Chapter 3

72 5 0
                                        


END OF PREVIEW!!!


MUNTIK nang maibuga ni Sly ang nginunguyang pagkain sa bibig nang marinig ang sinabi ng kanyang ina sa gitna ng hapag-kainan. Magiging assistant daw niya si Antonia Olivares a.k.a Toni sa kanyang mina-manage na store, ang Green Gables.

Masasabi niyang ang Green Gables ang pinakamalaking outlet ng agricultural supplies sa buong probinsiya. They sell almost everything— mula farm/garden supplies, hanggang sa hybrid seeds at mga gamot sa hayop. Meron ding nursery sa tabi n'yon na kinaroroonan ng mga benta nilang saplings ng mahogany, teak, grafted mangoes, chico at iba pang mga puno.

Itinayo niya ang Green Gables matapos siyang maka-graduate ng B.S. Agriculture limang taon na ang nakararaan. Mas ninais niyang gamitin ang pinag-aralan sa negosyo kesa magsilbi sa gobyerno. Ayaw niya kasi ng may boss. Pero hindi naman niya tinatanggihan ang mga imbitasyon sa kanya ng local agricultural office na maging spokesperson sa mga seminars.

"'Ma, bakit 'di n'yo naman po ako kinonsulta man lang pagdating diyan? Hindi ko kailangan ang assistant doon."

May mga clerk na siya doon, si Sef, na nagsisilbing secretary na rin niya, si Nel na nakatoka sa sales and finances, at si Lucien. Well, part-time lang si Lucien since nag-aaral pa ito sa college pero masipag naman ito sa trabaho at nagagampanan nito ang tungkulin. Maaasahan din ang dalawa niyang receptionists. Isang dosena rin ang sales crew niya. Tatlo ang utility/messengers/drivers.

At nahahawakan niya nang mahusay ang negosyo. Hands-on siya dito. So, bakit pa niya kailangan ng assistant manager?

"Well, lumalago na ang negosyo mo," anang ina. "Sabi mo nga, soon ay mag-e-expand na kayo ng nursery and that you would sell ornamental plants as well. Dapat lang na magdagdag ka na ng tao mo."

Ngayon lang nakialam sa kanyang negosyo ang Mama niya. She was always easy on him, halos hindi siya nito pinapakialaman sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin sa kanyang buhay. Ni hindi ito nagbigay ng kahit kaunting hint na gusto siyang papasukin sa pulitika gaya ng kanyang namayapang ama. Maybe the Catindig blood was not that dominant on him. Hindi niya kasi pinangarap kahit minsan na maging pulitiko gaya ng marami sa kanyang kamag-anak sa father side. At alam iyon ng kanyang mother dear.

May-kaya sa buhay ang angkan ng kanyang ama. Stockholders ang ilan mga ito sa mga malalaking korporasyon sa bansa. Ang mga iba'y nagmamay-ari ng mga malalawak na lupain na ginawang farm o ranch. In fact kahit hindi na siya magtayo ng negosyo ay mabubuhay silang mag-ina sa iniwang pera at stocks ng kanyang Papa. Pero ayaw niyang maging idle. Isa pa, sa negosyo niyang ito'y marami siyang natutulungang magsasaka sa kanilang bayan. Mura lamang ang mga benta niya sa lahat ng produkto ng Green Gables. Pinapautang din niya ang mga maliliit na magsasaka ng farm supplies at binabayaran na lamang ng mga ito kung nakabenta na ng mga ani. So, kahit hindi man siya sumunod sa yapak ng mga Catindig sa public service, proud pa rin siya sa sarili niya na kahit paano ay mga maliliit na tao siyang natutulungan sa munting paraang alam niya.

"Well, sa sales crew ko po siguro, pero hindi ko kailangan ng assistant manager, Mama."

"I think you need one. Saka graduate ng Marketing si Toni, malaking tulong siya sa store."

Walang imik na itinuloy niya ang pagkain. Ayaw niyang makipagtalo sa ina. Miminsan lang ito kung kumontra sa kanya pero sinisiguro nitong hindi siya mananalo.

And then it hit him. As in nag-freeze sa ere ang hawak niyang baso ng tubig bago pa man niya ito naidikit sa bibig. Naalala niya ang narinig niyang usapan noon ng kanyang Mama at ang kaibigan nitong ina ni Toni. Ang kasunduang ipakasal sila ng babaeng iyon sa isa't-isa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 5 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Faking it (preview only)Where stories live. Discover now