Chap. 38

4.9K 194 4
                                    

AN : Maiksi muna ang chapter na ito kasi medyo busy pa. Thanks.

Nang makarating sina Meryei sa kanilang bahay; wala s'yang imik sa kanyang mga kasama. Nahahalata din ng mga kaibigan ang biglaang pagiging tahimik nito.
Gusto man nilang tanungin, ngunit nagkakaroon sila ng pag-aalangan.
Batid nila na may nararamdaman si Meryei na pilit nitong ayaw ipaalam.

Tinungo ni Meryie ang silid ng anak. Inabutan n'yang mahimbing na itong natutulog. Lumapit s'ya at tinabihan ang bata. Dahan dahan s'yang yumuko at hinagkan sa noo si Micky.

"Anak, patawarin mo ako kung hindi ko maamin sa 'yo kung ano ang kaugnayan mo kay Kiel; batid kong hindi rin sinabi ng ama mo kay Kiel ang totoo. Dahil baka malilito lamang kayo. Di bale, malalaman mo rin ang lahat sa tamang panahon.

Anak, ayaw kong mawala ka sa akin. Natatakot akong malaman ng ama mo ang katotohanan; at baka ilayo ka sa akin..Micky, ikaw na lang ang meron ako ngayon. Ikaw na lang ang nagbibigay lakas sa akin. Kung mawawala ka paano na ako?"

Hindi napigilan ni Meryie ang mapaluha. At muli n'yang naalala sina Layla at Yzal. Muli n'yang nadama ang inggit kay Layla noon. Na kahit anong gawin n'yang pagpapansin kay Yzal; si Layla parin ang hahanapin nito. Pinahid ni Meryei ang kanyang luha.

"Punyeta! Nasira ang gabi ko sa kanila. Makainum na nga ng alak." Umiinit ang ulo ng Meryei. Kaya dahan dahan s'yang lumabas sa silid ng anak.

Dumiretso s'ya sa kusina at kumuha ng alak sa counter.

Nagsimula s'yang uminum ng alak. Nagkataong lumabas si Toyang at Sheila.

"Girl, hindi ka pa nakontento kanina? Uminum kana naman ng alak." Tanong ni Sheila.

"Oo nga. Lakas mong uminum ah." Napansin din ni Toyang.

Mistulang walang narinig si Meryei; ngumiti lang sa kanila.

"Alam n'yo isa rin ito natutunan ko doon sa pagiging model ko. Kailangan
Marunong akong makipagsabayan sa mga kasamahan ko; at mga sosyalan na party ang madalas namin puntahan. Kaya sinanay ko ang sarili ko."

"Sana alam mo rin ang limitasyon mo." Halos pabulong na sinabi ni Sheila.

"Oo naman." Tipid na sagot ni Meryei.

"Yie, alam kong may gusto kang sabihin sa amin. Kanina ka pa namin napansin eh."

Pinagmasdan sila ni Meryei.

" Nakita ko sila..."Nasabi ni Meryei.

Nagkatinginan ang dalawa.

"Sino?" Sabay na tanong ng dalawa.

" 'Yong mga artista ng buhay ko..sina Yzal at Layla."

"Kaya ba naglalasing ka?"Tanong muli ni Toyang.

Biglang humalakhak si Meryei.

"Tarantadong Yzal. Inamin n'ya sa akin na MAHAL N'YA RAW AKO..Saksakang sinungaling pala. Duh! Uminum ako dahil TRIP ko lang. Hindi ako apektado sa kanila."

"Eh ba't parang dibdiban naman ang pag-inum mo d'yan? Hinay hinay lang. Para ka namang nauubusan." Sabi ni Toyang sabay kinuha ang bote ng alak.

"Hindi sila ang iniisip ko..si Micky at Kiel. Kawawa kong mga anak..nagkawalay sila dahil...SA MALING PAGMAMAHAL KO SA KANILANG AMA NOON."

Nagkatinginan ang dalawa. Dama nila na nasasaktan si Meryei ng husto.

"Anong balak mo ngayon?"

" Wala. Malinis naman ang lahat eh. Hindi na malalaman ni Yzal ang totoo."

"Pero natatakot parin kami Meryie." Agad na inamin ni Sheila.

TINAYWhere stories live. Discover now