Chap. 33 THE DATE

6.1K 234 13
                                    


Nang tulog na ang bata dahan dahang bumangon si Meryei at kinumutan ang natutulog na anak. Hinipo pa nito ang buhok. Lalabas na sana ng silid ang dalaga nang pumasok si Yzal.

"Salamat." Unang nagsalita si Yzal.

Hindi kumibo si Meryei.

"Yie, pwede ba tayong mag-usap?"

Humarap dahan dahan si Meryei.

"Saka na Yzal. Pag ako muli si Meryei. Sa ngayon ako si Tinay..kaya unawain mo muna ang kalagayan ko. Magkunwari muna tayo habang kasama ko ang ibang tao."

"Ayaw ko na ng kunwarian. Gusto ko nang tapusin ito. At nang magpadesisyonan ko kung ano ang dapat gawin sa buhay namin ni Kiel."

"H'wag mo akong pilitin."

Tuloy na umalis si Meryei.

Walang nagawa si Yzal kundi pagbigyan si Meryei.

--------------------------------------------------------------------

Palalim na ang gabi nang magsiuwian ang mga panauhin nina Yzal. Nahuli pa ni Yzal na magkasabay sina Meryei at Mark. Titig na titig si Yzal kina Meryei habang nakatayo s'ya sa may balkonahe at tinatanaw ang dalawa na paalis. Nang biglang may kamay na pumatong sa kanyang balikat..si Grayson.

"Dude, that man is tough. The way he talked to us;  he has full of ambitions and ideas in life. Kapag napag-uusapan namin si Meryei..he has a plan..A good plan for her. Do you think you can stop him?"

"I got her first. SHE'S MINE." Sagot ni Yzal. Sabay ng nakakalokong ngiti.

"WoooaaaH! That's the spirit, dude." Natawa si Grayson.

Umalis si Yzal.

"Hoy, saan ka pupunta?" Tawag ni Gray.

"Maghahanap ng gimik. Sasama ka?"

"Wala sina Kuya at Gaston. Lasing na sila ng husto eh."

"C'mon let's go. Hayaan mo na ang mga 'yon. Lasing na sila."

Sumama si Grayson. Sumakay sila sa kotse.

"Alam ko kung saan namamasyal ang  grupo nina Meryei; madalas inaabutan sila ng madaling araw sa bar o di kaya sa dalampasigan."

"Diretso tayo ng dalampasigan; alangan namang mag-date sila ni Mark sa bar. Syempre doon sila sa lugar na makapag sarilihan." Tila pinapainit pa ni Grayson si Yzal.

Nang marating nila ang dalampasigan. Nakita na nila agad ang mga crew kasama ang kanilang manager na nagkakasayahan pa. Hindi na nagpakita sina Yzal at Gray. Ginala nilang pareho ang tingin sa paligid. Hanggang..

"Ayon ang hinahanap mo!" Sabay turo ni Grayson. Agad pinatay ni Yzal ang ilaw ng kotse at pinarada sa tabi.

Maraming puno ng niyog at talisay; medyo madilim ang pinagkukublian nilang dalawa ni Grayson.

"Teka, ba't nandito tayo? Panira moment tayo sa kanila." Sabi ni Grayson at hindi maintindihan si Yzal.

"Tumigil ka nga. Ang ingay ingay mo." Saway ni Yzal sa pinsan.

Bilang naapakan ni Grayson ang bahay ng langgam sa 'di inaasahan.

"Putchax! Yzal kinagat ako ng langgam." Sabay kamot ni Grayson sa kanyang mga paa. Palibhasa nakasuot lamang s'ya ng cargo shorts at sandals.

"Engot! ka talaga.. ang ingay mo! Mabibisto tayo dito." Inis na inis si Yzal sa pinsan.

Napatakbo sa unahan si Grayson at naiwan si Yzal. Lihim na pinagmasdan ang dalawa. Nag-uusap ng dalawa na nakaupo sa buhangin. At napapaligiran sila ng puno ng TALISAY.

TINAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon