Gabi-gabi na lang babe

905 18 4
                                    

HINAHANAP-HANAP KITA BABE


Gabi-gabi na lang sa pagtulog ko, si babe ang, hinahanap ko.

"Babe kumusta ka na?" malambing ang tono ng boses ng girlfriend ko. Para bang may hihingiin na naman siyang pabor.

"Heto, namimiss ka. Ikaw kumusta?" balik na tanong ko sa kanya.

"Babe, siguro iniisip mo na... hihingi na naman ako ng pabor no? Hindi babe. Napag-isip-isip ko kasi, lagi na lang ako gumagastos. Imbes na unahin kita, mga luho ko ang inuuna ko. Unfair para sa isang responsableng boyfriend iyon."

Kulang na lang ay mapaiyak ako ng mga sandaling iyon. Hindi siya badshot, hindi rin nag-beast mode. Naninibago talaga ako sa girlfriend ko.

"Babe... sorry a? Kung minsan, hindi ko mapagbigyan ang mga pabor mo. Alam mo naman short ako lagi." Katuwiran kong wika sa kanya.

"Hindi minsan babe, madalas! As in wala ka pang na-grant sa mga favor ko!"


#SobrangShortStories

NABITIN AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon