa, sinalubong ako ni Berto.

"Kumain ka na muna, pinsan." anito.

Dalawang pinggang punong-puno ng sandwiches na may bacon and cheese ang dala-dala nito. Paborito ko, ngunit ayokong kumain.

"Salamat pinsan."

Nilagpasan ko si Berto -- kahit gutom na gutom na ako. Ayoko ng magpatukso sa kung ano ang nakikita ko. Ending, hindi naman pala totoo. Nagpatuloy ako sa paglalakad, hanggang sa makarating ako sa sala. Gusto ko munang magkapagpahinga sa sofa na punong-puno ng gel. Gusto kong marelax ang katawan ko. Gusto kong magbawi.

"ARAY!" narinig kong sigaw pagkaupo ko.


#SobrangShortStories

NABITIN AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon