34: HuliCam!

54 5 2
                                    

JESSICA

Sa dinami-rami ng pwede kong mapanaginipan, bakit yung lalaking 'yun pa? Bakit napanaginipan ko pa ang nakaraan ko? Ayoko nang makita ang pagmumukha niya pero ano 'to? Nakita ko siya sa panaginip ko? Hindi ko naman siya iniisip. Pero... Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako curious sa itsura niya. Ganun pa rin kaya ang itsura niya o nag-evolve na? Oh well, whatever. Erase! Erase! Hindi ko na dapat siya iniisip dahil past is past and it will never come back and I will NOT let him go back in my life again. Nadala na ako. Niloko niya ako. Ako naman itong si shunga, nagpauto naman.

First love, first heartbreak.

Ian... Teka, ano nga ulit last name niya? I forgot. Maybe because of what happened last four years nung first year highschool ako. I caught in an accident back then and after that accident, lumipat kami sa Cherry Valley at dun pinagpatuloy yung pag-aaral ko. The doctor said that some part of my memory is gone. Sana isa dun ay yung buwisit na yun but to my dismay, ang nalimutan ko lang ay ang last name niya. Nagbuntong hininga ako then bumangon na.

"Ui, gising ka na pala bessy. Good morning" bati ni bessy Claire.

"Ay hindi, tulog ako nang nakadilat ang mata habang nagsasalita" biro ko. "Morning din"

Inirapan niya ako pero tinawanan ko lang siya. "Ewan ko sa'yo. Aga-aga, namimilosopo ko" tapos, bigla siyang ngumiti na may kahulugan. "I bet, that's the cause of your blooming relationship with Ivan"

"Blooming relationship ka diyan? Walang something sa amin! I know that we... We like each other but nothing's going on between us, alright? "

"Eh bakit close na close kayo? Like a real couple? " patuloy na pang-aasar niya.

"Claire Saddie Dela Vega, for your information, matagal na kaming close ni Ivan. Natural na sa amin yun"

Then, kinuha niya yung phone niya tapos iniharap sa akin yung screen. Nanlaki ang mata ko sa gulat nang nakita ko kung ano ang meron dun.

"So, is this natural for you and Ivan too? "

CRAP! NAKUHAAN NIYA YUNG... YUNG... YUNG KISS NAMIN SA SEA SHORE KAGABI!

"Wha--?! Delete that!" utos ko sabay tayo mula sa kama. Tumakbo siya at hinabol ko siya para makuha ko yung phone niya at nang mabura ito. Mahirap na. Baka makita ng iba pa naming mga kaibigan. I don't want that to happen! Mabuti na lang at mabilis akong tumakbo. Nahabol ko siya tapos hinablot ko ang phone niya. Pagkakuha ko, binura ko agad yung picture at ngumiti ng tagumpay pero...

"Woops, I forgot to tell you that I sent that photo to Ivan" sabi ni bessie.

"Y-you're kidding, right?! Bestfriend ba talaga kita?! "

"Hindi naman siya nagalit so don't worry. In fact, nag thank you pa nga sa akin si Ivan and he looked so happy"

I groaned in frustration. That guy... Nakakahiya! Papaano ko na siya haharapin niyan? Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya! Claire naman kasi eh! Pasalamat ka, bestfriend kita at hindi ko kayang magalit sa'yo.

***

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni bessy. Praning talaga yung babaeng yun. Wala na akong magagawa dahil na send na daw niya kay Ivan yung picture eh. Pababa na sana ako nang may narinig akong tugtog. Yung tugtog na yun ay pinamagatang WOOPS KIRRI. Out of curiosity, sinundan ko kung saan nangagaling yung tugtog. Palakas ng palakas yung tugtog habang palapit ako ng palapit sa isang kwarto. Naglakad ako papunta sa pinto tapos dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Literal akong napanganga sa nakita ko. Nung una, Gangnam. Ngayon naan, Whoops Kirri?!

It's Ivan! He's dancing Whoops Kirri. Feel na feel pa niya. Nakangiti siya habang hawak-hawak ang cellphone. I grinned and thought about something. Pulling out my phone out from my pocket, I unlocked the screen and set it into video mode. Itinutok ko sa kanya ang camera ng phone ko then nirecord ko ang sayaw niya. Pinipigilan ko ang tumawa ng malakas pero ang hirap talaga pigilin so I ended up laughing. Napahinto siya sa pagtawa ko at lumingon siya sa direksyon. Halatang nagulat pa siya. Sino ba naman ang hindi?

"Nice one, Ivan! Nice one!" sabi ko sabay tawa. "Talented ka talaga sa pagsayaw. Ang weird ng mga trip mong sayaw at face expressions na ginagawa mo. Una,yung Gangnam tapos ngayon, Whoops Kirri? Sayaw ka naman diyan ng Cha-cha ni Ryzza Mae at yung look up. Oh, pati yung Pamela, Spaghetti, Bulaklak at Otso-otso ha?"

Pulang pula ang mukha niya sa kahihiyan. Grabe! Tuwang tuwa talaga akong makita ang ganitong side ni Ivan. Ang kulit lang eh noh?

"Shut up, crazy woman. Give me that phone or else... "

"Or else what? "

Itinaas niya ang phone niya at ipinakita yung picture naming dalawa na... na... na nagkikiss. So, pinasa nga talaga ni bessy huh?

"Or else I'll show this photo of us to everyone" he said followed by an evil grin.

"Ah, ganon? Then i'll do the same. I'm gonna show this hilarious video to everyone"

Ayun, naghabulan kaming dalawa mula sa kwarto ni Ivan hanggang sa babae. Takang-taka nga ang tropa eh. In the end, hindi namin binura pareho ang video at picture.

***

Isang linggo na ang nakakalipas mula nung nagbakasyon kami sa bahay bakasyunan nila bessy Claire. Bumalik na kami sa Cherry Valley at naghanda na para sa Summer Class namin. Sheesh, kung bakit pa kasi kailangan pa ng Summer Class eh. Swimming Lesson, NSTP at Life lang naman ang mga subjects namin. Well, ganun talaga. Required yun na i-take eh. Pero at least, magkakaklase naman kaming magkakaibigan kaya hindi na rin masama.

Unang araw ng summer class at napaaga ako ng punta sa school kaya naman nagpunta na muna ako sa paboritong lugar ko - sa garden. Ako at si Ivan lang ang tumatambay sa lugar na yun kaya naman laking gulat ko nang mayroon akong nakitang isang lalaki na naka-higa sa bench kung saan madalas na natutulog si Ivan kapag natambay siya sa garden. Hindi ko na lang siya pinansin. Nagpunta ako sa isa pang bench at doon umupo. Naisipan ko na ituloy yung naudlot kong sketch. Habang nagdradrawing ako, bigla akong naihi kaya naman nagmadali akong magpunta sa CR para umihi. Hindi ko napansin na naiwan ko pala ang art materials ko. Oh well, wala namang gagalaw nun eh. I think wala rin namang pakielam yung lalaki so tingin ko safe ang drawing ko.

Or so I thought...

By the time I came back, nagulat ako nang hindi ko na nakita yung sketchpad ko. Nawala ito! Pero ang mas ikinagulat ko ay nung natagpuan ko ito sa basurahan. Pakielaman niyo na ang makeup ko huwag na huwag lang ang sketchpad ko! Tumingin ako dun sa lalaking naiwan at naghinala ako. Ayoko sanang mambintang dahil masama 'yun pero siya lang naman kasi ang naiwan sa garden the whole time.

"Hey! You there!" tawag ko habang papalapit sa kanya. Nagpamaywang ako tapos tumingin siya sa akin.

"What do you want?" tanong niya.

"Ikaw ba ang nagtapon ng sketchpad na yun?!" tanong ko ng pasigaw sabay turo sa basurahan. Bumangon siya at tinignan ang basurahan tapos tumingin sa akin.

"What if I say yes?"

"What the -?! Why did you do that?! Hindi mo ba alam kung gaano kaimportante yun?! Mas importante pa yun sa buhay mo! Ang hirap hirap mag-sketch tapos tinatapon mo lang?! Saka,hindi naman sa'yo yun ah?! Bakit mo pinakaielaman?! Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo ng GMRC?!"

"Shut up, big mouth. Kakalat kalat kasi yung gamit mo kaya itinapon ko. Next time kasi, huwag mong iniiwan ang gamit mo"

"Aba't ang sama talaga ng ugali mo! Leche ka! Buwisit!" sigaw ko sabay sipa sa tuhod niya kaya napahawak siya sa tuhod niya.

"Aray naman!!! Maingay na nga, bayolente pa! Tell me, are you really a girl?! Malamang wala ka pang boyfriend at wala pang nagkakagusto sa'yo"

"Wow, excuse me ha? Sa ganda at sexy kong 'to? Walang magkakagusto sa akin? Hah! Baka ikaw! Jerk!"

Naku! Nakakainit talaga ng ulo! Ang init-init na nga ng panahon, lalo pang nag-init ang ulo ko dahil sa kumag na 'to!

May araw din sa'kin ang hinayupak na 'to!

***

✔️ Heart's CallWhere stories live. Discover now