I Love You, Goodbye (One Shot Story)

121 2 0
                                    

[Just want to share a part of me.]

===============================

Wish I could be the one

The one who could give you love

The kind of love you really need

Wish I could say to you

That I'll always stay with you

But baby that's not me...

Whenever I hear this song I remember one particular guy. I undoubtedly loved him with all of me. I even saw myself spending the rest of my life with him. Yung tipong kahit maputi na ang aming buhok at uugod-ugod na kami ay magkasama pa rin kami, magkahawak kamay na nagkukwentuhan habang pinanunuod namin ang aming mga apo na masayang naghahabulan sa aming malawak na hardin.

I don't usually get smitten by my opposite sex, kahit pa sabihing ubod ito ng gwapo. But, this particular guy, ewan ko ba hindi naman siya kagwapuhan pero nakuha niya ang atensyon ko even without trying.

Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng kakaibang kaba, kasabay ng pag-iinit ng aking mga pisngi ng magtama ang aming mga mata. For the first time in history, I was rendered speechless in front of a guy. Daig ko pa ang namaligno, as in. Bigla tuloy akong naguluhan kung ano ang nangyayari sa akin. Mula ng araw na una kaming magkita ay naging laman na siya ng isip ko. Feeling ko nga, nagtayo na siya ng tent sa utak ko para dun magkampo. Para din akong timang na laging nag-aabang sa pagtunog ng messase alert tone ng cellphone ko. Sa pagsapit naman ng gabi bago ako matulog ay siya ang huling laman ng isip ko. Pati sa panaginip, jusme, hindi siya nagpapigil, siya pa rin ang bida. Ang end result, pagmulat ng mga mata ko sa umaga siya na agad ang unang papasok sa utak ko. Feeling ko daig ko pa ang nakulam. Kundi man ay nagayuma. Muntikan na tuloy akong magpatawas sa albularyo.

Gawd, I'm not used to this weird feeling. Hindi ako sanay na may isang lalaking gumugulo sa sistema ko. Buti na lang di na ako umabot pa sa puntong... Di na ako makakain at makatulog. Lalong lalo na ang magkapimples, hahaha!!! Oh my gulay! I can't imagined myself having pimples just because of a guy. Kung nagkataon pagtatawanan ako ng mga nakakakilala sa akin.

Ano nga ba itong nangyayaring ito sa akin?

Is this love at first sight?

I don't think so. Hindi kase ako naniniwala sa kasabihang yan ( kung kasabihan man yan, hehehe!). O, di vah! Bonggang bonggang denial queen ang peg ng lola ninyo. Di ko matanggap na maiinlababo ako sa kanya. Por dios por santo, wala ni isa man sa mga standards ko ang na-meet niya.

Ano-ano ba yung mga standards na yun? Well...

1. Ang gusto ko ay yung matanda sa akin ng 2-3 years.

2. Dapat isa siyang civil engineer.

3. Most importantly, yung wala na akong magiging byenan.

Alam ko may magtataas ng kilay sa pangatlong requirement ko. I know I'm weird. Well, that's who I am. Weird, funny, caring...o, mamya sabihin ninyo nagbubuhat na ako ng sarili kong bangko kaya, titigil na ako. No, seriously ang tagal kong nakipag-away sa sarili ko, until...

Oh. Em. Gee!!! I'm inlove!!!

Paano nangyari?

He won my attention the moment I witnessed how he cared for his sick mom. That gesture alone melted my heart. To hell with my standards!

Curious na ba kayo kung sino itong lalaking nagtagumpay na guluhin ang tahimik kong mundo?

He's name is Emmanuel. Manny to his family and friends. But for me, he will always be my PERA. He was the first guy whom I entrusted my heart. The very first man I gave permission to invade my comfort zone. The only man I allowed to be part of my life.

I Love You, Goodbye (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon