I know I'm already late pero tinuloy ko padin ang pagpasok ko sa classroom. Sabi nga nila "better late than never" diba? pero parang hindi ako swineswerte ngayon dahil... bigla akong napahiya at napasigaw sa may pintuan dahil may naapakan akong balat ng saging dahilan kaya nadulas ako at natapon sa'akin ang milktea na hawak ko. Napatingin naman lahat ng tao sa loob sakin na may masamang titig
3 minutes late palang naman ako eh at ang alam ko kasi ay malalate din naman ang professor namin kasi last meeting late naman sya ng 10 minutes na pumasok pero laking gulat ko nung nakita kong may tao pala na nasa harapan, hindi ito ang professor namin na nakita ko before pero masama ang titig nito sa'akin na para bang sobrang bigat ng kasalanan ko
"Are you going to enter or not? You just distracted the whole class" masama padin na titig nito habang humahakbang palapit sa'akin ng naka halukipkip
"Sorry po, maghuhugas po muna ako" ang tanging nasagot ko mula sa sinabi nya. Napaka strikto naman nya! Nakita nya namang nadulas ako dun tas natapos sakin yung milktea tas tatanungin nya kung papasok ako? Di manlang ako tinulongan na tumayo!
"do it faster miss or wala nakong choice kundi ipa-absent ka" sabi nito. Aba!
Pagpasok ko uli sa classroom itinuro nya sakin ang upuan ko at natuwa ako nung natabi ako sa best friend ko
Iniba pala nila ang arrangement of chairs ng students last meeting. Ang magkakatabi dati ay lalake at babae pero ngayon ay mixed na
"sino yun? New professor?" tanong ko sa kaibigan ko
”hindi” matipid na sagot nito habang naka taas ang kilay
"eh bat ganun? parang kung sinong tao umasta!" galit na bulong ko pero wala iyong sagot kaya muli akong nagsalita
"oh ano na naman ginawa ko?" tumaas nadin ang kilay ko dahil sa pagsusungit nya
"namumula ka" sabi nito na natatawa
"malamang! napahiya ako dahil sa balat ng saging na yun, kung saan saan ba naman nila tinatapon! Late nanga ako tapos mapapahiya pa!" mahinang bulyaw ko sakanya
"are you discussing something there miss? Mind to share it with us? para naman hindi lang kayo yung nakaka alam ng pinag-uusapan nyo" napatingin ako sa likod ko pero nakatingin sa'akin yung mga nasa likuran ko kaya tumingin din ako sa harap pero lahat sila naka tingin din sakin, so ibig sabihin para sakin yung sinabi nya?
Wala nabang mas mamalas pa sa buhay ko? Andami ko ng kahihiyan na ginawa ngayong araw
"listen" he cleared his throat to grab all their attention
"so since some of you are new here, let me explain the rules and regulations dito—this school is all about teamwork especially to you Class D, grading system here is all about points, kung ilang points ang macocollect ng isang class ay dun naka depende if deserve nyo ba tumaas o hindi, and class points will be check every month, class A ang pinakamataas dito and once na may mag drop in this class lalo na at Class D palang kayo everyone will fall apart, kaya I’m here to encourage you al to cooperate with everyone para maka punta kayo sa class A, since this school's administration is consist of 4 sections, teamwork is a must for everyone" sabi nito at tumatango tango naman ang mga kaklase ko kaya nakitango nadin ako na para bang naiintindihan ko lahat kahit wala akong naintindihan
Pagtapos nya magsalita umalis nadin sya kaya malaya nakong makipag usap sa kaibigan ko
"so sino nga yon?" pagsisimula ko
"crush mo?"
"tinanong lang crush na agad? Wala! nabwibwisit lang ako sakanya, pinahiya ba naman ako pero kasalanan ko din naman"
ESTÁS LEYENDO
The Mind Maze Chronicles
AcciónPoints - Teamwork - Commitment - Knowledge - Determination must equip! In a school where grading system is not all about grading scale nor percentage, and not just focused on how intelligent a student is. Every student should work together to gain...
