Kumurap-kurap siya at pinag-igi ang pagtitig sa mukha ng lalaki. Sa liwanag ng buwan ay inaninag niya itong maigi. His eyes were deep and dark as the night itself. Katamtaman ang tangos ng ilong nito, hindi masyadong prominente ang jawline. And his mouth... pamilyar sa kanya ang tabas n'yon. Hindi siya maaaring magkamali.

"S-silvestre?" bulalas niya sabay pahid ng basang buhok palikod.

"Antonia?" bulalas din nito. Saglit siya nitong tinitigan saka tumuwid ng tayo. Animo'y nagbago ang isip sa balak na pag-aalay sa kanya nitong umahon.

Hindi pa rin nagbabago ang buwisit na lalaki. Allergic pa rin ito sa kanya.

Napasimangot siyang humawak sa isang bato. Sira na ang kanina'y perfect night niya. Akmang bubuwelo siya upang umahon nang maalala niyang naka-underwear lamang pala siya.

No way na makikita siya ng lalaking ito sa ganoong ayos. Well, marami nang mga lalaki ang nakabista sa kanyang katawan sa tuwing naka-bathing suit siya't nagsu-swimming sa sportsclub, pero one-piece bathing suit lagi ang suot niya. At ngayon ay skimpy lacy Victoria's Secret ang suot niyang bra at panties. Basa pa.

"Need help?" offer nito makaraan ang ilang saglit. Muli nitong inialay ang isang kamay sa kanya, sabay yuko at lapat ng isang palad sa tuhod nito.

"No, thanks," flat na sagot niya na nagpadilim yata sa mukha nito. Animo'y nilubugan ito ng araw— err, buwan sa maaliwalas na gabi.

"Okay," mas flat na sabi nito. Hindi ito tuminag sa posisyon, wari'y wala itong balak iwanan siya doon.

At nilalamig na siya.

"O, ano pang ginagawa mo? Ahon na," parang utos pa nito.

"Ano bang pakialam mo kung ano ang gusto kong gawin dito? Know what, lagi ka na lang panira sa moments ko sa ilog na ito. Bakit, pag-aari mo ba ito?" pagtataray niya.

Pinaningkitan lamang siya nito ng mga mata.

She gritted her teeth. Wala pa ring pagbabago. This beast was still getting to her nerves big time.

Sa desperasyon ay naihampas niya tuloy ang dalawang kamay sa tubig.

Tumawa naman ng pasarkastiko si Sly. "What, nahihiya kang mabunyag sa mga mata ko ang halos hubad na katawan mo? Ako yata ang dapat sumita sa iyo kung pag-aari mo nga ang ilog na ito. Kasi kung umasta ka ay parang bawal ang ibang taong pumarito."

Mapang-uyam ang boses nito, puno ng disgusto. At hindi niya iyon nagugustuhan. Ang buwisit na lalaking ito lamang ang may kakayahang insultuhin siya nang ganoon.

Well, then screw you, beast!

Nang hindi pa rin ito tumitinag doon ay nagsalita na siya. "Alright," she said in her soft, sweet voice. A voice of surrender.

She stretched out her hand on him, na hinawakan naman nito agad nang makita ang pagsilay ng isang matamis na ngiti mula sa kanyang mga labi. Pero hindi nito alam ang talagang balak niya. Buong-puwersa niya itong hinila.

Anlakas ng tawa niya nang lumagapak ito sa tubig. Narinig niya ang putol na pagmumura nito ng F word bago ito bumagsak sa tabi niya.

"You crazy woman," asik nito sa kanya nang maiahon nito ang mukha mula sa tubig. Halos one foot lamang ang distansiya nila mula sa isa't-isa.

Humina ang kanyang tawang-panalo. Hindi niya naiwasang mapatingin sa basang mukha nito, tingin na nauwi sa pagtitig. Hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sariling hindi na tumatawa kundi dinadama ng kanyang pakiramdam ang presensiya ni Sly sa kanyang harapan.... Mula sa basang buhok nitong bahagyang kumislap sa tama ng sinag ng bilog na buwan, sa mga mata nito... He looked mystifying, like the river. And his smell, so fresh and clean like the Alava outdoors.

Sa pagtataka niya'y animo'y ganoon din ang ginagawa nito sa kanya, binubusog ang paningin sa kanyang basang mukha, sa kanyang leeg pababa sa kanyang bare shoulders na naka-exposed mula sa tubig.

Hanggang sa may kumislap na liwanag mula sa di-kalayuan sa kanila. Liwanag ng flashlight, she thought. Naulinigan rin nila ang mga papalapit na yabag at mga boses, papalapit ang mga ito sa kinaroroonan nila. Nakaramdam siya ng panic. Ayaw niyang may makakita sa kanyang ibang tao doon na ganoon ang ayos, at may kasamang lalaki sa tubig na halos kadikit na ng kanyang katawan.

Natatarantang napatingin siya kay Sly. Naunawaan naman nito ang facial expression niya. He held her close to him, na para bang pinuprotektahan siya. He dragged her to the nearest big rock na naroroon at nagkubli sila sa dilim. Dama niya ang lamig ng bato sa kanyang likod ngunit nagdudulot ng init ang pagkakayakap sa kanya ng lalaki. A strange warmth that was starting to invade her senses.

Napigil niya ang hininga nang tumigil ang mga yabag malapit sa kanila. Tatlong boses ng mga kabataang lalaki ang narinig niyang nag-uusap.

"Mga 'tol, may nakaiwan ng damit dito, o."

"Labada sigurong pinapatuyo, nakalimutang kunin ng may-ari."

"Akin na lang ang mga ito. Kasya ito sa syota ko. Kita n'yo, seksi ang shorts na ito."

"Tado! Pagnanakaw 'yang gagawin mo."

"Hindi, ah. Pulot ang tawag dito. Sino naman kasing tangang babae ang nag-iwan sa mga ito dito?"

She couldn't help but scoff sa huling dialogue na narinig niya, maagap namang itinakip ni Sly ang isang palad sa bibig niya, lalo pa nitong idinikit ang sarili sa kanya. He was almost crushing her againts the rock. But surprisingly, she didn't mind it at all. She was even... loving it.

Hanggang sa umalis na rin doon ang tatlong binatilyo, dala-dala ng isa ang kanyang mga damit.

"Damn it," mariing mura niya nang humiwalay sa kanya si Sly. She then asked herself, napamura ba siya sa pagkawala ng mga damit o dahil tapos na ang pagdidikit ng mga katawan nila ng binata?

Ah, screw me. Bakit ba siya nagpapaapekto nang ganito sa lalaking ito?

"Let's get out of here. Baka ang susunod na paparito ay mga kalahi na ni Edward Cullen. I'm afraid hindi kita kayang itago sa kanya," anito, hinawakan ang isang kamay niya't iginiya patungo sa pangpang.

"Ipapakagat muna kita," sabi niya naman.

Hindi na siya tumanggi nang iahon siya nito. Awtomatikong nag-krus ang mga braso niya sa kanyang nakalitaw na balat sa pagitan ng dalawang maliliit na saplot. Nahihiyang yumuko siya.

"Here," pagkuwa'y anang lalaki.

Nag-angat siya ng ulo, nakita niyang piniga nito ang hinubad na dark t-shirt, iwinagwag saka iniaabot sa kanya.

Hindi niya napigilan ang mga matang mapatingin sa flat abs nito.At heto sila ngayong dalawa, half-naked sa ilalim ng buwan.

Hmn, sexy.

Sexy?! Tili niya sa isip. Ano ba itong pumapasok sa kukote niya?

"Wear this over your body," utos ni Sly.

"Thank you," mahinang sabi niya at inabot ang t-shirt at isinuot iyon.

May mga kabahayan nga silang madaraanan sa kanilang pag-uwi. Ayaw niya naman yatang maglakad sa gabi na naka-underwear lamang. And, thank God at sobrang oversized sa kanya ang t-shirt ni Sly. Hanggang hita niya ang dulo n'yon. Nagmukha tuloy big daddy shirt. And good thing iniwan niya ang mga tsinelas malapit sa tubig kanina, hindi nakita ng mga binatilyo ang mga iyon. Kung hindi, baka magpapaa siyang umuwi. Or, ipapahiram din kaya ni Sly ang mga tsinelas nito?

Wala silang kibuan na naglakad pauwi. Mahahalata ring pilit nilang iniiwas ang mga paningin mula sa isa't-isa. Tumigil sila sa likod ng bahay ng kanyang Lolo. Doon ay hinubad niya ang t-shirt ni Sly at ibinalik dito.

"Salamat uli," ani Toni dito.

"Okay lang. Kita na lang tayo sa Monday," paalam na nito at tinalikuran na siya.




END OF PREVIEW!!!

Complete story is in my VIP group. Kindly message my FB page if interested to subscribe. Marami pa kayong ibang stories na mababasa doon. May promo kami until December 20 na buy one, take one (250 for 2 months). Thank you. https://www.facebook.com/TheMandieLee

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Faking it (preview only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon