Kabanata BenteQuatro

Magsimula sa umpisa
                                    



Hinarap ko siya.



"Oo naman! A, nga pala, congrats dun sa baby a? Balita ko, ikaw daw ama nung pinagbubuntis ni Julia?" tanong ko sa kanya habang pinipigilan umiyak sa harap niya.



"Ha? Anong ama? Anong buntis?" tanong niya.



"Ano ka ba? Buntis si Julia! Kaya siya nagsuka kanina! Ikaw daw ama. Be a good father and husband a? Wish you all the best," sabi ko sa kanya habang pinapat ung shoulders niya.



"Teka, mistake lang 'yun. Hindi pwede. Hindi ko pananagutan ung bata!" sabi niya.



"WAG! Panagutan mo yun! Anong gusto mo? Lumaki na walang tatay yung bata?! DeeJ, alam ko kung paano ang walang tatay! Masakit!" sabi ko.



"Pero, Kath, hindi ko mahal si Julia. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang at walang iba," sabi niya.



"Ano? Ha-ha-ha. Wag ka nga manggood time! O ano? Una na ako a?" paalam ko. 



"Pero, Kath! Ikaw talaga! IKAW LANG! Bakit ba hindi ka maniwala?!" tanong niya.



"DeeJ, hindi na pwede. Hindi na tama. Si Julia na lang mahalin mo, please. Para sa bata," sabi ko kahit labag sa isip ko.



"Kath, bakit ba pinagtatabuyan mo ko? Mahal mo naman ako diba?" tanong niya.



"Hindi, DeeJ, hindi kita mahal." 



Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Kung alam mo lang. Dapat mo pa bang malaman?



"Nagsisinungaling ka lang diba? DIBA?! Alam kong nagsisinungaling ka! Nararamdaman ko yon!"



"Well, mali yang nararamdaman mo," sabi ko.



"Siguro naman, hindi ka na magsisinungaling kapag natapos 'to," sabi niya tapos hinalikan ako.

The Super FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon