Umiling na lang ako at nag pose na. I heard this was for a billboard in Paris kaya ginalingan at sinarapan ko talaga! Dream country ko kaya 'yon, andon din kasi 'yung base ng XL.
Biggest rival ng Chanel 'yon eh, minsan kasi XL ang most valuable pero minsan na totop din ng Chanèl. Kaya hindi ko maintindihan kung paano ako nakapasok sa Chanèl sa first booking ko.
"Wrap up." pang gugulat sa akin ni Mr. Lim, napansin yatang tulala ako. Medyo kinakabahan kasi ako. Dumiretso na lang ako doon sa mga upuan at naupo doon sa gilid. Overwhelming pa rin naman 'yung binabati ako ng mga tao kapag dadaan o kaya nag papa picture sa 'kin, pero nasasanay naman na ako ng kaunti.
"Are you nervous?" someone suddenly asked. I looked up and wasn't surprised to see Mr. Lim anymore, nasanay na ako sa presensya niya. Nginitian ko lang siya at tumango, hindi nagsasalita.
"'Wag, I know you'll do great." mahinang saad niya, almost a whisper. At umalis na lang bigla.
Gulat na gulat pa rin ako. Hindi dahil sa encouraging words niya, dahil 'yon sa nag tagalog siya. Hindi ako makapaniwala na marunong pala siya mag tagalog.
At bakit ba ang hilig niya mag walk out? Siya lalapiy sa akin tapos siya din ang mag wawalk out! Napaka bastos naman. Umiling na lang ako at naglakad na papunta sa changing room para mag bihis na ng susuutin ko mamaya. I was wearing something na irerelease pa lang.
It was a white long sleeve na parang may sleevless dress na itim na nakapatong sa white sleeves, may collar pa na tela sa leeg, hindi ko alam ang tawag.
May kasama 'yon na anim na parang necklace na mag kakaiba ang length, may bag din na add ons black and white polka dots.
Tapos ang pinasuot niyang footwear sa akin ay boots. The combination of color and patterns plus jewelries were exquisite.
My makeup this time was a bit different, it had a dark aura. I heard it was requested by Mr. Lim kasi 'yon daw ang bagay sa outfit. And he wasn't wrong. Natulala ako sa sarili ko ng makita ko. Mukha akong doll.
"Ready? You're up next." Mr. Lim suddenly spoke from behind. I was already in the line but I was shaking my shit off. "You'll do great, Mahika."
Somehow that little encouragement boosted my confidence because when I walked through the runway, I felt like I was the only one in the room. Announcement na at laking gulat ko ng tawagin ang pangalan ko as 'Best runway show' and 'Best runway look'.
"Congratulations." salubong kaagad sa akin ni Mr. Lim. Mas nagulat pa ako noong makita siyang naka ngiti, kaya mas napangiti ako. It was a rare sight to see.
I immediately texted my friends about the celebration. Mr. Lim said that he already booked a lounge at Vivs for the crew, staff and my friends. I think he invited his friends din, because when I arrived I saw breathtaking men wearing formal attires.
Baka dito ko na mahanap ang forever ko!
Dali dali akong nagpasalamat kay Kuya Azi at dire diretso ng pumasok sa loob ng Vivs. Sabi kasi nila Ciara ay andon na daw sila sa loob, sa VIP lounge.
Nag lakad lakad lang ako, naliligaw na. Paano eh hindi ko mahanap ang VIP lounge. "Hi, are you lost?"
I looked at where the voice was coming from and it came from an unfamiliar face. I raised my brow. "Who are you?"
He laughed like I said something funny kaya napa kunot ang noo ko. When he saw me, he suddenly stopped laughing and stood up straight. "Relax, madam. I'm Axel's brother, Lex. I was just gonna congratulate you but you looked lost."
My eyes widened in horror. Bakit ko naman mina maldita 'yung kapatid ng boss ko?! Kailangan ko na talaga ilugar ang ugali ko. "Oh my God, I'm so sorry!"
"Lex?" I heard a man call out. I turned around to see who it was but it was a familiar face this time, parang nagkita na kami. "Ikaw nga. Is this your girlfriend?"
"Oh, no, no!" I quickly defended myself, hindi na mapakali. I heard Lex's laugh. "Sumabay ka na sa amin. Doon din ang punta namin sa lounge."
Iisa lang ang binook niyang lounge? Kasya ba aming lahat doon? Naguguluhan tanong ko sa sarili ko. Pero napansin kong paalis na sila Lex kaya agad agad akong tumakbo para humabol.
We walked for about 7 minutes and stopped at a big door. "Bakit ang laki?" nagtatakang tanong ko. At ng buksan ni Lex yung pinto ay napanganga sa laki. Kaya pala isang lounge lang, Sobrang laki kasi.
Mayroong bar doon sa right side habang sa left side naman ay kung tama ang bilang ko eh 7 couches 'yon. Tapos sa gitna ay may dance floor pa at sa dulo noon eh may DJ.
Habang nag titingin, na kita kong papalapit na sa akin sila Cia kaya nanatili na lang ako don. Tinignan ko sila Lex at hindi pa sila pumapasok sa loob. "'Di kayo papasok?"
"Hindi mo naman sinabing gusto mo pala ako kasama. Ito na, papasok na." pang gaga go sa akin ni Lex. Inirapan ko lang siya at akmang hahakbang ng yakapin ako bigla ni Isla.
Si Cia lang ang kasama ni Isla, baka nasa couch sila Allistair. Napa kunot ang noo ko ng makita si Cia na nakatingin sa akin, gulat na gulat.
Tinignan ko ang gilid ko at walang nakitang tao kaya tumingin ako sa likod ko at ang nakita ko ay 'yung kasama ni Lex kanina. Napa isip ako ng malalim at biglaan may na realize. "Gago, Cia-"
'Di ko na na tapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong hinila papunta sa couch. Ngayon ko lang naalala, kaya pala familiar.
Ginago gago na lang namin si Ciara. Habang si Aiko ay seryosong seryoso lang sa binabasa niya, she's back to her habits.
Hindi ko na sinobrahan ang inom ko dahil nakakahiya naman malasing dito, puno ng mga tayong elegante at may etiquette. Kaso itong si Ciara, walanghiya, sinagad sagad na naman ang sarili.
Hindi ko na mahanap si Ciara na kanina pa takbo nang takbo, hiyang hiya makita si Arx, 'yung tropa ni Lex. Sa sobrang pagod, naupo muna ako doon sa bar side. "One shot of vodka, please. Thank you."
"Well you look tired, madam." I rolled my eyes upon hearing the voice. Kanina ko pa lang nakilala 'tong si Lex pero inis na inis na agad ako sa boses niya. "P'wede bang manahimik ka muna?"
He just laughed and continued talking nonsense. This guy, really. "Oh, by the way, I saw your friend."
I looked at him with eyes wide open. "Where is she?!" Nagmamadaling tanong ko. He just shrugged, completely ignoring me! Sa sobrang inis ay nabatukan ko siya bigla.
"Aray, naman! Kinuha na ni Arx, pina kalma niya." sagot ni Lex ng maramdaman ang batok ko sa kanya. "Gago kaba? Hindi p'wede! Asaan sila?!"
"Aba, malay ko. Baka inuwi na ni Arx." saad niya na may ngiti, at tumawa pa talaga. Akmang mag sa salita na ako ng may maramdaman akong malamig na presensya.
"Oh, kuya!" natatawang sabi ni Lex na para bang may nakakatawa sa mukha ni Mr. Lim. Tinasaan lang siya nito ng kilay. "Why are you here?"
"You were the one who invited me 'di ba?" tanong pabalik ni Lex sa kuya niyan naka crossed arms na ngayon at seryosong nakatingin kay Lex. "I mean, why are you HERE."
Lex just laughed and put his hands up, at naglakad na paalis. Ako naka upo pa rin doon, hindi na alam ang gagawin dahil sobrang awkward na.
Sobrang tagal naming walang imik ng mapag desisyonan kong bumalik na sa couch. Pababa na ako ng upuan ng bigla siyang nag salita. "Lasing ka ba? No, maglalasing kaba?"
Tumingin ako sa kanyang naka kunot ang noo at umiling.
"Well that's sad, akala ko kailangan na naman kitang ihatid." saad niya at naglakad na paalis.
______
___________
_________________
>~<
YOU ARE READING
All In, All Yours ( Exception Series #1 )
RomanceShe climbed her way up into modeling because her father refuses to help her, thinking she was wasting her time on modeling - Hyun Yuan Lim on the other hand, offered her to be his model, the moment that he saw her. Though she just debuted with almos...
CHAPTER 5
Start from the beginning
