Chapter 12: Prince Charming

3.7M 75K 17.6K
                                    

"Candice!"

"Kuya? Tapos na ba 'yong party?"

"Okay ka lang ba?" Hinawakan niya 'yong balikat ko, tiningnan kung okay talaga ako. Halata mong nag-aalala talaga siya. Nakakatuwa kapag ganoon si Kuya.

"Oo, okay na. Buti nakauwi ka na."

"May nagsabi kasi sa 'kin na may magnanakaw daw sa bahay. Nasaan na 'yong gagong magnanakaw na 'yon?"

"Kinuha na ng mga pulis."

Pagkababa ng mga pulis, hawak na nila 'yong magnanakaw. Nakita ko na rin 'yong mukha niya. Nakakatakot siya, ang dami niyang tattoo. Paano kung hindi dumating 'yong lalaki kanina? Baka patay na ako ngayon.

"Sir, heto na po 'yong nagnakaw sa bahay n'yo. Lahat ng nakuha niya, iniwanan na namin sa loob. Sumama na lang po kayo sa police station para masampahan na natin ng kaso 'to."

"Sige po." Ang sama ng tingin ni Kuya roon sa magnanakaw. "Pasalamat ka, hindi nasaktan 'yong kapatid ko, kung hindi baka hindi ka na sikatan ng araw." Humarap siya sa mga pulis. "Sir, susunod na lang po kami sa station. Salamat po, kung hindi dahil sa inyo, baka napahamak na 'yong kapatid ko."

"Hindi po. Dumating kami, nakatali na 'yong lalaki sa may kama. Magaling po 'yong kapatid n'yo, Sir. Sige po."

"Sige po, salamat." Nagtatakang tumingin sa 'kin si Kuya. Akala niya siguro, ako talaga 'yong nagtali sa lalaki. "Paano mo nagawa 'yon?"

"Epic ang mukha mo, Kuya! Malamang hindi ako ang may gawa no'n." Hindi ko pa rin mapigilan 'yong tawa ko, naasar na yata siya.

"E, sino, ha?"

"Hindi ko nga kilala, e. Umalis siya agad pero may naiwan siyang dog tag, o. Tingnan mo." Pinakita ko sa kanya 'yong dog tag na may Japanese character na hindi ko naman maintindihan.

"'Yong Japanese word ng pangalan mo 'to."

"Ha? Pangalan ko?"

"Sino ba 'yon? Kilala mo ba? Bakit pangalan
mo ang nakalagay sa dog tag niya?"

"Kakasabi ko nga lang na hindi ko nakita, tsaka wala naman ako masyadong kaibigan o kilala rito. May tattoo pala siyang dragon sa likod."

"Nakakapagtaka naman. I-lock mo na 'yong bahay, pupunta tayo ng prisinto. Tatawagan ko si Mama."

"Sinabi ba niyang pupunta siyang ospital?"

"Oo, akala ko naman kasi walang mangyayari sa 'yo, e. Si Papa kasi, e." Tiningnan ako ni Kuya tapos bigla siyang tumahimik.

Alam ni Kuya na hindi ako komportableng pag-usapan si Papa kaya hindi na lang din siya nagsalita pa. Tahimik lang kami papunta sa police station. Ano kayang magiging reaksyon ni Mama? Hindi ko alam, pero pagkarating pa lang namin ni Kuya sa police station, kinabahan ako.

"Gusto mo bang dito ka na lang?"

"Okay lang, Kuya, sasama ako." Ayoko naman talagang makita 'yong magananakaw na 'yon.

Nakakatakot siya pero alam ko namang kailangan ng statement ko.

Nagbigay lang ako ng statement sa pulis, hindi na ako pinalapit ni Kuya ro'n sa lalaki. Tapos ay dumating si Mama na alalang-alala.

"Candice! Are you okay?" Niyakap niya ako.

"Opo, Mama."

"Nasaan 'yong gagong 'yon, ha?" Galit na galit siya. "Sir, pwede na ba siyang umalis? Ayoko kasi siyang magtagal dito sa prisinto."

"Okay lang po, ma'am."

"Anak, pumasok ka na sa kotse."

"Opo, Mama."

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon