CHAPTER 57

5.4K 80 4
                                    

Isabel's POV

I look at Alexa's cellphone in her bag. At ng makita ko yon ay agad kong hinanap ang number ni Lander.

To Lander:

Please come here, Lander. Magpapakamatay ako kapag hindi ka pumunta dito. Come here in my condo at 8 ways condominium.

Pagka-send ko non ay hinanda ko na ang plano ko sa pagdating ni Lander. Oo, desperada na ako. Kaya hindi ko hahayaan na maging masaya si Shelby. Siya ang dahilan lahat ng paghihirap ko. Siya ang dahilan kung bakit hindi na ako mahal ni Caiden ngayon. At siya ang dahilan ng pagiging miserable ng buhay ko.

Sorry na lang Lander kung kailangan ka pang madamay sa paghihiganti ko. Pero hindi ako makakapayag na tuluyang maging maligaya ang asawa mo. Kung magulo ang buhay ko, dapat mas magulo din ang buhay ng babaeng yon.






-----------------------------------------------------





Lander's POV

Im about to go home when I receive text message from Alexa.

From Alexa:

Please come here, Lander. Magpapakamatay ako kung hindi ka pupunta dito. Come here in my condo at 8 ways condominium.

Napakunot noo naman ako sa text niya. Ano na naman bang pakulo ito ni Alexa? Ganito na ba talaga siya kadesperada? Hindi ko inaasahan na magiging ganito siyang tao.

Hindi ba niya maintindihan na mahal ko si Shelby? Na kahit anong gawin niya, hindi niya kami mapaghihiwalay. Hindi ba niya ma-gets yon?

Pero paano kung totoo ang pagbabanta niya? Paano kung magpakamatay talaga siya? Konsensya ko yon kapag nagkataon. Dahil sakin, kaya siya nagkakaganito. We have to end this. Kailangan ko siyang kausapin at paliwanagan na hindi kami pwede. Na hanggang kaibigan lang talaga kami.

Naglipit na ako ng gamit at nagmadaling lumabas ng hotel. Hindi na ako nagpaalam kay Phoemela dahil sa pagmamadali. I need to save Alexa. Sana hindi pa ko huli.

Nang makarating na ako ng condominium na tinext niya ay agad akong nagtanong sa receptionist.

" What floor is Ms. Alexa Rui Uy's room? "   agad kong tanong sa receptionist.

" 3rd floor sir, room 24-C. "



Pagkasabi niya non ay tinungo ko na ang elevator at agad nagpunta sa condo ni Alexa. Nang makarating ako don ay agad akong kumatok. Pero kahit ilang beses na akong kumatok ay hindi parin siya sumasagot.

Hindi kaya?!? No! Hindi pwede Alexa...

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang madilim na condo ni Alexa. Wala akong makita. Hahanapin ko na sana ang switch ng ilaw ng bigla akong matumba.

Ang sakit! May humampas sa ulo ko at ramdam ko ang impact nito. Padapa akong napahiga dahilan para hindi ko makita kung sino man ang gumawa nito sakin. Nakakaramdam na ako ng hilo. Nananakit na ang ulo ko at parang gusto ng pumikit ng mga mata ko.






----------------------------------------------------






Kanina pa ako paikot-ikot dito sa sala sa sobrang inip. It's almost midnight pero wala parin si Lander dito sa bahay. Tumawag na ako kay Phoemela pero ang sabi niya ay kanina pa nakaalis si Lander sa hotel. Ngayon ay nag-aalala na ko na baka kung anong mangyari sakanya.

" Ate Shelby, magpahinga na po kayo. Ako na lang po ang maghihintay kay Sir Lander. "   suhestyon ni Cecile.

Tumigil naman ako sa paglalakad. " Okay lang ako, Cecile. Sige na, magpahinga ka na. Ako na ang bahalang maghintay sa sir mo. "

Love Contract ( COMPLETED ) ( On Edit )Onde histórias criam vida. Descubra agora