Xavier's POV
"Ahhhh! Shit, late na naman ako!" Sabi ko sa isipan ko as I look at my phone kung anong oras na. Xavier Raze, gising na! Tawag ni mama sa'kin thinking I wasn't awake yet. Well, at least I have nothing to worry since excused naman kami for our training sa nalalapit na Journalism Pres Conference.
After taking a bath and changing in my school uniform, may natanggap akong chat sa messenger.
"Bieng, pasok ka?" message niya sa'kin. No doubt it was Nate-my friend since elementary.
'Di ko na nagawang replyan siya dahil nga nag mamadali rin ang Kuya ko since sabay naman kaming pumasok sa school pero ahead lang siya ng dalawang taon.
Pagka-pasok ko sa room, agad umalingaw-ngaw ang boses ng mga tropa, tinatanong kung tataas ba kami para mag training.
"Taas ka? Tumaas si Nate e." sambit ni Khy.
Bubuka palang ang bibig ko upang sabihing hindi muna, nang bigla kong narinig ang boses na kahit sa malayuan kong maririnig ay kilalang kilala ko.
"Hoy, hinahanap ka ni Ma'am Jho." sabi ni Nate sa'kin.
Tinatamad akong tumaas at mag-sulat kaya hindi ko pinansin si Nate.
Sanay naman na 'yun sa ganitong ugali ko, kaya't hindi ko na kailangan pang mag-explain sa kaniya.
Pagka-alis at pagka-alis niya ay siya ring pag dating ng Immersion teacher namin. Ayan na naman siya, mag ccheck na naman ng capstone draft 'yan, sambit ko sa isipan ko.
Pagka-tapos nun ay agad kong kinuha ang cellphone ko para I-chat si Nate na bumaba.
"hoy, baba ka muna" chat ko sakaniya. Oo, ka-group ko sa capstone yang kumag na 'yan. Kahit kupal,may maibubuga rin naman sa academics.
Pagka-baba niya nga ay agad naming sinimulan ang draft ng capstone namin. Natapus naman namin agad kaya't tumaas rin agad si Nate para mag training sa papalapit na Pres con.
Recess hits and a loud and emerging voices filled our classroom. Dami rin ng mga estudyante sa labas kaya ayaw ko ring lumabas.
As I was starting to take a nap on my arm chair, may biglang nag tanong sa'kin. It was Anne, friend ko sa circle namin.
"ka-group ka namin ni Eli sa reporting ah" she said.
What! May reporting? Shit, 'di ako ready! sabi ko sa utak ko na may halong regret na pumasok pa ako.
"Ay sorry Anne, aakyat rin kasi ako mamaya e, pina-check lang talaga namin yung draft for capstone namin" anyang palusot ko para hindi na ako mag report.
"Ah okay, sabihan mo nalang rin si Eli para alam niya." sambit niya sa'kin.
As I look for her inside the four corners of our room, there she was sitting with our circle of friends-laughing and gossiping about something.
Nang tatayo na ako sa kina-uupuan ko my phone suddenly rang.
"Hoy kupal, tumaas kana raw sabi ni Ma'am Jho!" saad ni Nate sa tawag.
"oo na, oo na, tataas na!" sabi ko naman.
Wala rin naman akong choice na tumaas dahil ayaw ko rin namang mag report, nakakatamad at nakaka-antok.
Pag karating ko nga sa taas kung saan nag tratraining ang mga kagaya naming Campus Journalist, agad akong umupo't kinuha ang yellow pad kung saan ko sinusulat ang mga articles ko.
Wala rin naman si Ma'am Jho-coach ko since Grade 7 ako, dahil may klase pa siya.
Plenty of hours ang nasayang kakatunga ko at nang dumating si coach ay wala akong naisulat.
YOU ARE READING
Lines Beyond the Horizon
Teen FictionAn Architect builds for the future. A Seaman lives for the horizon. But some foundations are too deep to leave behind. Eliana has always known how to design a masterpiece. As a rising Architect, she can draft a skyscraper from memory, but she can't...
