Rafael's pov
Kung babalikan ko ang simula, wala talagang dahilan para isipin na magiging mahalaga iyon. Masasabi kong wala talagang espesyal.
Walang kakaiba.
Walang anumang dapat pagtuunan ng pansin.
Walang kakaibang pakiramdam.
Walang biglang pagbagal ng oras.
Walang linya sa isip ko na nagsasabing may mangyayari dito.
Nakilala ko si Amara dahil sa kuya niya - si Miguel. Magkaibigan kami. Madalas ako sa condo niya. Doon ako nag-aaral, minsan doon na rin ako natutulog kapag ginagabi. Sanay na rin ako sa lugar at ganun na rin sa pauulit-ulit na routine nito.
"No." sambit ko ng subukang lumabas ni Enzo - pusa ni Miguel nang makapasok ako sa condo nito.
Nang mahubad ko na ang sapatos ko ay napansin ko ang isang sapatos na malamang sa malamang ay hindi akin at mas lalong hindi rin kay Miguel. Maliit. Maayos ang pagkakapwesto. Hindi ko na masyadong pinansin.
"Saan ka?" sinundan ko si Enzo at dinala naman ako nito sa mukhang may ari nung sapatos.
Nasa sala ito, nakaupo sa sahig, may hawak na libro. Hindi siya tumingin kaagad sa gawi ko. Nang magtama ang tingin namin ay tumango lang siya. Walang ngiti.
Napatingin naman ako kay Miguel nang lumabas ito sa kwarto niya. "Uuwian mo pala ako." pabiro nitong bungad sa'kin bago tumawa at lapitan ang babaeng nakaupo sa sahig.
"Si Amara pala," aniya bago ito abutan ng tali. "Dito muna siya, panget ng mood ng mga magulang namin eh."
Tumango ako. "Sige."
"Julian," sabi ko. Walang dagdag.
"Alam ko," sagot niya nang wala man lang kaemo-emosyon sa mukha. And it's not like I'm expecting one.
At walang nang sumunod matapos nun.
Hindi ko na tinanong kung bakit siya naroon. Hindi rin kung hanggang kailan. Hindi ko ugali ang magtanong ng mga bagay na kusang ibinibigay naman ng oras. Kung pansamantala, lilipas. Kung hindi, saka ko na lang malalaman.
Sa mga sumunod na araw, mas madalas ko siyang makita. Hindi dahil hinahanap ko, kundi dahil iisa lang ang lugar kung saan siya natambay. Minsan nasa kusina siya sa umaga. Minsan nasa kwarto ni Miguel. Minsan nasa sala, tahimik lang. Nagbabasa ng libro o kaya nilalaro si Enzo.
Hindi siya maingay.
Hindi rin mahirap pakisamahan.
Kung tutuusin, mdali siyang hindi pansinin.
Kapag nagkakasabay naman kami, nagbabatian lang. Kung may tanong siya, sinasagot ko. Kung wala, tahimik lang. Wala kaming mahabang usapan. Wala ring dahilan para magkaroon.
Napansin ko iyon - hindi bilang interes, kundi bilang obserbasyon.
Hindi rin ako nagkukuwento tungkol sa sarili ko. Hindi rin siya nagtatanong. Pareho kaming kontento sa limitasyon ng usapan. Walang kailangang ipaliwanag.
Mas gusto ko ang mga ganung tao. At ganun si Amara.
Alam ko kung saan ako lulugar. Kaibigan ko ang kuya niya. Mas bata siya sa akin, mga limang taon ayon sa kwento ni Miguel. At malinaw sa akin na hindi lahat ng presensya ay nangangailangan ng reaksyon.
Kaya tinrato ko siya nang naaayon. May distansya. Walang personal na relasyon. Walang kilos na pwedeng ipakahulugan nang iba. Kung magbibiro si Miguel tungkol sa'amin, hindi ko na ito pinapatulan. Hindi ko rin kinokontra. Hindi naman mahalaga.
Sa panahong iyon, si Amara ay bahagi lang ng paligid.
Parang mesa sa sala.
Parang extra na upuan.
Naroon, pero hindi sentro.
Hindi ko rin napansin kung kailan ako nasanay sa presensya niya. Hindi iyon isang desisyon. Mas katulad lang ng pagkasanay sa tunog ng orasan - naririnig mo sa simula, tapos hindi mo na iniisip.
Alam ko kung anong oras siya umaalis. Alam ko kung aling tasa ang ginagamit niya. Alam ko kung kailan siya wala. Hindi dahil mahalaga, kundi dahil paulit-ulit.
Mga detalyeng walang bigat.
Kung may pagbabago man, sobrang banayad. Walang malinaw na sandali na pwede kong tukuyin. Wala ring pakiramdam na nagsasabing may dapat akong pag-ingatan. At kung may pagkakataong nag-uusap kami nang kaming dalawa lang, hindi iyon espesyal. Karaniwan lang. Tungkol sa school. Tungkol sa oras. Tungkol sa mga bagay na madaling tapusin.
Hindi ako nag-iwan ng espasyo. Hindi rin siya humingi.
At ayos lang iyon.
Kapwa kami nakatambay ngayon ni Miguel sa terrace ng kwarto niya. "Rafael," nilingon ko ito bago inuman ang bote ng alak na inabot nito sa'kin.
"Okay lang ba sayo kung...magtagal si Amara sa condo?"
Tumango ako agad. Hindi ko pinag-isipan. Wala naman akong dahilan para hindi pumayag. "Ikaw may-ari ng condo, kapatid mo rin siya," muli kong tinanaw ang labas. "Sino ako para tumanggi."
"Am I not your husband at this point?" pabiro nitong sagot kaya muli ko siyang tinignan.
"Mas madalas mo kong uwian kesa sa sarili mong bahay" dagdag nito bago inuman ang sariling alak.
"I'm the wife?" tanong ko na agad nitong ikinatawa. "What makes me the wife huh?"
"At bakit? Mukha ba kong bottom to be the wife?!" pasigaw nitong tanong.
Naibuga ko naman ang alak sa bibig ko nang makitang tumango si Enzo na nasa hita nito. "Even your cat agrees." saad ko habang pinupunasan ang labi ko.
"Kuya" napatingin ako sa may pinto nang marinig si Amara.
Agad na tumayo si Miguel at pinagbuksan ng pinto ang kapatid. Nanatili ang tingin ko sa dalawa sa sandaling iyon.
Noon, wala akong opinyon tungkool doon - sa pananatili nito. Wala rin akong inaasahan.
Kung babalikan ko ngayon, malinaw sa akin na wala pa talagang kahit ano sa simula. Wala akong hinahanap. Wala akong iniiwasan. May isang taong dumaan sa buhay ko sa paraang hindi nangangailangan ng interpretasyon. At iyon ang dahilan kung bakit hindi ko agad napansin ang anumang pagbabago - dahil sa una, wala naman talagang dapat mapansin.
Ang alam ko lang noon ay simple:
May isang taong pansamantalang nakatira sa iisang espasyo na ginagalawan ko. At balang araw, aalis din siya.
Hindi ko inisip kung ano ang mangyayari pagkatapos. Hindi ko rin inisip kung may mawawala.
Sa simula, Wala talagang kahit ano. At minsan, doon nagsisimula ang mga bagay na hindi mo inaasahan - sa panahong sigurado kang walang namang nangyayari.
"Did you reached out to her?"
Napatingin ako kay Miguel dahil sa sinasabi nito. "Her?"
Tumango ito bago inuman ang alak. "Her." paglinaw nito bago ako tingnan.
"No." sagot ko. Mabilis at walang pag-iisip na kailangan.
Muli ko siyang tinalikuran. "You don't reached out to people who broke you,"
"That's stupidity."
Maria Luna | Crescent
YOU ARE READING
Forget Me Not
RomanceHe loved her quietly, believing silence was kindness-until he realized too late that love also requires courage. Julian Rafael has always believed that love should be careful. As a law student bound by discipline and unspoken rules, he keeps his lif...
