Babe Series 130th

515 7 0
                                    

#BabeCouple: 130th Parts


Nasa labas na ako ng sandaling sumigaw ang pinsan ko na nakita na niya. Hindi ko alam kung ano iyon pero nakapagbigay pag-asa sa akin ang salitang iyon. Sana nga ay si Peachy na ang nakita ng pinsan ko at hindi kung ano.

"Pinsan, nakita ko na," may inilagay sa kamay ko ang pinsan ko. "Ano 'to?" tanong ko habang nagpupunas ng luha. Oo, umiyak ako. Iyak ng pangungulila ang nararamdaman ko. Kahit ba na ilang oras pa lang nawawala si Peachy, masakit na 'yon para sa akin.

Tumawa ang pinsan ko, "Iyan lang ang nahanap namin sa taas ng kuwarto mo pinsan. Sabi sa akin ni Natalia, iyan daw ang paborito mong nilalagay sa buhok ng alaga mo." Wika nito.

Gusto ko siyang sapakin, gusto kong upakan ang pinsan ko ng mga oras na iyon. Ngunit, nanaig sa akin ang pagkagusto na makita si Peachy. Kaya nagpapasalamat na rin ako at kinuha nila sa kuwarto ko ang paboritong laso ni Peachy.


#SobrangShortStories

NABITIN AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon