Epilogue

91 7 6
                                    

***

"Congratulations! It's a girl!"

Pagdedeklara ng doktora na nagpa-anak kay Jessica. Apat na taon na ang nakalipas simula nang nangyari ang pagsubok na dumating sa buhay nila Jessica at ni Ivan. Yes, sa huli ay pinili ni Jessica na manatili sa piling ng mga kaibigan niya, ang pamilya niya na kumupkop at itinuring siyang parang totoong anak nila at siyempre, sa piling na rin ni Ivan.

Nag-desisiyon siya na aalisin niya ang galit at poot sa puso niya. Instead, mamahalin at bibigyan niya ng pagkakataon si Ivan upang maipakita niya kung gaano ba talaga kamahal ni Ivan si Jessica.

FLASHBACK

"Please...stay...stay with us...stay with me..."

Napahinto si Jessica sa paglalakad. Ilang hakbang na lamang at papasok na siya sa pintuan ng liwanag. Nag-flashback bigla yung mga panahon na kasama niya ang mga kaibigan niya at ang mga panahon na nakasama niya si Ivan. Yung sabay silang umuwi at pumasok sa eskwelahan, yung pagtambay nila sa garden, yung pagkain nila ng street foods sa park, at yung halik nila sa isa't-isa na may halong pagmamahal. Tumingin siya sa likuran niya tapos, ngumiti ang ina niya at nagsalita.

"You can still go back, Euney. Hindi pa huli ang lahat"

Tumingin si Euney sa ina niya at ngumiti. "Ma, I've already decided"

***

Walang ibang maririnig kung hindi ang hagulgol at iyak ng mga mahal sa buhay ni Jessica habang naririnig nila ang diretsong tunong ng monitor na nagpapakita kung tumitibok pa ba ang puso ng pasiyente o hindi na. Ang mga nurses at doctor ay ginagawa ang lahat para sagipin si Jessica pero, hindi nila kinaya.

Time of death: 01:49am

Lumapit ang ina ni Jessica sa walang malay niyang katawan. Hinawakan niya ang kamay nito at nagsimulang umiyak lalo. Samantalang si Ivan naman ay tuloy tuloy na sinuntok ang pader hanggang sa nagsugat at dumugo ang kamao niya. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang pinakamamahal at sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari kay Jessica.

Pero maya-maya, biglang tumunog ulit yung aparato kaya napatingin silang lahat sa monitor at laking gulat nila nang nakita nila na gumagalaw ulit yung heartbeat sa monitor. Nagkaroon sila bigla ng pag-asa. Tapos biglang umungol si Jessica at unti-unting gumalaw ang kanyang daliri.

"Oh my God! Oh my God! Jessica, anak! Thank God you're alive! Salamat sa Diyos!" pasasalamat ng ina niya nang paulit-ulit habang umiiyak ito sa tuwa. Biglang tumakbo si Ivan papunta kay Jessica at niyakap siya. Nang naramdaman niya ang yakap ni Ivan, unti-unti niyang naidilat ang mga mata niya. Kahit pa hirap siyang ngumiti at magsalita, ginawa pa rin niya.

"I...van..."

"Ssshh..I'm here...I'm here, love"

Medyo natawa si Jessica ng mahina sa sinabi ni Ivan.

"I...I love you..." sabi ni Jessica. Nang narinig ni Ivan 'yun, nakaramdam siya ng kakaibang saya. Matagal na matagal na niyang gustong marinig ang katagang 'yun na galing kay Jessica dahil kahit kailan ay hindi pa siya sinasabihan ni Jessica na mahal niya ito.

"I love you more..."

Hinalikan ni Ivan si Jessica sa noo at sinabing, "Magpahinga ka na muna, mahal ko, okay?"

"Kinikilabutan ako sa'yo, alam mo ba 'yun? Nakakapanibago" nanghihinang sabi ni Jessica.

"Nanghihina ka na nga, kung ano-ano pang kalokohan ang pinagsasabi mo. Seriously, you're really crazy" sabi ni Ivan saka tumawa. Nakangiti ang lahat habang pinapanood silang dalawa. "Sige na, sleep ka muna" hinawakan ni Ivan ang kamay ni Jessica at sinabing, "I'll be right beside you. I'm not going to leave you..."

"This, I promise you..."

END OF THE FLASHBACK

***

Do you believe in miracles? Sila Jessica at Ivan? No, they don't. They don't believe in miracles. Well, maybe miracles do exist if you believe. But they believe more in the power of love. They believe that their hearts called for each other's that is why they survived their challenge. And now, here they are, having their happily ever after...

-THE END

✔️ Heart's CallWhere stories live. Discover now