Chapter 8

217K 7.6K 894
                                    

Chapter 8

"Duh! I told you before. He's not my type." May kasama pang irap nung sinabi niya yun. But I was relieved upon hearing it from him. Mahirap nang maagawan ng mapapangasawa. But still, why is he acting like that? Alangan naman na ako ang type niya eh hindi kami talo. Like eww! Takot lang niyang makidlatan kapag pinagnasaan niya ako.

"Eh bakit ayaw mo siya para sa akin?"

"Do I have to like everyone that you like?" Napatango na lang ako. Siguro nga, hindi lang talaga type ni Lexie si Ter as a person. Ako nga, hindi niya din gusto eh. Ang choosy kasi ng baklitang to.

"Mabut na yung maliwanag. Tandaan mo bakla akin si Ter. Kapag nilandi mo siya, maghahalo ang balat sa tinalupan. Nagkakaintindihan ba tayo?" Sinalubong niya ang nanghahamon na tingin ko. No one wanted to back out.

"Tsss." He rolled his eyes again.

"Sumagot ka!"

"Whatever!" Tumayo na siya agad at pumunta ng CR. Kita mo tong baklang to, ang hilig mag walk out.

"Sa tingin niyo, type niya si Ter?" Tanong ko kina Barbie at Chelsea nung makaalis si Lexie.

"Mukhang hindi naman girl. Kita mo nga hindi man lang niya minomolestiya ang jowa mo. Baka nga concerned lang sa'yo kasi nga magkaibigan tayo." Tumango tango ako sa sinabi ni Barbie. Kunsabagay, baka nga ganun lang talaga siya magpakita ng concern.

Pagkatapos namin magkape, nagpaalam na kami sa isa't isa. Bumalik na ako sa boutique ko at bumalik na din sila Barbie at Chelsea sa mga trabaho nila. Si Lexie nauna na kasi may photoshoot na naman daw. Hmp, malay ko ba kung hindi photo ang shinoshoot. O baka namaan nag eespadahan? Grabe ang laswa ko. Napatawa ako sa mga naiisip ko habang nagdadrive.

Pero kahit nga si Ter busy din sa photoshoot these past few days. Nagtetext lang at tumatawag kasi usually gabing gabi na siya nakakauwi. Nakakaawa naman yung tao kung magdedemand pa ako ng time. Pero sabi niya babawi naman daw siya at mamaya na siya babawi kasi medyo maaga daw matatapos ang photoshoot. Magdidinner daw kami. Excited na nga ako.

Sa sobrang excitement ko, maaga pa lang, nagreretoucch na ako and by 5PM umalis na ako sa boutique. 7PM daw kami magkikita sa isang restaurant malapit sa venue kung saan sila nagshoshoot. Kaya din hindi na ako nagpasundo kasi hassle pa considering the traffic. Nagtaxi na lang ako kasi gusto kong ihatid ako ni Ter mamaya.

Dumating ako sa restaurant by 6:45PM at nagulat ako nung makita ko sa table si Ter with Lexie. Nangunot ang noo ko. Akala ko ba, dinner date namin to? Bakit may third wheel?

Kinawayan ako ni Ter pagkakita sa akin at kahit na gusto kong umismid, hindi ko nagawa kasi baka sabihin naman niya nagsusuplada ako. Ayaw ko siyang ma turn off sa akin. Nung makalapit ako sa table, kating kati na akong ismiran si Lexie o kaya ay palayasin. Di bali mamaya pag nag washroom si Ter, makikita ng baklitang ito. Humalik si Ter sa pisngi ko at ipinaghila ako ng upuan. Nung makaupo na ako, sinipa ko ang paa ni Lexie at pinandilatan siya pero hindi siya nagreact. Inalis lang niya ang paa niya para hindi ko ulit siya masipa. Kaasar talaga. Epal! Plano ko pa namang landiin si Ter ng bonggang bongga ngayon. Paano ko yun magagawa kung nakamasid si Lexie.

Hanggang sa matapos kaming kumain naaasar ako, kasi halos sila na lang ni Ter ang nag uusap. Mostly naman, about sa trabaho ang pinag uusapan nila. Ilang beses ko siyang pinandilatan hoping na makuha niya ang message ko pero deadma. Kinuha ko ang phone ko and texted Lexie kasi mukhang walang plano si Ter na mag washroom kaya di ko masolo si Lexie at masermunan.

'What the heck bakla! Anong ginagawa mo dito? You're ruining our dinner.' I hit send and waited for him to read the message. Kinuha niya ang phone at habang binabasa niya ang message, masama ang tingin ko sa kanya. Nakataas pa ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. While reading my message, one of his eyebrows rose and then ibinalik niya ang phone niya sa bulsa ng coat niya.

The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon