Chap. 24

5.2K 220 15
                                    


Hindi pinansin ni Yzal ang sinabi ng kanyang anak. Inisip n'ya na maaring nagmalikmata lamang ang bata sa kanyang nakita. Tinungo n'ya ang kanyang silid at nahiga sa kama. Hindi parin dinadalaw ng antok si Yzal kaya naisipan n'yang magbasa ng magazines.

Kinuha n'ya ang bagong labas na magazine -- ELLE QUEBEC..Napatingin s'ya sa cover girl ng magazine...TINAY

"Wow! Pinay pala ang model na 'to? " Nagkainteres na binasa ni Yzal ang nakasulat tungkol sa Model.

"I'm a mother.." Nabasa ni Yzal.

"I work hard for my son; that's why I give my best." Tuloy na nabasa ni Yzal.

"I'm not ready for a new relationship..I want to settle everything before I go into it. " Tumaas ang kilay ni Yzal.

Patuloy ang pagbasa ni Yzal. Hanggang napahinto s'ya sa isang pahina na napamangha s'ya sa modelo..

Masasabi n'yang bilugin ang katawan ng babae..malaman..nakakaakit..hindi s'ya masasabing overweight. Maganda ang hubog ng katawan..Nabasa n'ya pa ang isang linya..

"THIS IS THE REAL ME. I DON'T NEED TO CHANGE MY BODY. I'M PROUD TO BE A PLUS SIZE MODEL."

Nakahubad ang babae at nakahiga sa isang kama, tinatakpan ng mga talulot ng bulaklak ang kanyang dibdib at ang pang-ibaba. Makikita ang perpektong kurba ng katawan. Sinong mag-aakala isa s'yang ina.

"Damn! This woman is hot."

Napakagat labi pa si Yzal. Minsan pa lumipad ang kanyang isipan kay Meryei.

"Oh God, here I go again.." Nararamdaman ulit ni Yzal ang minsang may nangyari sa kanila ni Meryei.

Hindi n'ya maunawaan kung bakit nararamdaman parin n'ya ang sandaling 'yon..Sa kanyang isipan si Layla ang kasama n'ya..dahil nga't panaginip. Ngunit taliwas sa realidad; dahil Tuwing nakikita n'ya si Layla, hindi n'ya nararamdaman sa kanyang katawan ang pagnanasa na muling makasama ito. Ayaw man n'yang aminin HINAHANAP NG KANYANG KATAWAN SI MERYEI. Ang katawan ni Meryei  na luminlang sa kanya na nauwi sa lihim na pagnanasa.

Tumayo si Yzal at lumapit sa bintana. Pinagmasdan n'ya ang paligid.

"Yei, nasaan ka..kailangan ka ni Kiel..hinahanap ka n'ya..PATAWARIN MO AKO."

-------------------------------------------------------------------

Isang araw..

Binisita ni Yzal ang hospital. Inabutan n'yang nag-uusap ang isang kamag-anak nina Aling Conching at Layla.

"Layla, anong nangyayari?" Tanong ni Yzal.

"May pumuntang lalaki dito kahapon. Iniabot sa akin itong pera pambayad daw sa bill ni Aling Conching. Pinabibigay daw ng isang kamag-anak namin. Tinanong ko naman kung sinong kamag-anak..hindi naman sinabi kung sino. Hindi na daw importanteng malaman."

Salaysay ng kamag-anak ni Aling Conching.

"Wala akong natanggap na tawag kung sinong kamag-anak ang nagbigay ng perang 'yan." Sabi ni Layla.

Napaisip na rin si Yzal.

"Layla, h'wag na nating isipin kung sino man 'yon. Ang importante mababayaran nating ang bill dito sa hospital. Tsaka, sabi nga ng lalaki babalik daw s'ya dito sa susunod."

Nagkatinginan sina Yzal at Layla.

Hapon.. susunduin ni Adelene ang apo. Dahan dahan s'ya sa kanyang pagmamaneho dahil maraming bata ang tumatawid sa daan. Nasa malapit na plaza si Adelene dahil alam n'yang doon maghihintay si Kiel at ang Yaya nito sa kanya. Maaga pa naman nang dumating s'ya at hindi n'ya pa nakikita ang apo at ang Yaya. Kaya naisipan n'yang hintayin na lamang sila at naisipang humanap ng bench na mauupuan. Nakapwesto na si Adelene habang patingin tingin sa mga dumadaan.

TINAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon