Pinanlakihan tuloy siya ng mga mata. Seryoso ba talaga ang mga ito noon? Pero imposible. Likas na mabiro ang kanyang ina. So, hindi naman siguro parte ng kasunduang iyon ang paglipat ng mag-inang Olivares sa Alava. At mas lalong hindi isang hakbang para sa kasunduang iyon ang pagbibigay ng trabaho kay Toni ng kanyang Mama. Right?
I want to believe it is damn right.
Hindi niya type ang Manilenyang iyon. Ang arte ng accent, tunog sosyal. Saka ang lakas ng loob na tarayan siya noon samantalang napakaraming babae ang nagpapantasyang maging boyfriend siya— ang matikman kahit ang mga labi niya. Na sa kamalas-malasan ay binagsakan lang ng isang pasaway na babae mula sa itaas ng bayabas.
How could he forget that moment? First kiss niya iyon. Well, that was not really a kiss, was it? Dumapo lang naman ang mga labi nito sa nakaawang niyang bibig. Saktong-sakto. Ilang saglit ding nagdikit ang mga labi nila sa isa't-isa sa mga sandaling iyon dahil kapwa sila nagulat at hindi naka-react agad.
So, shit, yeah. It was like a real kiss after all...
He was always anticipating that he would give his first kiss to a very special girl— not to some girl na maarte na ibinagsak lang ng puno ng bayabas sa kanya.
Masyado daw siyang pihikan sa mga babae, sabi sa kanya ng ina niya. Wala pa siyang naging girlfriend. Hanggang dates lamang siya, madalang pang mangyari iyon dahil masyado nga siyang choosy pagdating sa mga girls. But, what could he do? Nagpapakatotoo lamang siya. Hindi siya katulad ng ibang mga lalaki na kahit posteng pinaldahan ay pinapatos. Mataas ang kanyang standards. Hindi siya basta-basta mapapaibig ng kung sinu-sinong babae lamang diyan.
"Sabi niya sa akin kahapon, this Monday na siya mag-uumpisa. So you better put an extra table on your office now," pakli ng kanyang Mama. "Be nice to her, Silvestre. Ayokong mabalitaang nagsusuplado ka sa inaanak ko."
Suplado. Narinig na naman niya iyon. Ilang ulit ba niyang itatanggi na hindi siya naman siya talaga suplado? Common misinterpretation iyon sa kanya actually ng ilang taong hindi nakakakilala sa kanya nang lubos. Hindi siya gaanong palasalita at palangiti kasi. Hindi rin masyadong active ang kanyang social life. Pero hindi siya suplado for God's sake. At naiinis siya pag ang mismong Mama niya ang nagsasabi sa kanya n'yon.
"Kung bakit ba naman kasi hindi ka nagmana—"
"Sa mahal kong ama na likas na charming sa mga tao, na palakaibigan, na laging tumatawa at ngumingiti," maagap niyang dugtong sa sasabihin ng ina. Memoryado na niya ang linya nitong iyon.
"O, hindi ba't totoo?"
Napangiti na lamang siya't nailing.
"O kita mo ba 'yang ngiting iyan, anak? Ang ganda ng mga ngipin mo, dapat idini-display lagi ang mga iyan. Buti pa si Totoy Puncher, ang lakas ng loob ngumiti kesa sa iyo."
Doon na siya natawa. Si Totoy Puncher ay kapitbahay nilang wala na ang four upper incisors ng ngipin, kaya naman kitang-kita ang gap sa pagitan ng dalawang canines nito pag ngumiti. Ayun, bininyagan tuloy ng mga tao ng Puncher dahil puwedeng bumutas daw ng papel ang mga pangil nito. Hindi naman ito napipikon. Tama nga ang Mama niya, proud na proud itong i-display ang ngiti nito.
"You should smile a lot, anak. Sayang ang gandang lalaki mo, nalulukuban ng makulimlim na hilatsa ng iyong pagmumukha," banat pa sa kanya ng ina.
Sadyang pinalapad niya na lang ang ngiti upang matigil na ito.
There. What's not to love about his mother?
MAALINSANGAN ang dapit-hapon ng Linggong iyon kaya naman naglakad-lakad sa labas ng bahay si Toni. Unti-unti nang nalalatagan ng dilim ang buong paligid kaninang naghuhugas siya ng pinggan. Yes, natuto na rin siyang maghugas ng mga pinagkainan. Nagpapaturo na rin siya sa ina para magluto. At pinag-aaralan na rin niyang maglaba sa kamay dahil walang washing machine sa bahay nila ngayon. Nagkasundo naman silang mag-ina na huwag nang umarkila pa ng labandera. She was thinking pag nakaluwag-luwag sila, maaari na nila arkilahin uli si Nana Salud para tulungan sila sa housechores.
YOU ARE READING
Faking it (preview only)
RomancePreview only. Complete story is in my VIP group. My 2nd story in PHR published eons ago. Haha! Light read Romcom Novella length
Chapter 3
Start from the beginning
