Maaga silang mag-inang nag-dinner dahil may ballroom dancing daw sa isang club sa downtown na pupuntahan ito kasama ang kanyang Ninang Lorie. Niyayaya siya ngunit tumanggi siyang sumama. Hindi kasi talaga siya mahilig sa sosyalan.

Sa paglalakad ay nakarating siya sa tabing-ilog, doon sa kung saan namimitas siya ng bayabas the last time na pumarito siya sa Alava. It looked almost the same from her memory. Ilang taon na ba ang lumipas? Pito? Antagal na rin pala. May daddy pa siya noon. Well, technically, may daddy pa naman siya ngayon, umiwan nga lang sa kanilang mag-ina.

Ilang beses din siya nitong tinangka pang tawagan ngunit umiwas na siya. Nagpalit na rin silang mag-ina ng simcard ng cellphone. Para ano pa? It was like sprinkling salt to the wound. Mas ipinamumukha lamang sa kanya ng ama ang unfaithfulness nito kung nakakausap niya ito. Maybe magkakaayos din sila someday. Yeah, someday when the wound was already healed. Sa ngayon, ayaw niyang kaawaan sila nito. Sa ngayon, kailangan nilang masanay na mamuhay na silang dalawa lamang ng ina.

Shoot. She never thought na may pride din naman pala siya.

Umupo siya sa isang malaking flat na bato. She felt her fingers. Mahapdi ang mga iyon dahil sa pagkukusot niya ng mga damit kahapon. Nagkakakalyo na rin siya dahil kailangan niyang mag-igib ng tubig mula sa gripo sa likod-bahay. Sira kasi ang tubo ng pressure tank, actually, luma na pati ang tangke ng tubig, kailangan nang palitan iyon.

So yeah, magtatrabaho na siya para makapag-ipon ng pera para makapagpakabit na rin sila ng internet sa bahay at makabili na sila ng washing machine at bagong water pressure tank. Ayaw nilang galawin ang savings nilang mag-ina para sa mga iyon. Kailangan nila ng nakatabing pera just in case magka-emergency sila. Wala na silang matatakbuhan ngayon. Wala na silang maaasahan kundi ang isa't-isa.

Welcome to the real world, Antonia.

Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga.

Maya-maya'y lumingon-lingon siya. Hanggang ngayon ay wala pa ring kabahayan sa malapit sa parteng iyon ng ilog. It was just her, the trees and the calm water... such inviting cool water. Nagpasya tuloy siyang isawsaw ang mga paa sa tubig. Malamig iyon, nakaka-relax ng pakiramdam. Hanggang sa magsawa siya sa pagkukuyakoy lamang ng mga paa sa tubig. Gusto niyang mag-swimming.

Why not? Wala namang tao sa kinaroroonan niya. She could take off her clothes and swim with her underwear. Anong ipinagkaiba n'yon sa pagsu-swimming nilang mag-isa sa isang high-class sportsclub sa Manila?

Ginawa nga niya. Inilapag niya sa flat na bato ang mga kasuotan at itinira sa katawan ang ternong itim na maliliit na saplot. Lumusong siya sa tubig. Hanggang dibdib niya ang gilid n'yon. Lumangoy siya patungo sa gitna.

Napangiti siya habang nagpu-floating nang patihaya. She could see the rising moon over a hill. Kitang-kita rin niya ang mga bituing nag-uumpisa nang magsabog ng ningning sa kalangitan. Napakaganda ng gabi, it was enthralling her senses, soothing her wounded soul. And she never appreciated the night before. Not like this...

Hindi na niya namalayan ang pag-usad ng mga sandali. Ilang ulit siyang nagpabalik-balik sa paglangoy, ginawa ang lahat ng strokes na alam niya. Hanggang sa wakas ay makaramdam siya ng pagod. Nag-freestyle siyang bumalik sa pangpang, nang pag-angat ng kanyang ulo mula sa tubig ay may bumulaga sa kanyang isang anino.

Bubuwelo sana siyang tumili ng pagkalakas-lakas nang mag-"Hi" ang aninong iyon. Boses lalaki. Isang authoritative at confident na boses yet cold and seemingly unforgiving.

Pinahid ng kanyang mga palad ang tubig sa kanyang mukha upang mabigyang linaw ang paningin niya. Kahit bahagya itong nakayuko sa kanya, masasabi niyang matangkad ang lalaki.

"Aahon ka na ba?" anito sa kanya. There was something so familiar about his voice. Iniabot nito ang isang kamay sa kanya, balak yata siyang alalayan para umahon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Faking it (preview only)Where stories live. Discover now