Chapter 6 - Days With Raisa

Start from the beginning
                                    

KNOCK. KNOCK. KNOCK.

“Ito na! Ito na!” inis na tono ni Tommy.

Lumapit si Tommy sa pintuan. Galit niyang binuksan ang pinto. Gusto niyang sigawan ang kanina pang nanggugulong si Orli pero lahat ng iyon ay di nangyari. Di si Orli o kahit si Pierre ang nakatayo sa pinto. Ito’y walang iba kung hindi si Raisa. Nakangiti siya habang nakatingin kay Tommy.

“Good morning,” bati ni Raisa.

“G-G-Good Morning,” sagot ni Tommy. Bigla niyang naramdaman na parang kinakalikot ng paru-paro ang kanyang bituka.

“Mmmm... nandiyan ba si Macario, o gising na ba siya? Gusto ko sana siyang makausap eh,” sabi ni Raisa.

“T-tulog pa,” ngiti ni Tommy.

Napataas ang kilay ni Raisa. “May sakit ka ba?” 

“A-ako? W-wala no! Paano m-mo nasabi?” 

“Kasi.... kasi nung una tayong magkakilala, utal-utal ka ring magsalita eh. Bakit hanggang ngayon, utal-utal ka parin?” tanong ni Raisa. “Ganyan ka ba talaga?” 

“Ay hindi! Sadyang bagong gising lang ako, kaya parang nahuhugot lang yung vocal chords ko,” sunod-sunod na sabi ni Tommy.

Napangiti si Raisa. “Mas maganda ka pa pakinggan kung ganyan, diresto ka magsalita,” 

“Sige, kung tulog pa si Macario, mamaya ko nalang siya kakausapin,” dagdag ni Raisa.

“Teka, gusto mo gisingin ko?” tanong ni Tommy.

“Ay wag na. Mukhang pagod siya eh, sarap kasi ng tulog niya,” sabi ni Raisa.

Lumingon si Tommy kay Macario. Nakanganga na itong matulog.

“Mukha nga,” tawa ni Tommy.

Magnanakaw! Magnanakaw! isang sigaw ng boses na di naman masyadong kalayuan sa kinatatayuan ni Raisa at ni Tommy.

Napalingon ang dalawa. Nagulat sila mula sa sigaw sa gitna ng umaga. Bigla namang nagising si Macario mula sa malalim na pagkatulog. 

“Magnanakaw! Nawala isang libo ko!!” sigaw pa ng boses.

Tumayo si Macario mula sa higaan niya. Dali-dali siyang pumuwesto sa harap ng pinto na tila wala sila Tommy at Raisa dito. Di niya agad sila napansin dahil ang sigaw ang una niyang inintindi.

“Grabe! Magnanakaw na naman!” agad na sabi ni Macario.

Ilang minuto bago maramdaman ni Macario na may tao pala sa tabi niya na ngayon ay nakatulala at nakatitig sa biglaan niyang ikinilos.

“Oh, hello,” bati ni Macario.

“Hi,” nahihiyang ngiti ni Raisa.

“Hi,” sabat ni Tommy.

“Hello?” bati ulit ni Macario. “Teka, teka, Raisa?” sabay turo kay Raisa. “Tapos Tommy?” sabay turo kay Tommy. “Ano to ligawan?” biro ni Macario. Agad siyang sinikuhan ni Tommy.

“Tumahimik ka nga diyan. Nandito si Raisa dahil gusto ka niyang kausapin,” paliwanag ni Tommy.

“Ganun ba?” tanong ni Macario. Ngumiti si Raisa.

Di pa tumigil ang sigaw. Patuloy parin itong umalingawngaw sa buong hallway. Marami naring mga estudyante ang nakakarinig nito kaya’t lumalabas na sila sa kani-kanilang mga kuwarto. Ganun narin sila Orli at Pierre na mukhang bagong gising lang din.

“Bakit ang ingay, ang aga-aga?” reklamo ni Orli.

“Di ko nga alam eh,” sagot ni Tommy.

“Tara puntahan natin yun,” anyaya ni Macario sa kanila.

TropaWhere stories live. Discover now